Chapter 15

1524 Words
[Sydney Paralejo's POV] The next morning came at rinig ko ang sunod-sunod na mga tilaok ng mga manok sa aming kapitbahay. I immediately opened my eyes and sat straight up in my bed. I blinked for a couple of times and went out of the room. I checked our wall clock to see that it was 5:00 in the morning. Ito ang usual time na nagigising ako everyday dahil ako ang nagsasaing para sa amin ni Mama. When she's not still up yet, I cook breakfast for us as well. Nanlaki ang aking mga mata nang napagtantuhan kong nakatulog nga ako. I closed my eyes and tried to think about the dream I had last night. But nothing popped up in my mind. Wala akong maalala ni isa sa aking panaginip kagabi. Puro itim lang ang naalala ko. Literal na wala. Ibinuka ko ang aking mga mata at napaisip na baka nga hindi totoo 'yong libro. Na hindi totoo ang nakasulat doon because if it was true, dapat nanaginip ako kagabi. Pero wala naman. Hindi ako nanaginip ng kung ano and so I felt relieved. Baka nga guni-guni ko lang iyon. Sa dami ko pa namang iniisip, siguro 'yong utak ko ay naguguluhan na kaya nakakakita at nakakaramdam ako ng bagay-bagay. Nagsaing na ako kanina at habang naghihintay ako maluto ito ay naligo na muna ako. I took a bath really quick, just enough time na alam kong malinis na ang aking katawan. If I take too much time bathing myself, baka maging tutong na ang kanin namin. With a towel wrapped around the top of my head, lumabas na ako at inalis ang kaldero sa lutuan. Kumuha naman ako ng dalawang itlog sa tray na binili ni Mama noong isang araw at niluto ito. She came out of her room while stretching her hands upwards. "Good morning, anak. Anong oras na ba?" tanong niya. Tumingala naman ako sa wall clock at saka nagsalita. "Good morning rin, Ma. Alas 6:00 na po ng umaga," sabi ko habang binibiyak ang ikalawang itlog sa kawali. "Ah. Anong oras nga ulit ang pasok mo?" Mom asked. "Matagal-tagal pa po. 7:30 AM," tugon ko habang pinapaulanan ng konting mantika ang ibabaw ng itlog. "Ako na diyan, anak," she offered. "Okay lang, Ma. Last naman na itong itlog at makapag-agahan na tayo," saka natapos kong lutuin ang panghuling itlog. "Sige. Salamat, anak," she said as she turned the television on. Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lamang sa sinabi niya. After eating and wearing my school uniform, nagpaalam na ako kay Mama saka ako pumunta sa eskwelahan. The same day as usual. Discussions, oral recitations, worksheets, and group activities. Hindi ko pa rin alam if I am free from what the book said because it's only day one at pagkatapos umuwi ngayong araw, wala namang nangyaring masama sa akin at sa paligid ko. Dumating ang sumunod na araw, saka ang araw na kasunod nito, at ang araw na kasunod na naman nito ay wala akong napanaginipan na nangyari ng totoo. It's been a week of observing and I am almost a hundred percent sure that the book was a lie and that I am just seeing things. Masaya akong natutulog since then at unti-unting nawawala ang librong iyon sa isipan ko pagkalipas ng isang linggo. Other than that, napapansin ko rin na sinusubukan ni Sophia na kausapin ako from time to time. Isang linggo ko siyang binabantayan na baka spy or kakampi siya ng mga ibang babae sa room kaya ayoko muna siyag palapitin sa akin. But after a week, hindi ko siya nakita na nakikipag-usap sa ibang mga kaklase namin kundi ako lang. Naririnig ko rin sa ibang mga kaklase namin na mag-isa lamang siyang kumakain sa table sa canteen. I don't know if it's a lie, though, since I did not see it with my own eyes. To see is to believe. It's really difficult to trust people nowadays. It was early Monday and I went to school early as well. Pagkapasok sa room ay wala pa ang teacher namin at natagpuan ko si Sophia na may sinusulat sa kanyang upuan. Since magkatabi kami, I went to my chair at inilagay ang bag ko sa upuan. Hindi niya ako napansin na dumating kasi nakatuon lamang ang kanyang pansin sa kung anong nakasulat doon. Tumikhim ako to get her attention and she looked up at me. "Sydney, nandiyan ka pala. Good morning," sabi niya at yumuko ulit para magsulat. "Good morning, Soph. Ano 'yang sinusulat mo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang papel. "Ah, ito? Tinatapos ko lang 'yong assignment natin sa General Mathematics," sabi niya. "Ah, okay," sabi ko naman pabalik at hindi na siya kinausap pa para matapos niya ang kanyang gawain. I already finished mine last night so I patiently sat down in my chair at naghintay sa aming guro. Approximately 20 minutes passed at hindi pa siya tapos sa kanyang sinusulat. Halos kumpleto na ang aming mga kaklase at ang guro na lamang ang kulang. Although, hindi naman first subject namin ang General Mathematics, baka magisa siya ng guro namin kung makikita niyang nagsusulat siya ng assignment at hindi nakikinig, lalo na't ang assignment na iyon sa tungkol sa ibang subject. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang kumakamot sa kanyang ulo o kaya'y napapakagat na lamang sa dulo ng kanyang ballpen. Napabuntong-hininga na lamang ako at kinausap siya. "Soph? Napansin ko na kanina ka pa nagsusulat ah. May part ba sa assignment na nalito ka?" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang papel. The assignment was to solve for rational functions and I even found it difficult at first noong ginawa ko ang assignment. "Oo, Sydney. Tapos ka na sa assginment mo?" tanong niya pabalik. "Oo. Natapos ko kagabi," sagot ko naman. Nag-angat siya ng kanyang mukha ulit at nagsalita, "Sydney, pwede patulong? Paki-explain lang sa akin paano mo nakuha dito na part? Nalito talaga ako kahit may formula na." I am not really the type to help my classmates in terms of academics because I feel like that's the only time they try to be nice to me. If they know na may makukuha sila sa aking information, they will act as if masaya akong kausap but then suddenly turn their backs on me the moment I helped them. I looked into Sophia's eyes as she waited for my answer. I can see that she really tried to understand the concept and solve the correct answer on her own because if I didn't ask her in the first place, she wouldn't call for my help. In the end, I agreed. "Sige, ganito 'yan. 'Yong equation ay..." nagpatuloy ako sa pag-explain sa kanya habang siya naman ay manghang-mangha sa mga sinasabi ko. I explained the solution to her in the easiest and most understandable way I can so that she will not be confused. Nang matapos akong magbigay ng example at ipaliwanag sa kanya kung ano ang dapat gawin, she nodded her head at me. "Ah, okay. Sige, salamat, Sydney!" "You're welcome, Soph," sabi ko naman at umupo ulit ng kumportable sa aking upuan. About 8 minutes passed at pumasok ang guro naman para sa first period ng klase. Ibinaling ko naman ang aking mata kay Sophia at nakita ko siyang inaayos ang kanyang papel sa loob ng kanyang bag. I suppose that she has already finished her assignment dahil nakita kong nakangiti siya nang humarap siya sa blackboard. Kumalma naman ang sikmura ko and I can't help but feel happy as well because I helped her. It feels good to see other people's smiling faces once you help them about something. The day went by fastly. We had a seatwork during our General Mathematics class, an oral recitation during Philippine Politics and Government class, and a short quiz during our Religious and Belief Systems class. What we did on the rest of the subjects were mostly discussions. The bell rang in the afternoon and it was time for us to go home. I packed my bag and went outside the classroom. Habang naglalakad palabas ng gate ay nakikita ko ang ibang mga estudyante na masayang naglalakad kasama ang mga kaibigan nila. Ang iba ay nakaakbay sa isa't isa at ang iba naman ay tumatawa nang napakalakas habang nag-uusap. I smiled internally. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang narinig ko na may tumawag sa aking pangalan. Usually, I never pay attention to people if they call my name, but this is an exception. And that is because kilala ko ang boses na tumatawag sa akin. I looked back and saw Sophia making her way toward me hastily while clutching her small bag in her shoulders. Nang makarating siya sa harap ko ay hingal siyang napayuko at napahawak sa kanyang mga binti. As much as I want to leave her behind and just go home because of the people staring at us, I feel like Sophia wants to tell me something. Will she say something bad? Will she humuliate me in front of these students? Will she, though? These thoughts kept on running in my mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD