08— Bird Rings
Nakabuntot lang ako ngayon kay Boby papuntang faculty office.
May mga nakakasalubong kaming ibang teacher sa hallway ng building. Papunta kasi sila sa canteen para mag lunch. Panay naman ang bati ko sakanila hihi kunware good kid.
“Hi Sir Tan.” Nakangiting bati ni Maam Nicole na kasama si Maam Clarice. Sila ‘yong babae kanina sa canteen.
-,-
Kahit hindi ko makita ang mukha ni Sir alam kong nginitian niya si Maam Nicole at si Maam Clarice. Nakakainis! Nakakaasar!
“Gusto mo sumabay sa’min mag lunch?” Pagpapacute ni Maam Clarice. Nakakairita naman, tumigil pa talaga kami sa paglalakad.
Tsk! Tsk!
Excuse me, ako kasabay niya mag lunch kaya nga niyaya ako eh.
Bitayin kita riyan Maam eh. Charot.
“Maybe next time.” sagot naman ni Boby.
Nakakainis, bakit ba sinabi niya pang NEXT TIME? P’wede namang hindi niya na ‘yon sabihin.
“Okay hihi. Aasahan ko ‘yan.”
Sus! Huwag ka ng umasa Maam Clarice. Masasktan ka lang.
“Hmm.”
At saka ulit kami nag tuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng office ni Boby.
Pumasok kami sa loob at dumiretso siya sa mesa niya. Umupo naman ako sa sofa na nasa gilid ng office niya.
Bakit kaya ako nito niyaya?
“Boby, bakit mo ‘ko sinama? Galit ka ba? Kung galit ka, sorry na.”
~.~
“May pupuntahan tayo.”
Ani niya habang inilagay niya sa table cabinet ang quiz paper namin.
“Ha? Sa’n?”
Naglakad naman siya papunta sa gawi ng pinto kaya tumayo uli ako para sumunod sakaniya.
“Just follow me.”
Sinunod ko naman ang sinabi niya at sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa parking lot ng campus.
“Get inside.”
Pumasok siya sa driver seat kaya naman pumasok ako sa katabi niyang passenger seat.
Inistart niya ang makina at umalis kami sa campus. Saan ba kasi kami pupunta? Hindi pa kami nag lulunch kaya kumukulo na talaga ang bituka ko.
“Boby saan tayo pupunta?”
“Learn to wait Pami. You’ll see later.”
Okay serrrrr! Hahahaha i mean boby. Kahit mangayat ako ng sobra, kumulubot man ang pwetan ko, at maging puti na ang lahat ng buhok ko hihintayin ko parin na magustuhan mo ‘ko. Charot. Basta gesge na! Maghihintay ako!
Pero saan kaya kami pupunta? At talaga hindi niya masabi-sabi?
*IMAGINE START NOWWWW
“Bakit tayo nandito sa sementeryo Boby?”
“ NAKAKAIRITA ANG GINAWA MO KANINA ALAM MO BA ‘YON? KAYA NGAYON, ILILIBING KITA NG BUHAY!”
*itinulak papunta sa hukay at tinabunan ng bato.
*ILING-ILING
HUHUHUHU! Sorry na kasi boby. Hindi ko na uulitin e.
HUHUHU AYAW KO NA MAG IMAGINE!!!!!!!!
Makalipas ang ilang minuto ay huminto kami sa isang shop.
Dito ba kami mag lulunch? Anong kakainin namin? Ginto? Bronze? Silver? Metal? Wah! Ang tigas naman ata no’n.
“Anong gagawin natin dito Boby?”tanong ko habang tinatanggal ko ang seatbelt na nakakabit sa ‘kin.
“Ibebenta ka.”
Waaaaaaaaaaaaaa! Ibebenta niya na ako? Sana sa foreigners hihi para mapera. Charot lang.
Pumasok kami sa shop at grabe ang bango hihi. Shop ba ‘to o tindahan ng Downy? Ilang supot kaya ng Downy ang inilagay nila sa aircon nila?
“Good afternoon Maam and Sir. Welcome to paradise shop.” aniya ng babaeng makapal ang make-up.
Isa pa ‘tong GAGA na ‘to! Parang may pagnanasa sa boby ko. Bakit ba kasi ang guwapo ni Boby? Kaya ayan tuloy, kahit saan kami pumunta ay may karibal ako.
~.~
“What can I do for you maam and sir?”
“We’re looking for some rings.”
Waaaaaaattttttttt! As in Wedding ring? Waaaaaataaaaaaameeeeeennnnnnnn!
“Oh, this way Sir.” Sabay lakad ng babae at sumunod naman si Boby. Syempre ako rin, hihi. Bibili ba kami ng wedding ring? Wah!
Nasa tapat na kami ngayon ng sandamakmak na mga sing-sing. Wahh! Parang gusto ko lahat nyaa! Sobrang ganda, mukhang mamahalin.
“Do you like this kind of ring Sir? This is absolutely attractive to the both of you.” Sabay turo ng babae sa isang pares ng sing-sing na kulay silver at may ruby heart pendant ang isa sa pares. “This ring symbolizes the forever of a lover.”
“While this one,” sabay turo niya naman sa gold at may sapphire circle pendant. Maganda naman siya pero dahil mapanghusga ako, ‘di ko siya trip. Mukhang ‘di pang bagets ang design e. Hihi. “This ring symbolizes the power of trust are really existing in a married couple.” Ganda sana ng meaning. Pero ‘di ko talaga trip. Hihi. At si Boby siguro ang pipili para sa’min. Hihi.
“And this one, is what we called love bird rings.” O my God! Promise maganda siya. As in. Simple pero wah! Plane silver ang isa sa pares at ang isa naman ay silver with diamond flower pendant. “It’s symbolize the eternity and perfect unity of a couple.”
“Gusto ko ‘yan Boby!” masiglang sulpot ko. Tiningnan naman ako ng babae na para bang nasusuka siya sa endearment namin ni Boby. Ano bang pake niya?
Kinuha ng babae ang sing-sing at ibinigay sa ‘kin.
Inilagay ko ito sa sing-singan ko pero masyadong malaki.
~.~
Huhuhu sayang naman. Maganda pa naman ‘to.
Tiningnan ko si Boby gamit ang naghihinayang na look.
“Boby, hindi kasya e.” At saka ako nagpakawala ng buntong hininga. “Puwede bang sa paanan ko na lang isuot? Tutal bird rings ang tawag, e wala naman daliri ang birds. Maganda kasi talaga ‘to e, hihi”
“Are you crazy?” Kunot noong ani ni Boby.
“Hihi, I’m crazy for you Boby.” Bulong ko. Rawr!
“Tsk!” singhal niya’t tumingin uli sa babae.
“May available pa po kaming small size.” Sulpot ng babae.
“Hmm. ”
Sabay tango ni Boby at umalis ang babae.
Bumalik ang babae na may dalang pulang maliit na box at saka niya ito binigay kay Boby.
Kinuha ni Boby ang sing-sing at tiningnan ng maigi.
Pareho nga ito sa sing-sing na hindi kumasya sa ‘kin.
Inabot niya ang kamay ko at siya mismo ang naglagay sa singsingan ko.
Wataaaaaamennnnnn! Ang lamig ng kamay niya mga mens! Parang may kuryentenh dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ang palad ko.
GANITO PALA ANG FEELING KAPAG NAG PROPOSED ANG HOBBY MO?
Waaaaaaaaa!
Sana lumuhod siya para mas feel na feel ko eh no mga mens.
Waaaaaaa! I can’t fight this feeling anymore.
“Ano, masikip pa ba?” Aniya ni Boby habang nakatingin sa mukha ko. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. God!
“Ha? Ahihi, hin-hindi! Okay na hihi.”
BOBYYYY NAMAN EH, BINUSOG MO’KO MASYADO!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:-)