"I WANT to see him in pain Bea. I want to wreck and tear him apart." "What the hell do you think you're doing?" Hindi pa man din nakakahuma si Bea sa matinding pagkagitla ay natigilan siya nang walang sabi-sabi ay kinabig siya ni Ken at hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata niya sa matinding gulat sa ginawa nito. Nang maalalang nasa paligid lang si Tom ay bumangon ang matinding galit sa puso niya. For sure ay nakita nito iyon. At sigurado siyang mas lalo lang itong nasaktan sa ginawa ng hayop na lalaking ito. 'D@mn! How dare you freak!' Nag-ipon siya ng lakas upang itulak ito ngunit bago pa man niya nagawa iyon ay naramdaman na lang niyang nawala ito sa harap niya at sinundan iyon ng mga kalabog. "Aayyy!" "Oh my gosh!" "Anong nangyayari!?" "Omg! Awatin niyo sila!" Namalayan na

