[Sydney Paralejo's POV]
Nang idinilat ko ang aking mga mata ay bigla akong napadpad sa classroom ng paaralan namin. I tried to move my eyes ngunit hindi ko ito magalaw. Nakatingin lamang ito sa harapan kung saan nagdi-discuss ang aming guro. Nakikita ko rin ang ilan naming mga kaklase na nakatingin rin sa harapan kaya tanging mga likod nila ang nakikita ko. Ang iba ay nagsusulat at ang iba naman ay may pinag-uusapan na para bang importante ito dahil sa mga seryoso nilang mukha.
Wait, is this real? Why would I be here when I should be asleep in my bed? I tried to move my hands ngunit hindi ko pa rin ito magalaw.
"Why can't I move my body?" tanong ko sa sarili ko.
Nagsalita ang teacher ng kung anu-ano ngunit hindi ko ito marinig. Bumubukas ang kanyang bibig ngunit ni isang salita ay wala akong naririnig na lumalabas sa bibig niya. Tinuturo niya ang aming mga kaklase na para bang nagbibilang siya. Nalito tuloy ako kung ano ang nangyayari dito. Am I deaf? No. I'm sure that I'm not.
Pagkatapos magsalita ng guro ng kung ano-ano ay biglang gumalaw ang kanang kamay ko at itinaas ito na para bang may sariling buhay ang katawan ko. I still can't move my body so why does it move alone by itlsef? Kumbaga, nasa loob ako ng katawan ko pero hindi ko magalaw ang sarili kong katawan. Ang tanging magawa ko lang ay manood through my eyes. Confused as I was ay sinubukan kong i-lipread ang sinasabi ng guro ngunit kahit isang salita ay hindi ko kayang ma-lipread.
Pati ang sarili ko ay hindi ko naririnig na nagsasalita sa guro at ang mga kaklase ko rin ay wala akong marinig. Kumbaga, ang tahimik para sa akin dahil ni isa sa kanila ay hindi ko naririnig.
Bigla akong nagbaba ng kamay pagkatapos ng pag-uusap namin ng guro kahit wala akong maintindihan. Ewan ko na lang sa katawan ko kung naririnig niya ang mga sinasabi ng mga tao dito sa classroom.
After seconds of waiting, bigla namang bumaling ang guro namin sa may pintuan na siyang ikinabaling rin ng mukha ko doon. Isang humihingal na lalaki ang napasandal sa pintuan. Sa kakahingal ay nakayuko lamang ang kanyang ulo para makakuha ng hangin. Being the curious person that I am, hinintay kong itataas niya ang kanyang mukha para humarap sa aming guro. He was about to raise his head when suddenly everything around me turned into pitch black.
Bigla akong napadilat sa aking mga mata at napatingin na lamang sa kisame ng aming bahay. Napasimangot naman ako dahil ngayon ay nasa bahay na naman ako. I realized that I was able to move eyes and so I roamed my eyes around the whole room. I sat straight up from my bed habang iniisip ang mga nangyari.
"Was that... only a dream?" tanong ko sa aking sarili.
Agad ko naman kinurot ang aking pisngi at nang makaramdam ako ng sakit ay nilayo ko kaagad ang aking mga kamay. I am definitely in the real world now. Lahat ng nangyari kanina sa eskwelahan ay panaginip lamang.
Huminga ako nang malalim nang mapagtantuhan ang lahat ng 'yon. Akala ko nag-teleport ako bigla dito sa bahay mula sa paaralan. I can feel my heart beating so fast as I calmed myself down. I walked out of my room and immediately went to look at the clock hanging above our front door.
3:02 A.M.
I stared at the clock for what seems like forever because I usually don't wake up this early. And what's up with that dream? I never dreamt of something like that before. Usually, random lahat ang mga panaginip ko at kung ano-ano lamang ang nangyayari. Pero bakit doon sa panaginip ko ay parang pakiramdam ko totoo siya? Kuhang kuha ang mga detalye sa classroom namin, pati na rin ang mga mukha ng aking mga kaklase. Plus, nagsasalita sila pero hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila. That's just weird.
Nagtayuan ang mga balahibo sa aking batok na siyang ikinatakbo ko pabalik sa aking kwarto. I covered my whole body with my blanket and forced myself to sleep. Sa kasamaang palad, kahit anong pilit kong ipikit ang aking mga mata ay hindi ako makatulog. Nanatiling buhay ang diwa ko hanggang sa sumikat na ang araw. I then realized I have no choice but to go out and cook breakfast for both me and my mom.
Sa kalagitaan ng pagluluto ng itlog ay nagising at lumabas si Mama sa kanyang kwarto. Napakamot pa siya sa kanyang likuran.
"Good morning, anak. Ako na magluluto diyan para makaligo ka na at makapunta sa paaralan nang maaga," sambit niya habang papalapit sa akin.
"Ako na, Ma. Huwag ka mag-alala dahil maaga pa naman at malapit naman na matapos 'tong niluluto ko. Promise, hindi ako ma-le-late sa klase ko," I replied.
"Sige, anak. Doon muna ako sa sala manonood ng TV. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka," sabi niya habang naglalakad patungo sa sala.
"Sige, Ma," sagot ko naman.
Habang nagluluto ay lumilipad ang isipan ko sa panaginip na 'yon. May kahulugan ba iyon? Sa lalim ng aking pag-iisip, hindi ko namalayang napalakas ang paggamit ko ng sandok kaya natalsikan ng mantika ang kamay ko.
"Ah-" agad kong tinakpan ang bibig ko dahil ayokong mag-alala na naman si Mama sa akin.
Hindi ko na inisip pa ulit ang panaginip na 'yon at nag-ayos na lamang sa sarili. Pagkatapos kong kumain, maligo, at magbihis, nagpaalam na ako kay Mama para pumasok sa paaralan.
Papasok pa lamang ako sa room ay ramdam ko ang mga titig ng mga nagkukumpulang babae sa gilid ng room. Isa na roon ang nakaaway ko no'ng isang araw. I can't even remember her name.
"Ang hirap talaga kapag kabit, 'no? Kumbaga sa jeep, sumasabit ka lang sa labas kasi walang maupuan," pagpaparinig nila. I chose to ignore them and looked away at naglakad na patungo sa upuan ko.
There's not a day na hindi ako makarinig ng ganyang linya. Sometimes, naiisip ko na lang na parte siya ng aking daily routine wherein hindi matatapos ang araw ko kung hindi ko marinig ang mga katagang iyon. Wala na rin naman akong magawa if I try to argue with them. Mas gaganahan lamang sila sa asarin ako lalo kaya hindi ko nila pinapansin. Sabi nga nila, silence is the best revenge. I don't want to stoop down to their level as of now. But once they try to push my buttons so hard, that's the time that they will learn their lesson from me.
Pumasok na ang guro namin para sa first period ng aming klase. Pareho lang ang aming ginawa. Nag-discussion saka nag-quiz pagkatapos, same as with our second subject.
When it was already time for our third period, kinuhit naman ako ni Sophia sa aking balikat kaya bumaling ako sa kanya.
"Sydney, may activity raw tayo ngayon sa Personal Development," sabi niya habang bumubulong.
"Na naman? Ba't ba ang hilig niya magpa-activity? Ang iba nga hindi pa niya na-di-discuss, 'di ba?" bulong ko naman pabalik sa kanya.
"Oo kasi 'yan sinabi ng kabilang section. Nagpa-activity rin daw siya sa kanila," sambit niya.
Napabuntong-hininga na lamang ako saka nagsalita, "Sige, Sophia. Abangan na lang natin ano ana ipa-activity mamaya ni sir," sagot ko naman sa kanya.
She raised her thumbs up na siyang ikinangiti ko. I really find Sophia very comfortable. We've been very close friends for days now and I just really hope that she's not like other people who backstab their friends once they gain their trust.
Pumasok na ang aming guro na siyang ikinatahimik naming lahat.
"Good morning, class," bati ni sir Alan sa aming lahat.
"Good morning po, sir," bati naman ni pabalik sa kanya habang tumatayo.
"You may sit down," sabi niya saka umupo na kaming lahat.
Pagkaupo ko ay bigla ako napatulala nang pagtingin ko sa harapan ay ito mismo ang nakita ko sa aking panaginip kanina. Si sir na nasa harapan habang nagsasalita at ang mga kaklase ko na nag-uusap sa kanilang mga upuan ay gayang-gaya sa napanaginipan ko kanina. The only difference is that I can clearly hear all of them talking unlike in my dream where I could not hear anyone of them.
"What a concidence," bulong ko sa sarili ko. Kaya pala parang nakaramdam ako kanina ng kakaiba pagkaupo ko pa lang sa upuan ko.
Napabaling na lamang ako kay sir nang bigla siyang nagsalita.
"Okay, class. Since you are all 36 in total, pick your partners for this next activity. We will have 18 pairs and I'll give you 5 minutes to find and sit with your partner. Just to remind you, whoever you choose will be your permanent partner for the first semester." Paliwanag ng teacher namin. Nang sinabi niya iyon ay nawala bigla ang lahat ng iniisip ko kanina. If there's one thing I hate the most, it is doing group activities.
I cursed internally. For the whole semester? Bigla kong narinig ang halakhakan ng mga babae sa likod ko. Alam kong nagchichismisan na naman sila dahil mapapahiya na naman ako sa kinauupuan ko. I never wanted to befriend anyone in this room but it looks like I have no choice. For sure kung sino ang magiging partner ko, ayaw niya rin maging pair ako at magpaplastikan lang kami.
Five minutes passed and everyone got up to sit with their partner, except for me, of course. Habang nagsasalita ang aming guro ay itinaas ko naman ang aking kamay. The moment I raised my hand, bigla ko na naman naalala ang aking panaginip. I also raised my hand ealier sa aking panaginip habang kausap ang aming guro. What is happening to me? I snapped back at my thoughts when the teacher turned his attention to me.
"Is everyone settled? Okay, let's start— Paralejo? Where's your partner?" Nalilito na tanong ng teacher ko.
"I'm sorry, sir. But, can I do this activity alone?" Again, I heard murmurs echoing around the room. Nagbabakasakali akong pwede na ako lang mag-isa. Hindi naman na bago sa akin ang ganito.
"Laki naman ng ulo, kala mo naman kung sinong matalino," sabi ng isa kong kaklase.
"Wala kasing gusto makipag-partner sa kanya kasi nakakadiri," sabi rin ng katabi niya.
"Mas mabuti 'yan, baka mahawaan pa tayo sa kapokp*kan niyan," sabi na naman ng isa.
Muntik na akong napatayo nang binagsak ni Sir Dave ang meter stick niya sa mesa. Napabaling kaming lahat at nakita siyang nakatingin doon sa mga kaklase kong nagsasalita kanina.
"Enough. Tumigil kayo kung ayaw niyong dadalhin ko kayo sa principal's office." Galit na tugon niya. Takot na yumuko ang mga kaklase ko.
Muli siyang tumingin sa 'kin. "Paralejo, it will be unfair to you if you'll do this all by yourself. Besides, lahat kayo may partner dahil 36 kayo. Sino ba ang natitirang walang partner aside from Paralejo?" Tanong niya sa buong klase.
As expected, no one responded. Siguro tama ako, ayaw nilang ako ang partner niya kaya hindi siya sumagot. Ibinaba ko ang aking kamay as I smiled internally. Although, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pagiging coincidental ng mga nangyayari ngayon sa panaginip ko kanina.
Binilang ni sir kung ilan kami lahat habang nakasimangot. Hindi siya nakuntento at paulit niya kaming binilang.
"35? Nasaan ang isa—"
Nawala ang ngisi sa isip ko nang biglang makarinig ako ng mga yapak na tumatakbo at ito ay palakas nang palakas. Bumaling ang aming guro sa pintuan kaya naman bumaling na rin ako dahil nahinto ang mga malalakas na yapak. Just as I thought this day couldn't get any weirder, nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa pintuan habang humihingal. Naririnig ng buong klase ang kanyang paghinga nang malalim dahil sa kakatakbo niya patungo dito. Nakayuko lamang siya dahil kinapos sa hangin.
Then I realized all of this isn't a coincidence. Imposibleng lahat ng nangyari sa napanaginipan ko kanina ay nangyayari mismo ngayon. Dreams are supposed to be random and sometimes plainly nonsense so why is this happening to me?
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Although, hanggang dito lang 'yong panaginip ko kanina nang naputol ito. As he raised his head, we immediately locked gazes and what made it weirder was that his face was evidently shocked after seeing me, the same as with my expression the moment I saw him. Para kaming nagtataka the moment we saw each other's faces.
"Gascon? Bakit ngayon ka lang? You are 20 minutes late," sabi naman ng guro namin sa kanya.
"Good morning, sir. Ha— Sorry, I'm late." Hingal niyang sambit.
"Well, you should be. Kapag mangyayari ulit 'to, Gascon, I will have to talk to your parents," babala niya sa kanya.
Nang dumapo ang mga mata niya sa akin, para akong naestatwa sa kinauupuan ko. I was curious since last night about his appearance since hindi ko ito nakita sa aking panaginip. But seeing his face right now, and the coincidences that happened earlier only means that my dream just came true. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa gulat at pagtataka. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako ngunit kitang-kita ko rin sa kanyang mga mukha ang bakas ng gulat pagkakita sa akin.
We locked gazes for several seconds before he looked away and responded to the teacher, "Don't worry po, sir. I will not be late again. I'm sorry po." Yumuko na lamang ang lalaki saka tumuloy sa pagpasok.
"Good." Pagkatapos pangaralan ang lalaki ay muli siyang bumaling sa 'kin at nagsalita.
"Paralejo, he will be your permanent partner for this semester, Cairo Gascon." Bigla akong napabaling sa aming guro.
"But sir-" pagpoprotesta ko.
"No buts, Ms. Paralejo. We're already running out of time at magsisimula pa tayo sa ating discussion. You may sit down," he cut me off.
Tinikim ko na lang ang bibig ko at umupo. I have no choice but to accept that he will be my partner and seatmate for the whole semester. Habang tulala akong nakatuon sa blackboard, biglang naramdaman ko ang paggalaw ng upuan sa aking tabi. I already know it's him, but I just can't stop feeling suspicious about his existence. Why did he show up in my dreams? Bakit siya nasa panaginip ko na hindi naman kami magkakilala? It's because I'm really not familiar with my classmates expect Sophia. Ngayon ko lamang siya nakita at hindi ko maisip na magkatabi kami for the whole semester. Coincidence nga lang ba 'yong panaginip ko? Or is this a sign of a bad omen? Should I stay away from him? Napasapo naman ako ng aking mga kamay sa aking bibig.
Napapikit ako at pilit na hindi lumingon. I know that our situation right now is definitely awkward and weird. I doubt that he thinks the same way too. I really hope this is just a coincidence because it's starting to creep me out.
"Kailangan kong mag-ingat sa kanya dahil alam kung may kinalaman siya tungkol doon sa panaginip ko," sabi ng utak ko.