NANG MGA oras na iyon ay nagmamaneho si Beatrice ng kotse niya papunta sa restaurant na pinag-usapan nila ni Sarah. Papunta siya ngayon sa napag-usapan nilang lugar upang makipagtuos siya rito nang harapan, para matapos na ang lahat. Makalipas ang ilang minuto ay ipinark na niya ang sasakyan sa parking lot ng naturang restaurant. Umabsent pa siya sa klase niya para lang doon. Huminga muna siya nang malalim bago niya napagpasyahang pumasok sa loob. "Good afternoon maam!" nakangiting bati sa kanya ng guard nang pagbuksan siya ng pinto. Tinanguan lang niya ito at pagkuwa'y huminto siya sa tapat ng nakaunipormeng babae. "Excuse me, I have an appointment with Sarah Kathlein Robles. Where is she?" walang kangiti-ngiting tanong niya. "Your name ma'am?" tanong nito at tiningnan ang hawak nito

