[Sydney Paralejo's POV]
Habang nasa loob ako ng kwarto ay ilang minuto ang lumipas at blanko pa rin ang papel ko. I just can't find any story that I can relate myself into. I have read a lot of stories and I don't understand why I can't choose any of them. Maybe I am not thinking enough?
Sa gitna ng aking pag-iisip ay biglang may kumatok sa aking kwarto at alam kong si Mama 'yon dahil kakain na kami ng hapunan. Naisipan ko namang magtanong na lang sa kanya tungkol sa assignment ko para naman may ideya ako kung anong story ang pipiliin ko which I think I could relate my life into.
Lumabas na ako ng aking kwarto saka dumiretso sa kusina kung saan nandoon si Mama na inihanda ang aming hapunan. She smiled as she saw me at sabay na kaming umupo sa upuan.
While eating, we talked about a lot of things. Ikinuwento ko sa kanya ang pagbisita ko kila Sophia, kung ano ang inaral naming dalawa at kung ano-ano pa. Of course, I can't afford to let her know about the incident that happened earlier na muntik nang mailagay si Kiana sa kapahamakan. I have to deal that with myself.
Masaya naman siyang nakinig sa mga kwento ko at kinwento niya rin kung saan siya naglalabada at minsan ay nagpapasalamat siya dahil bumibisita dito sa Aling Rosa para magbigay ng mga kakanin na inihanda niya tuwing nasa eskwelahan ako.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Aling Rosa is the only one in this neighborhood who truly cares about me and my Mom. Hindi niya kami kailanman minaliit at hindi niya kailanman binanggit ang trabaho ng Mama ko dati kaya mataas talaga ang respeto ko sa kanya.
In the middle of our talk, naalala ko naman na dapat pala itatanong ko sa kanya ang tungkol sa aking assignment kaya tinanong ko na siya.
"Nga pala, Ma. May tanong po ako," pangunguna ko.
"Ano 'yon, anak?" tanong naman niya akin habang pinigilan ang pagsubo ng kanin.
"May assignment kasi kami. Tapos sabi doon, kailangan pumili ng isang kwento na parang maka-relate kami mismo sa story na 'yon," paliwanag ko.
"Maganda 'yan anak. May napili ka na ba?" tanong niya.
"Wala pa, Ma. Kaya itatanong ko sana sa 'yo kung sakali ikaw ang pipili, anong kwento ang pipiliin mo na pakiramdam mo maka-relate ka talaga?" tanong ko sa kanya. I really have no idea what story to choose at this point.
"Nako, anak. Ako pa talaga tinanong mo na hindi naman ako talaga mahilig magbasa ng libro," agad naman niyang sambit.
"Kahit 'yung mga pabula o alamat, Ma," I suggested to her.
Tumigil naman siya sa pagkain saka nag-isip muna. After a minute, bumaling naman siya pabalik sa akin.
"Alam ko na. Naalala mo 'yong kwento tungkol sa kuneho at pagong?" she asked.
"Yong The Hare and The Turtle, Ma?" sabi ko naman pabalik. I've read that story multiple times.
"Oo 'yan. Paboritong paborito ko 'yan, anak, noong kinukwento 'yan sa amin ng guro namin dati," masaya niyang sabi.
"Paano ka maka-relate doon, Ma?" tanong ko naman pabalik sa kanya.
Umayos muna siya nagpagkaupo saka uminom ng tubig. Pagkattapos gawin 'yon ay huminga muna siya nang malalim saka bumaling ulit sa akin.
"Kasi diba, anak, 'yong moral lesson doon ay dapat hindi ka agad-agad sumuko gaya ng ginawa ng pagong. Parang sa buhay ko na rin, anak. Kumbaga, kung nasa isang karera ako ngayon, maraming tao ang mas nauna sa akin," sabi niya.
Habang narining ko ang mga salitang 'yon ay parang tinamaan rin ako ng bala. I very much relate to what she just said.
"Marami na ang nakamit ang kanilang mga gusto sa buhay. Pero hindi ibig sabihin no'n na dapat sumuko na lang ako at tumigil sa karera dahil alam ko na kahit mahina ang takbo ko kumpara sa iba, balang araw ay makakarating pa rin ako sa finish line kagaya ng pagong," dagdag niya.
Hindi ko maiwasang hindi maluha sa sinabi ni Mama. Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay nakikita ko sa mukha niya na may mga hangarin rin siya sa buhay and I too as well. Marami akong gustong makamit para sa amin ni Mama ngunit hindi ko pa ito magawa ngayon dahil kapos kami sa pera.
"Ang natutunan ko sa kwento na 'yon ay dapat hindi ka makipagkompetensya sa iba dahil dapat ang focus mo lang ay nasa finish line. Mauna ka man o nasa huli, ang importante ay matapos mo ang karera," she emphasized the last few words para manatili ito sa aking utak.
I always knew na maraming mga wisdom si Mama dahil nakuha niya ito sa mga karanasan niya sa buhay. Ika nga nila, experience is the best teacher. I am just so proud that despite all of the bad things that happened to her even up to this day ay nagagawa pa rin niyang ngumiti sa akin dahil ayaw niya makita ko na mahina siya. Siguro iniisip niya na kapag malakas ang tingin ko sa kanya ay malakas rin ang tingin ko sa sarili ko dahil siya ang tinitingala ko sa aking buhay.
I immediately wiped my tears away para hindi niya mapansin ang mga luhang nagbabadya sa mata ko. Bakit hindi ko kaya ito naisip kanina? I wonder.
"Naiintindihan kita, Ma. At relate na relate rin ako sa mga sinabi mo," I said to her.
Tumango siya sa akin saka nagsalita. "Pabayaan mo lang, anak. Ang importante, hindi tayo susuko at patuloy tayo na tumatakbo sa karera. Balang araw, makakamit rin natin ang mga gusto natin sa buhay ng magkasama tayo," sabi niya.
"Oo, Ma. Pangako 'yan," I promised her.
"Pangako, anak," she replied.
Pagkatapos naming mag-usap at kumain ay sinabi ko sa kanya na ako na ang maghuhugas ng pinggan. She agreed and went to watch the television instead. Habang naghuhugas ng pinggan, naisip ko ang sinabi ni Mama kanina. Bawat salita ay tinamaan ako dahil minsan ay parang iniisip ko na isang kompetisyon ang classroom at dapat ako ang mangunguna sa kanilang lahat. Siguro dahil na rin sa trato nila sa akin ay wala rin akong pake kung nasa ibaba ko sila. I don't have friends before kaya kalaban talaga ang tingin ko sa kahit sino sa kanila.
Nang matapos na ako sa paghuhugas ng mga pinggan ay nagpaalam na ako kay Mama na papasok muna ako sa kwarto para simulan ang aking assignment. Tumango lang siya at patuloy na nanood ng telebisyon habang pumasok na ako sa aking kwarto.
Isinulat ko ang kwento ng pagong at ng kuneho. I wrote some of the words that my Mom said earlier and added some of mine. But what I emphasized most in my explanation was to not give up easily and just focus on your goal. If you put too much attention on the people around you, it will only distract you from keeping your pace on the track. I, too, have things that I want in my life right now, but I know that I will be able to achieve them soon with my Mom. As long as there is patience and perseverance, I know that I will reach the finish line.
Nang matapos ko ang aking assignment ay niligpit ko na ang gamit ko. It's past 9:30 PM so Mom is probably in her room right now.
Inayos ko na ang aking higaan saka humiga na roon. Just as I was about to close my eyes, agad naman akong napasabi sa aking sarili na sana wala akong mapanaginipan ngayong gabi dahil muntikan na akong mahimatay sa panaginip ko kahapon at sa nangyari kaninang umaga sa balcony. Pero kung sakali mang may mangyaring masama ay gagawin ko ang lahat para baguhin ito sa reyalidad.
I closed my eyes slowly and drifted to sleep.
I woke up with a smile on my lips nang tumugon sa aking hiling ang sino mang responsable sa mga panaginip ko dahil wala akong matandaang napanaginipan ko. Maybe this'll be just a plain day at walang mangyayaring kakaiba. Masiyahin naman akong lumabas ng kwarto dahil wala akong dapat alalahanin sa araw na 'to. Even just for a day, hindi ako mababaliw sa kakaisip ng kung ano-ano dahil dito.
Nag-ayos na ako at naghanda para pumunta ng paaralan habang si Mama naman ay humihilik pa pagbisita ko sa kanyang kwarto. Inihanda ko naman na ang pagkain sa mesa para paggising niya ay kakain na lamang siya ng agahan.
Hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil ayoko siyang gisingin nang napakaaga. Sinarado ko na lang nang maigi ang pintuan ng bahay bago pumunta ng paaralan. Oftentimes, I walk to school except yesterday ay sumakay ako sa isang tricycle dahil hindi ko maabutan si Kiana kung tumakbo ako mula sa bahay hanggang sa classroom ko.
Pagdating ko sa aming klase ay nandoon na pala si Sophia sa upuan niya habang may hawak na isang piraso ng papel at hawak-hawak ito. I already knew that it was her assignment dahil kahapon pa siyang excited na ikwento sa akin ito. I made my way towards my chair at nang makita niya ako ay agad naman siya ngumiti sa akin. Hindi pa nga ako nakapaglagay ng aking bag sa upuan ay nagsalita na siya.
"Good morning, Sydney! Ikukwento ko sa 'yo kung ano 'yong story na napili ko sa assignment natin at kung bakit relate much ako dito," sabi niya agad sa akin.
Ngumiti naman agad ako sa kanya. What I like about Sophia is that whenever she's happy, it's contagious na pati ako rin ay nasisiyahan dahil sa kanya.
"Sige nga, Soph. Parinig ako," sabi ko naman sa kanya as I comfortably sat on my chair.
Agad naman siya nagsalita, "Okay. You have read the story of the The Crow and the Pitcher, diba?" tanong niya sa akin.
"Parang oo. 'Yan 'yong gusto ng crow uminom ng tubig kaya niya nilagyan ng bato 'yong picther para umangat ang tubig, diba?" tanong ko naman sa kanya pabalik.
"Oo, 'yan nga. Tapos ang explanation ko diyan ay may mga panahon na may problema ako and I don't know what to do but just like in the story, I always believe that there's always a way to solve problems. I just have to think of more possibilities para ma-solve ko ito," sabi niya at may kasama pang hand gestures, "tapos kagaya rin no'ng nahihirapan ako sa math problems. Ang ginawa ko ay nag-isip ako ng paraan kung paano ko mas ma-retain sa aking utak 'yong mga formula at process ng pag-solve ng questions," she said astoshingly.
Napatango naman ako sa mga sinabi niya dahil tama siya.
"At sa paanong paraan mo 'yon nagawa?" I asked her.
"Through writing all the formulas in flash cards at everyday ire-review ko ito. No'ng ginawa ko ito ay mas nag-improve ang memorization ko at mas nare-recall ko 'yong mga formula," sabi naman niya habang nakatingin sa akin nang manghang-manga.
"Galing mo naman, Soph," sabi ko naman agad sa kanya. Indeed, there's always a way to every problem and you just need to think of all the possibilities there are.
"Thank you! Kaya nasabi ko talaga na relate ako sa fable na 'to. Ikaw naman, Sydney. Ano pala napili mong kwento?" she asked.
I began telling her about the story I chose and the significance of its moral lesson in my life. Habang nagkukwento ako sa kanya ay tumatango siya sa bawat sinasabi ko. Pagkatapos kong sabihin ang lahat ng 'yon ay pumalakpak naman siya saka ako nahiya.
We laughed at both of our reactions nang dumating ang guro namin sa Creative Writing. Upon arrival, pinakolekta na niya ang mga papel namin isa-isa dahil siya mismo ang magche-check nito mamaya. Ipinasa na naman ang aming papel sa harapan saka nagsimula sa pagleleksyon ang aming guro.
Hours later, pumasok na ang aming third period teacher sa Personal Development subject. Masaya kaming nag-uusap ni Sophia not until sinabi ng aming guro na may gagawin na naman kaming activity and it has to be done by pair. 'Yong pair na aming partner sa dating activity.
I groaned in response. Makikita ko na naman 'yong lalaking 'yon.