24—Uwmi Xyren POV Lumapit kami nila Neo sa balkunahe nila Ma’am Pami at laking gulat ko nang makita ko ulit ang babaeng. Wtf. “Hi Taira, hi Gimbe.” Bati ni Ma’am Pami sa dalawa. Hindi ko alam kung sino sakanila ang Taira at Gimbe. Pero ang babaeng muntik na naming masagasaan ay wala paring reaction ang mukha niya kaya nag mumukha siyang may deperensya. Samantalang ang katabi niya, muntik ng mapunit ang bibig sa laki ng ngiti. Hindi ako magdadalawang isip na na gagwapuhan siya sa ‘min ni Neo. “Hi, miss we meet again.” Ayan na si Neo, umaatake na. Todo ngiti pa ang gago. “Huh, may kakilala ka sakanila Neo?” Nagtatakang tanong ni Maam Pami. Inginuso naman ni Neo ‘yong babae. Yuck, nakakadiring galawan Neo. Parang nag hahanap ng halik. Yuck, the f**k. “Ah si Taira.” Taira pala ah.

