09— Sing-Sing
Watssss up mga men. I’m with my Boby again. We’re here at restaurant hihi lumalamon ng kanin, sinigang, at adobo.
Habang ngumunguya ako napatingin ako sa palad ko na nakasulok ang sing-sing na bigay ni Boby.
Hihi ang ganda talaga, bumagay talaga siya sa kamay ko. Kamukha ko na tuloy si Snow White. Charot.
Napatingin naman ako sa kamay ni Boby. Nakasuot din ang sing-sing sa kamay niya hihi. Ang cool naman.
“Boby, ‘yong driver sa van kanina, kilala mo ba sila?”
Tanong ko nang bigla kong maalala ang kanina.
“Hmm.” sabay tango niya habang ngumuya-nguya.
“Sa’yo ba ‘yong van?” Tumango ulit siya. “Ang yaman mo naman pala hihi.”
“Dati sa ‘kin, pero ngayon sa’yo na.”
*Lunok
*lunok
Inhale
Mamaya na ang exhale.
“ SAKIN NA ‘YON BOBY? PATI ‘YUNG DRIVER HIHI.” Pangluluko ko. Syempre ‘di ko naman ‘yon tatanggapin. Sapat na sa ‘kin kung anong mayro’n ako.
Nanlisik naman ang nata niya nang napagtanto ang sinabi ko.
“Charot lang Boby. At hindi ko matatanggap ang bigay mo. At saka salamat pala rito sa sing-sing ah.” Sabay pakita ko sakaniya ng sing-sing na nasa daliri ko.
“You’re my wife now Pami so don’t try to refuse what my offers for you.”
“Edi wala na akong karapatan upang tumanggi?” Umiling naman siya. “Okay sige. Mabilis akong kausap Boby. Ahihi.”
Hindi na ulit siya nag salita katulad ng inaasahan ko kung kaya’t binasag ko ang katahimikang namamagitan sa’ming dal’wa.
“Edi kung sa’kin na ‘yon pwede mo bang papalitan ang color ng van at uniform ng driver? Nagmumukha kasi akong ibuburol.”
“Anong color gusto mo?”
Napaisip naman ako,
“Hmmm, gusto ko apple green.” Favorite color ko ‘yon e. “ Tapos gusto ko maraming ice bear sa harap ng kotse. Tapos puwede bang naka mascot din ng ice bear ang driver? Hihi. ‘Di ba ang cool no’n Boby.” pang eechos ko. Tinanong niya ako kung anong kulay gusto ko at balak ko siyang inisin kaya sinabi ko ang mga salitang iyon. Hihi, ang cute niya kasi mainis. ‘Yong tipong sasabunot siya sa sarili niyang buhok dahil frustrated siya sa ‘kin. Ahihi.
“Ano pang gusto mo? Baka kulang pa.” Wow. ‘Di ko inakala na sasakyan niya ang trip ko. Huhu. Mahal pamasahe.
~.~
‘Di siya nainis dahil sa dinamirami ng luho ko?
“Waahh! Talaga Boby? Ang sweet mo talaga ahihi.” Sabay pisil ko sa pesnge niya. Ahihi. “Gusto ko sana ng music sa van. Gusto ko lahat ng kanta ni Taylor Swift tapos gusto ko rin na amoy downy ang sasakyan. Parang katulad sa shop. Ahihi.”
“Hmm. Okay.”
What? Bakit ‘di siya nainis?
~.~
“Bilisan mo na. Baka ma late tayo.”
“Sige Boby ko.”
Binilisan ko ang pagkain ko at saka kami umalis sa resto.
Bumalik kami sa campus at ngayon ay nandito na kami sa parking lot.
“Mauna ka na. Hintayin mo ‘ko rito mamaya." aniya
“Bakit ako mauuna? Sabay tayong umalis kaya dapat sabay din tayong pumasok?”
Nakangusong usal ko.
“May pupuntahan lang ako sandali.”
“Okay sige. Salamat sa treat ng lunch at saka sa sing-sing.” Wika ko habang todo ngiti. Basta masaya ako e.
“Hmmm.”
Tinaggal ko ang seatbelt ko’t saka lumabas sa kotse.
Tan POV
[hello boss?]
“Let’s meet up.”
[kailan boss?]
“Asap.”
[saang address boss?]
“U.H”
Underground Hideout
***
“Bakit boss?”
“Buy a new one service. Color apple green. As my wife requested.” Xyren and Neo just nooded.
“Then, buy some stuff toy. Name ice bear. Fulfill the front view car. Additional, download all the playlists of Taylor Swift. I want that all tomorrow in the morning.”
“Boss naman. Bukas agad? Boss, astig kami ni Xy pero ‘di kami superhero para matapos ‘yan nang madalian.” pagmamaktol ni Neo.
“‘Di ba pwedeng sa sabado na lang boss ang deadline?”
“WHAT I SAID IS ALL I WANT!”
“Okay boss. Bukas na bukas, ‘yon na mismo ang susundo kay Maam Pami.” ani ni Xy.
“Hmm, good. Don’t dissapoing me mens. I have to go now.”
Pami POV
Papasok na ako ngayon sa campus at naisipan kong pumunta muna sa canteen para makabili ng chukie. Ahihi.
Pumasok ako sa canteen at maraming studyante ang kumakain. Nilinga-linga ko naman ang paningin ko at baka sakaling nandito sila Gimbe.
“ PAMEEEEE!” rinig kong sigaw ni Gimbe kaya mapatingin ako sa gawi kung saan nangaling ang boses.
Nakita ko siya at kasama niya si Taira.
Lumapit ako sa mesa nila dala-dala ang chukie na binili ko.
“Kumain ka na ba?” Bungad ni Gimbe.
“Yuppy.” Masigla pa sa super masigla na pagkakasabi ko. Kyaah! “Nilibre kasi ako ni bo- ni sir Tan. Ahihi.”
Namilog naman ang mata ng dalawa kaya asahan niyo na ang kasunod no’n.
“ ANOOOOOO!” Sabay na ani nila Gimbe at Taira. Sabi ko na e.
Umupo naman ako sa harap nila.
“ BINGI BA KAYO? GUSTO NIYO ULITIN KO PA? NI-LIB-RE-AKO-NI-SER-TAN”
“ BAKIT KANAMAN NIYA NILIBRE?” Kunot noong tanong ni Taira.
“Treat niya sa ‘kin ‘yon kasi nga nasarapan siya sa hilod ko at sa paglaba ko ng panloob niya.”
Hindi sila umimik kaya humigop na lang ako ng chukie.
‘Di siguro mag kasya sa utak nila ang mga kasinungalian ko haha.
Napatingin ako kay Gimbe na nakatingin sa daliri ko.
Haaalaaaaa!
Wataaaaamennmn!
Anong sasabihin ko kapag nag tanong sila tungkol sa sing-sing na suot ko?
“ PAMEEEEE SAAN GALING ANG SING-SING MO?”
Halaaaa! Ito na nga bang sinasabi ko eh.
“ HAHAHHAHA EH ANO!” sabay kamot ko ng sintido ko.
“‘Yong babae kasi kanina nag wawala kasi iniwan daw ng fiancee niya. Tapos tinapon niya ‘yong sing-sing e saktong nakanganga ako. Ayon pumasok sa binig ko. Edi sinuot ko na lang ahihi. Tutal, maganda naman. Ahihi.”
Ang talino mo talaga Pameee. I’m so very proud of you.
“Oo ang ganda nga Pami. Ahihi, puwedeng akin na lang?” Nakangising ani ni Gimbe.
NOOO NOOO! Mamatay muna ako bago mo ‘to makuha sa ‘kin. Ahihi, charot sa mamatay.
“ NAKOOOOO ANAK KA NG PALAKA GIMBEA. HINDI LAHAT NG BIYAYA BINIBIGAY SA IBA. MINSAN, DAPAT SINUSOLO!” sabay kindat ko pa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:-)