"BEATRICE, are you okay?" Ang tanong na iyon ni Mariz ang nagpabalik kay Bea sa tamang pag-iisip. Itinigil niya ang pag-lalaro sa pagkain niyang spaghetti at iniangat ang tingin upang tingnan ang mga kasamahan. She stared at them blankly. "What?" "Kanina mo pa nilalaro iyang pagkain mo," puna ni Erin. "Don't tell me wala ka na namang ganang kumain?" "Oo nga, ilang araw ka nang ganyan. Tahimik, wala sa sarili at tulala. Ano bang nangyayari sa'yo? Is there something bothering you?" usisa ni Gwen. "Pansin ko nangangayayat ka yata Beatrice. Is there something wrong? May problema ka ba?" nag-aalalang usisa ni Pam. Nang mga oras na iyon ay nasa canteen sila at kumakain. Ngunit katulad ng mga nangyayari nitong mga nakaraang araw ay wala siyang gana sa lahat ng bagay na ginagawa niya. Feelin

