"BITAWAN niyo ako! Ano ba?! Hindi niyo ba alam na pwede ko kayong idemanda sa ginagawa niyo? Stop dragging me!" Mula sa kinauupuan ay rinig na rinig ni Tom ang nagwawalang sigaw ni Sarah habang papasok ito sa Old Gym ng unibersidad nila. Tumaas ang sulok ng labi niya nang makita ang babae. Pagkakita niya rito pakiramdam niya'y gusto niya itong tirisin at tadtarin nang pinung-pino. Napagpasyahan nilang magkakaibigan na magpatulong sa organization nila nina Djan na dalhin ang babae doon upang kausapin at paaminin ito sa ginawa nito kay Prince. Malakas kasi ang hinala ni Francez na baka ito ang may gawa ng pagkakaaksidente ni Prince. Hindi na siya magtataka kung bakit sa simula pa lang ay ang bigat-bigat na ng dugo niya sa babae. Mukha kasi itong hindi mapagkakatiwalaan. "Get your hands of

