23— Birthday Pami POV Papunta ako ngayon sa conference room dahil may meeting ako with my legal officer. Taray ‘no. Medyo late ako na pumunta ng sa ganon, kapag dumating ako ay kompleto na sila. Taray ko talaga ‘no. Comment kung sangayon ka. “Good morning madame.” Bati nilang lahat at tumayo pa. “Take a seat.” Kalmadong wika ko at umupo sa dulo ng mesa. “Let’s start.” “Ma’am, may problema po tayo. Masyadong bumaba ang sales natin ngayong nakalipas na linggo.” Oh my. Bakit nangyare ‘yon? “So?” Wala na akong ibang masabi para maging kalmado sa paningin nila. Gusto ko makita nila na wala ito sa ‘kin. Na kaya ko itong solusyonan. “Hindi po matutuwa si Sir Tan kapag bumalik siya na ganito pa rin ang lagay ng kompanya.” Lahat sila ngayon ay halatang nag aalala. Wah, ano ng gagawin ko?

