[Cairo Gascon's POV]
I arrived at school just in time for the weekly flag ceremony. It has only been a week but I can already feel the tiredness of being a senior high school student. I clutched at the strap of my backpack firmly habang pinipilit ang aking sarili na hindi antukin sa gitna ng flag ceremony. Every Monday, nakagawian na sa eskwelahang ito na may flag ceremony bago magsisimula ang klase. Para akong matutumba habang nakatayo dahil sa antok ngunit pinipisil ko ang aking braso from time to time para manatiling gising ang diwa ko. After the ceremony, pumasok na kami sa aming mga silid at hinintay maabot ang teachers. Pagkapasok ko ay nakita ko si Sydney na kausap ang katabi niyang babae. May sinasagutan ata sila. Napangiti naman ako nang konti. Buti na lang may nakakausap siya sa ngayon. Ilang minuto pa ay pumasok na ang aming teacher para sa first period at nagsimula sa pagleleksiyon sa klase.
Lunchtime came and we went out of our rooms to go to the canteen. As usual, kasama ko sina Paulo, Ken, Kurt, at James papunta doon. Habang kumakain kami ay masaya kaming nagkuwentuhan tungkol sa ginawa namin noong Sabado at Linggo.
"Ako, pumunta kami sa bundok ng Papa ko kasi may taniman kami doon na kailangang bisitahin. Pagkatapos noon ay may nakalaro rin ako doon ng basketball," ani ni Kurt.
"Ako naman ay sa bahay lang ako kasi nanood ako ng anime. Kaya ko nga buong araw manonood lang ng anime," sabi ni Ken.
Nagsalita naman ako kung anong ginawa ko noong nakaraang weekend, "Ako naman naglaro lang ako ng videogames. Inaabutan pa nga ako ng magdamag dahil wala namang pasok," sabi ko.
"Same, tol. Nasa bahay lang rin ako tapos minsan nanonood kami ng TV ni Mama buong hapon," sabi ni James.
"Natulog lang talaga akong buong Sabado at Linggo. Parang inaantok ako lagi," sabi naman ni Paulo.
Marami pa kaming pinag-usapan nang may naisip si Kurt.
"Uy, mga tol. Alam ko na ano gagawin natin mamaya," sabi niya habang unti-unting ngumingiti. Ano na naman kayang nasa isip ni Kurt?
"Ano, tol?" tanong ko sa kanya.
"Pwede tayo maglaro mamaya sa basketball court kasi vacant naman klase natin pagkatapos nito," he suggested.
Tumango naman kaming lahat at napasabi na ba't ngayon lang namin 'to naisipan.
"Sige ba. Pero paano 'yan? Wala naman tayong bola?" tanong ni James.
"Sino nagsabing wala?" tanong naman ni Paulo habang pinapaikot ang isang bola sa kanyang hintuturo.
"Naks, tol! Pinlano niyo talaga ah," sabi naman ni Ken.
"Oo naman. Para na rin makita ko itong si Cai na maglaro," sabi naman ni Kurt habang nakatingin sa akin.
"Baka nga hindi ka makapuntos kapag ako kalaban mo," I confidently said to him kahit hindi naman talaga ako masyadong magaling maglaro ng basketball.
"Weh? Hinahamon mo talaga ako ha," sabi pabalik ni Kurt.
"Sige ba! Game," sagot ko naman sa kanya.
Dali-dali namin tinapos ang aming mga pagkain at bumili muna ng tig-iisang bote ng tubig saka tumuloy sa pagpunta sa basketball court. Syempre, nagpahinga muna kami saglit dahil masakit sa tiyan kapag bagong kain at maglalaro agad at nakakasama 'yon sa ating katawan.
Pagkatapos ng halos 20 minutes, tumayo na kami at nagsimulang maglaro ng basketball. Buti na lang may dala akong towel sa bag ko lagi kaya may pamunas ako kapag papawisan ako. Sila Kurt naman at Paulo ay naghubad ng damit pang-itaas dahil ayaw nilang mapawisan ang mga damit nila. Si Ken at James naman ay may dalang extra shirts para makapagbihis sila pagkatapos namin maglaro.
The game was fun. It was two versus three, though. Tatlo kami ni Ken at James habang dalawa naman sina Paulo at Kurt dahil magagaling naman ang mga 'yon. Sa tuwing hawak ko ang bola ay binibilisan ko ang pag-dribble para hindi maagaw ni Paulo sa akin ito. Ang advantage lamang niya ay matataas ang kanyang mga kamay kaya nahihirapan akong ipasa ang bola kay James dahil nasasalo niya ito sa kanyang kamay. Masaya kaming nagtatawanan habang naglalaro dahil may mga panahon na biglang mabitawan ni Ken ang bola habang dini-dribble ito. Kapag naman i-shoot ang bola ay minsan hindi ito umaabot sa ring o minsan sa sobrang lakas ay lumalagpas na ito sa backboard. Minsan naman ay namamangha kaming tatlo ni Ken at James sa tuwing maka-dunk si Kurt sa ring. In the end, 21-14 ang score namin at lamang sila Paulo ng limang puntos. Nagpahinga kami saglit dahil malapit na ang klase sa next period kaya nagpunas na ako ng aking pawis habang umiinom ng tubig. Sila naman ay nagbihis na ng bagong mga damit.
"Magaling naman pala si Cai ha. Sali ka sa tryouts sa Intramurals," sabi ni Paulo habang hawak ang tubig na binili namin kanina.
Tumango na lamang ako kasi uniinom ako ng tubig nang sinabi niya 'yon.
"Pinapuntos lang namin kayo para maka-score kayo," sabi naman ni James. Natawa naman ako kaya bigla kong nabuga ang tubig sa damuhan.
Tumawa lang sila saka nagsalita si Paulo, "Talaga ha? Ano? Rematch?"
"Sige ba. Next time 'yan," James confidently said.
What I liked about our game was that neither of us were competetive. Minsan nga ay pinapascore kami nila Paulo at Kurt sa tuwing nakikita nila na malayo na ang agwat ng scores namin. We were all laughing while dirbbling the ball, halos nawawalan kami ng hininga dahil tumatakbo na nga kami at tumatawa pa. It's nice to play with people like that.
Habang nagpapahinga ay napatingin ako sa kawalan. Napaisip ako sa mga kaibigan ko dati. Kamusta na kaya sila? Will they play with me if I ask them to play basketball rather than videogames? Knowing them, mas pipiliin nila na maglaro na lamang ng Valorant o di kaya'y Call of Duty while naka-on ang microphone ng aming headphones. I never really liked playing basketball and I just do it when I literally have nothing to do but because of these people; Paulo, Kurt, Ken, and James, natututo na ako na magustuhan ang larong ito. Kasi mas masaya at pakiramdam ko napakagaan ng katawaan ko kapag napapawisan kami. 'Yung mga kaibigan ko sa city, lumalabas lang kapag may mag-aya na magpunta sa mall. I miss them so much. Although, pwede naman ako mag-commute at magpunta sa city para puntahan sila pero there are times when I am not in the mood, especially during weekends which is the only time when I am free, and I only want to stay inside the house and lock myself in my room. Stuff like that. Maybe if I am free next time, I'll definitely pay them a visit.
Nang makapagpahinga na kami ay akmang aalis na sana kami nang biglang sumulpot si Chloe at dalawa niyang kaibigan. Yumuko muna ito at saka nagsalita.
"Um, hello. We brought you tubig. Nakita kasi namin na naglalaro kayo tapos baka inuuhaw kayo," sabi niya habang inaabot ang isang cellophane na may laman na limang bottled water.
Tinignan ko lamang ito at hindi ako tumingin sa mukha niya.
"Naks naman. Biyaya na 'to mga tol. Salamat sa inyo ha?" sabi naman ni James at akmang aabutin ang cellophane nang biglang inatras ni Chloe ang kanyang kamay.
Nakita ko kung paano nawala ang ngiti ni James nang ginawa niya iyon. Instead, Chloe handed the cellophane right in front of my face. Tinignan lamang ako ng mga lalaki saka ako nagsalita.
"We don't want any of those. May sarili kaming tubig na binili. Pwede na kayong umalis," I said sternly.
Nag-angat naman ng tingin si Chloe saka nagsalita, "But, Cai, we bought these for all of you. We even brought towels for each one of you-"
"Just stop. Aalis na kami," I cut her off.
I looked back at the boys and told them that we should go since it was already time for class. Sumunod naman sila at iniwan namain sila Chloe doon habang hawak hawak niya ang cellophane na may lamang tubig.
I already told them last week that I don't ever want to talk to them again. I have the right to say so because they are literally meddling with my life and I don't want that.
Habang naglalakad, alam kong magtatanong sila at ayoko naman na hindi sila sagutin lalo na at nagtataka sila bakit pinagsalitaan ko si Chloe nang gano'n.
"Tol, anong nangyari doon? Ba't ganoon ka magsalita kay Chloe?" Paulo asked.
"Oo nga. Crush ko pa naman 'yon," sabi naman ni Kurt.
Huminga muna ako nang malalim saka sumagot sa kanila, "Nakita niyo 'yung ginawa niya kay James?" sumagot naman ako habang ang mga kamay ay nasa aking bulsa.
"Huh? Anong ginawa niya kanina, James?" sabi ni Ken habang nakatingin kay James.
Si James naman ay hindi nakapagsalita at nagpatuloy lamang sa paglalakad habang nakayuko.