HABANG nagdodorbell si Tom sa condo ni Bea ay napapapito pa siya sa matinding saya at excitement na muling makita at masilayan ang pinakamamahal niyang dalaga. Well, actually he went there just to surprise her with her favorite flower, white roses. Hindi nito alam na pupunta siya roon ngayon kaya hindi niya alam kung ano ang magiging reaction nito. Nakangiting napasulyap siya sa hawak na malaking bouquet ng mga puting rosas. "She will be happy for this for sure." Lalong lumawak ang ngiti niya. "And I'm excited to see her reaction." Ilang sandali pa'y tumunog ang pinto senyales na pagbubuksan na siya ng dalaga. Hindi nga siya nagkamali dahil pagkatapos ng ilang segundo ay umawang na ang pinto at iniluwa niyon si Bea. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Mabilis siyang pumasok sa loob at

