NANG maiparada ni Beatrice ang sasakyan sa parking lot ng university ay napasandal siya sa upuan at mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hanggang ngayon ay nasasaktan at nahihirapan pa rin siya sa mga nangyari sa kanila ni Tom. Oo siya ang nakipaghiwalay pero hindi niya matanggap iyon dahil nagsinungaling siya rito. Kung alam lang sana nito ang totoo. Na mahal na mahal niya ito at never niya itong niloko. At kahit kailan ay ayaw niyang mawala ito sa kanya. Ngunit dahil sa lahat ng nangyari at mga naging desisyon niya, tuluyan na itong nawala sa kanya. At doon siya nahihirapan at nasasaktan nang sobra. "Tom.. I'm sorry.." Muli na namang bumalong ang luha sa mga mata niya. Naninikip ang dibdib na sinapo niya ang bibig nang marinig ang sariling humihikbi. Mukhang wala na yatang oras na hind

