"BREAK up with him." Parang bombang sumabog sa pandinig niya ang mga sinabi ng ama. "Break up with him." "Break up with him." "Break up with him." Parang sirang plakang paulit-ulit na umalingawngaw iyon sa pandinig niya. Talo pa niya ang tinuklaw ng ahas at pinasabugan ng granada nang mga oras na iyon. Parang hindi na siya makahinga dahil sa matinding gulat at panlulumo. Maang at awang ang mga labing napatitig siya sa ama. Tama ba talaga ang narinig niya o nagkamali lang siya ng pagkakarinig? Inuutusan siya nitong hiwalayan si Tom? Bakit? No! She doesn't want to believe it. Marahil ay nagkamali lang talaga siya ng pandinig. "W-what did you say dad?" hindi makapaniwala at maang na tanong niya. She wanted to make sure if what she heard was right. Baka kasi nagkamali lang siya ng pan

