"WHERE are you baby?" Iyon ang agad na tanong ni Tom kay Beatrice nang sagutin niya ang tawag ng binata. "Nandito na ako sa bahay ampunan. I'm preparing the kids," sagot niya at izinipper ang dress ni Angel. "How about you?" "Nandito na ako sa venue." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Napasulyap siya sa relo at nakita niyang may tatlong oras pa bago ang nasabing mini-concert. Yes, ngayon na gaganapin iyon. "Why so early?" nagtatakang tanong niya. "Nothing, I'm just excited. I can't helped it." She just rolled her eyes and sighed. "Actually, I'm checking all the instruments. Tinitingnan ko kung may problema. Anyways, are they ready?" usisa nito. "Yeah, excited na nga silang magperform eh. Yung iba kanina pa ungot ng ungot sakin," sagot niya at napasulyap sa mga batang nagkak

