Chapter 16

1829 Words
[Sydney Paralejo's POV] Nang makuha na niyang makahinga nang mabuti ay itinaas niya ang kanyang mukha at humarap sa akin. Many people were waiting for what she'll say and I was standing, ready to face the humiliation, saka siya nagsalita." "Sydney, thank you pala kanina ha? Kung hindi mo ako tinulungan, baka hindi ko matapos 'yon," sabi niya. Bigla naman ako nabigla sa sinabi niya. No one ever said that to me before. And what I was expecting her to say was the exact opposite of what she said. "Okay lang, Soph," sabi ko pabalik. I was about to turn around and go home when she suddenly replied. "And because you helped me, I'd like to invite you for a treat," sabi niya habang nakangiti. She said those words quite loud enough na marinig ng ibang mga kaklase ko. Nagsimula na ang iba na magbulungan habang ang iba naman ay pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo. I definitely know where this is going. I know she has a plan on the back of her head. Alam kong may pinaplano ito para ipahamak ako. Because of that, I immediately replied. "No," I replied sternly. Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla namang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Namuo ang mga tubig sa mga mata niya and that's when I realized that my answer was too harsh for her. I am not even sure whether she really means it or she has something up on her sleeve. Out of guilt, I rephrased my answer. "Sorry, Soph. Kailangan ko kasing umuwi ngayon kasi may mga gawaing-bahay pa akong mga dapat gawin," pagpapaliwanag ko. "Okay lang, Sydney. How about I walk with you on your way home instead?" sabi niya naman and she flashed another smile to me. At this point, I don't know if I should be threatened or not because I already turned her offer down earlier yet she still offered another one. Inisip ko na lang na since hindi naman ako sigurado sa plano niya, I will let things unfold on its own. We'll see if her plan will work or not. Sabi nga nila, diba? Keep your friends close and your enemies close. Though, it doesn't really apply to me because I don't have friends. Yeah. "Sige. Tara na," I said nonchalantly. Nauna na akong tumalikod sa kanya at siya naman ay masiglang sumunod sa yapak ko. She transferred from my back to my right side at sabay kaming naglakad sa daan. The whole walk was silent. Hindi ako nagsalita at siya naman ay nakatingin lang sa kung saan-saan. Minsan nakatingin siya sa mga dumadaang bahay, sa mga dumadaang mga hayop, at minsan naman ay sa mga malalaking puno. After minutes of walking silently, bigla siyang nagsalita. "Sydney, you don't trust me, right?" tanong niya bigla. Hindi kaagad ako nakapagsalita. That was the exact thought I had on my head ngayong habang naglalakad kami. I want to respond to her in a kind way but I know I have to tell the truth. Alam kong alam niya ang background ko kaya hindi na ako magtatago pa. "Nope. Sorry, Soph. Sana maintindihan mo," I said without looking at her. "Okay lang naman. I really just want a friend. That's all," sabi naman niya. Napatingin naman ako sa kanya bigla, "Bakit hindi ka nakikipagkaibigan sa mga classmates natin?" Kinda weird how I am the only one she ever talks to and not to our other classmates. Another reason for me to do bt her intentions. "They don't like me. I've tried to approach them so many times pero tinatawanan lang nila ako," sabi niya habang nakayuko. "Tinatawanan? Bakit naman?" tanong ko pabalik. "Siguro sa pananalita ko. Hindi ko alam pero sinasabihan nila ako na 'trying hard' mag-english." sagot niya sa akin. Hindi ako nagsalita. I empathize with her, though. "Hindi nila alam na kaya ako nagta-try na magsalita ng English ay kasi gusto ko maging fluent doon. Sabi kasi ng English teachers namin dati, mas mahahasa 'yong pagsasalita mo ng English kapag ginagamit mo 'to sa pakikipag-usap sa ibang tao," sabi ko. It is true. The fastest and most efficient way for people to be fluent in English is to practice talking to other people in speaking the language. Napapansin ko na dito lang sa Pilipinas nangyayari 'yong kapag magsasalita ka ng English, dapat perfect grammar lahat-lahat. It is true na dapat tama ang grammar pero dito ay tinatrato ka na feeling mayaman kapag nagsasalita ka no'n. Kung hindi feeling mayaman ay feeling matalino naman. This is one of the reasons why people loose self-esteem in trying to even learn the language dahil halos lahat ng tao sa bansang ito ay mga perfectionist. Na dapat sa mata nila ay lahat perpekto. "Huwag mo na lang silang pansinin. That's what I always do," I said to her. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Dahil doon, nawawalan ako ng confidence na magsalita ng English kasi parang binabantayan nila ang mga salita ko." This is what I am talking about. As for myself, I admit that I am not that fluent in English but I can arrange my thoughts and can express them by speaking English in a short amount of time. Hindi naman ako nag-improve ng ganito kung hindi muna ako dumaan sa mali-maling grammar. There is no shortcut to success. It's all a matter of time and practice. "You know what, Sophia? Don't mind them. And I know it's easier said than done but if you keep on paying attention to them, mas gaganahan lang silang asarin ka. Try to not even look at them and they'll be pissed off eventually," sabi ko sa kanya. What I said worked for me, but I hope it'll work for her as well. "You're right. Dapat hindi ko sila pansinin," sabi niya habang ngumingiti. We talked about things like her hobbies and interests. I talked about my likes and dislikes as well. "Do you usually walk on your way home, Sydney? Like every day?" tanong niya. "Oo. Malapit lang rin naman bahay namin dito," sagot ko. "Oh, okay," tugon niya. "Ikaw? Nasaan ba bahay niyo? Doon sa kabila," I said. She pointed in the direction of the road opposite our house. Napatigil naman ako sa paglalakad at tinuro ang direksyon sa likod namin. "Doon? Paano ka uuwi niyan, baka gagabihin ka." "Ano ka ba, Sydney. Okay lang ako. Makakauwi rin ako," sabi niya at naglakad ulit. "Sabi mo 'yan ha. Sige," sabi ko naman at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Nang makarating na kami sa bahay ay huminto na kami sa paglalakad. She did not say a word at naghintay lamang sa kung anong sasabihin ko. Napaarko ang aking mga kilay nang makita ang isang puting sasakyan na nakaparada sa isang lugar na medyo malapit sa aming bahay. Sa pagkakaalam ko, walang sasakyan ang mga kapitbahay namin. By the looks of it, I can say that the car is quite expensive. Parang bagong bili ang sasakyan dahil kumikintab ito sa ilalim ng sinag ng araw. Ang mga naglalakad rin ay tila napapalingon at nagtataka kung kaninong sasakyan 'yon. Ang iba ay lumapit pa mismo at sinubukan pang sumilip sa loob ngunit wala silang makita. I suppose the windows of the car is tinted so that no one from the outside can see what's inside. Kanino kaya 'yon? Binalewala ko na lamang ito saka ibinalik ang atensyon kay Sophia sa tabi ko. "Papasok na ako, Soph. Kita na lang tayo bukas sa school," I said as I looked at her. "Okay. See you tomorrow, Sydney!" sabi niya. Hindi na ako lumingon pa at tumango na lamang habang direstong pumasok na lamang sa loob ng bahay. I closed the door and peeked through a hole in our wall para makita kung ano ang ginagawa niya. Nagsimula siyang maglakad patungo sa daan na nilakad namin kanina. As soon as hindi ko na siya makita dahil sa liit ng butas ng dingding namin, lumabas ako at siniguradong hindi niya ako makikita. Nakita ko siyang naglakad at alam kong hindi niya ako makikita dahil tanging ang likod niya lang ang nakikita ko. May kausap siya sa kanyang telepono and after a couple of minutes of following her, a car suddenly stopped by her side at taranta naman akong napatakbo sa kanya dahil baka isa 'yon sa mga modus ng mga kidnapper. I stopped in my tracks nang makitang may lalaking lumabas mula sa sasakyan at binuksan ang pintuan sa harap ni Sophia. Yumuko muna siya sa lalaki saka tuluyang pumasok sa itim na sasakyan. Isinara ng lalaki ang pinto nang dahan-dahan at saka pumasok sa kabilang pintuan nito. Nakatayo lamang akong tumingin sa itim na sasakyan habang ito ay umandar at sa bilis ng takbo nito sa daan ay agad ito naglaho sa aking paningin. Napakalma naman ako knowing that she will go home safely and so I walked on my way home. Nakatira kami sa bahay ng grandparents ko kasi kay Mama nila ipinaubaya ito nang sumakabilang buhay na sila. Si Mama ang nag-iisang anak nila at ako lang rin ang anak niya. Unless, may ibang babae ang Papa ko at may mga kapatid ako sa labas. Luma na ang bahay dahil matagal-tagal na rin ito saka wala kaming pera para sa renovation sa mga sira-sirang parte. Kumatok na ako saka pumasok. "Ma, nagsaing ka na ba—" "O, anak! A-ah, andiyan ka na pala," gulat na sabi ng Mama ko. I looked at the man in checkered polo. His back was facing me and the way he snaked he's arm around Mom's waist only means one thing. Bumilis ang lakad ko patungo sa kanila nang marahas na inalis ni Mama ang kamay ng lalaki sa baywang niya at tinulak siya palayo. Kumawalas si Mama sa pagkakahawak niya saka lumingon sa 'kin. "Anak, si Anthony," sabay turo sa lalaki sa kanyang tabi. He looked at me and we locked gazes. I eyed him from head to toe and it looks like he's in his early 40's. Nasa 42 or 43 ata. Kitang kita ko ang iilang puting buhok sa ulo niya. I looked back at Mom and by the look on her face, she assured me na siya na ang bahala. "Anthony, lumabas ka muna. Mamaya na tayo mag-usap." Busangot na lumabas ng bahay ang lalaki. "Ma, sino ba 'yon?" tanong ko habang tinatanggal ang sintas ng sapatos ko. "Nandoon daw sa bar. Alam naman nilang lahat na hindi ako pwede sa 'take home' na 'yan, pinipilit pa talaga. Wag mo na 'yon alalahanin, anak. Ako bahala doon" I shouldn't be surprised kapag ganito naabutan ko sa bahay since gano'n naman na ang nature ng trabaho ni Mama. Bandang alas siyete ay natapos na kaming kumain at pinauwi na ni Mama si Anthony. I glanced at them at nakita kong akmang hawakan niya si Mama sa baywang. Umilag si Mama kaya nakuha niyang pigilan ang sarili niya. He then rode his car and went off.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD