"HEY WAKE up dude!" Naramdaman ni Tom ang marahang pagyugyog sa balikat niya. Dahil masakit ang ulo niya at inaantok pa siya ay isang ungol lang ang isinagot niya. "Hoy Tom! Gising na!" Hindi man niya tingnan ay alam niyang ang tatlong kaibigan niya ang gumigising sa kanya. "Darn it! Ano ba!" nayayamot na anggil niya at tinabig ang kamay ng mga itong yumuyugyog sa kanya. Ngunit tila walang balak ang mga itong tigilan siya sa pangungulit. 'Damn! Not now!' Masakit ang ulo niya at masakit pa din ang puso niya sa mga nangyari kagabi. "Just leave me alone! Will you?!" bulyaw niya at tinakpan ang mukha ng throw pillow habang hinihilot ang sariling sentido. "What's the matter with you?" Hindi man niya nakikita ay alam niyang salubong na naman ang kilay ni Froilan. "Oo nga? Ano bang proble

