"MISS FUENTES!" Napahinto si Beatrice sa paghakbang at lumingon sa likuran upang tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya nang makita ang humahangos na Cultural head ng University nila na si Miss Jonabelle. Hinintay niyang makalapit ang babae sa kanya. "Mabuti naman at nahanap agad kita. Actually, I was looking for you," anito nang makalapit. Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito. ‘Bakit naman niya ako hahanapin? May kailangan ba siya sakin?’ "May kailangan po kayo sa akin?" takang tanong niya. "Well, actually gusto ko lang sabihin at ipaalala sa'yong ngayon ang audition para sa opera show. And we're expecting you to come and join the said audition." "Look, Miss Jonabelle hindi po ako interesado sa sinasabi niyo. Ayoko na pong bumalik sa pags

