16— Cellphone
Ang boring naman Mens.
Nandito ako ngayon sa sofa at nagbabasa ng libro na ibinigay ni Boby.
Actually hindi ko siya binabasa, tinitingnan lang Ahihi.
Wala naman kasi akong hilig sa business at parang wala ako ngayon sa huwesyo para magbasa at mag-aral.
Hindi kasi ako sanay sa ganitong oras, mas nakakafocus akong mag-aral tuwing gabi. At gusto ko, ako lang mag-isa kapag nag rereview ako dahil maingay ako mag review ahihi.
Dada rito, dada roon, dada everywhere in the country whahahahha. Ganoon.
Si Boby ayon nakatutuk sa laptop niya. Ewan ko kung ano ang ginagawa niya, siguro ay may ka chat na foreigner sa ibang bansa. Whahaha. Charot.
“Boby.”
Masiglang tawag ko sakan’ya habang inilapag ko ang libro sa ibabaw ng mesa na nasa harap ko.
Kapag ako dinatnan ng katamaran hindi mo ‘ko mapipilit kahit kulit-kulitin mo pa ako. Lalong-lalo na sa pag-aaral. Kapag tinamad ako hindi ko na ginagawa ang gagawin ko dahil pangit lang ang kalalabasan no’n.
For short kung tinatamad ka dapat manahimik kana lang. Whahaha.
“Hmmm.”
Tipid na tugon ni Boby habang hindi man lang ako tiningnan.
“Boby, kelan alis mo?”
“Monday.”
“‘Di ka papasako sa school?”
“Hmm.” Sabay tango niya. Nakakalungot naman. Alam kong marami ang mag dadalamhati sa matagal niyang pagkawala sa campus. Huhu, mawawala panandalian ang hot professor ng school namin. Huhu.
“Kaylan balik mo? Ibig kong sabihin, ilang araw ka ro’n?”
“1 week or more.” Ang tagal naman, ‘di niya tuloy maabutan ang birthday ko.
~.~
Sa next sunday na kasi ang birthday ko. Ahihi. I’m turning 18 na mga mens ahihi. Sinabi ko kila tita rati pa na ayaw ko ng debut. ‘Yon bang bongga. Gusto ko simple lang, ‘yong kami-kami lang ang magsasalo-salo.
“Ang tagal mo naman do’n. ‘Di bale basta dapat pag uwi may pasalubong ahihi.”
“Sigurado ‘yan.” Aywe, ahihi.
“Are you done with what you’re doing?”
Tanong niya ulit habang nakatuon parin sa laptop niya.
“Hmmm. Oo ahihi.”
Pagsisinungaling ko. Syempre alangan naman sabihin kong hindi ako nagbasa, baka itapon niya pa ako sa malaking bintana na nasa likod niya.
Huhuhu. Nakakascery kaya mga men.
Isinara ni Boby ang laptop at nakacross arms at legs na humarap sa gawi ko.
“Explain marketing.”
*lunok
Ano naman ‘yon mga mens?
“Ahihi, marketing! Pagbibili ng gulay, prutas, groceries sa palengke ahihi.”
Nagsalubong naman ang kilay niya na parang pinaparating niya na hindi siya sang-ayon sa sagot ko. Bakit mali ba ako mga mens? Huhu.
“Next, what types of organization this company have?”
ORGANIZATION? ANO NAMAN ‘YAN? HUHUHU
Napatingin na lang ako kay Boby at binigyan siya ng look na HINDI-KO-ALAM-BOBY.
HUHUHU! SORRY NA BOBY.
~.~
“Nag basa ka ba?”
*kamot ulo
~.~
“Sorry na Boby, ‘di naman kasi ako makapag-focus kasi sanay ako mag aral sa gabi hindi sa umaga.”
Nakangusong saad ko sakan’ya.
“Tsk, pag aralan mo ‘yan mamayang gabi. I have an schedule meeting for tomorrow morning with my legal officer. And I’ll announce to all of them that you’ll be the transmuted ceo of this company. To impress my officer with your ability as leader, you’ll in charge in planing about the new launching of product this coming end of month. You’ll take what my responsibilities so don’t make a mess Pami.”
Nagpakawala naman ako ng mahabang buntong hininga dahil sa mga sinabi ni Boby. Bakit ba kasi ako pa ang napili niya? Marami naman d’yan na may alam sa salitang negosyo bakit ako pa? Ako na walang backgroud at alam.
Haysttt!
“Boby paano kapag hindi ko nakaya?”
Malungot na ani ko. Hindi naman sa wala akong bilib sa sarili ko. Iniisip ko lang ang kapakanan ng negosyo. Paano kung ako ang maging dahilan ng pagbagsak nito? Alam kong dugo’t pawis ang ibinuwis niya para lumago ito tapos ako lang ang sisira? Wahhh, nakaka guilt kaya ‘yon. Baka mag commit ako ng suicide pag nagkataon.
“Would I chose you if I know that you couldn’t handle the position? I know you can, I trust you so you should trust yourself too. Besides, I am here to guide you at all. If you have a problem or any question just ask and tell it to me. I am always free to talk with you.”
“Paano kita matatanong? Nasa malayo ka, wala akong cellphone para macontact ka. Mag papadala pa ba ako ng liham? Ilang taon mo pa ‘yon mababasa? Kung kelan na bankrupt na kompanya mo?”
“That’s not a big problem anymore. Let’s go, we’ll buy a phone.”
Sabay tayo niya at inayos niya pa ng bahagya ang kan’yang damit.
Lumabas siya sa kwarto kaya sumunod naman ako sakan’ya.
“Good morning Sir.”
“Good morning boss.”
“Good morning boss Tan.”
“Hi sir Tan.”
Bati ng mga nakakasalubong namin.
Matapos kasi naming sumakay sa elevator ay marami na ang taong nakakasalubong namin.
Nanatili akong nasa likod ni Boby at palinga-lingang tinitingnan ang kabuoan ng building.
Hindi pa rin talaga ako lubusang makapaniwala na sakaniya ang building na’to. Wow lang, akala ko professor lang siya sa school namin at never pumasok sa isip ko na sobrang yaman pala niya.
Ba’t kaya gusto niya pang magturo embis na tumutok siya sa negosyo niya?
Nang makabas na kami sa building ay may biglang sumulpot na dal’wang snatcher. Charot sa snatcher. Ahihi.
“Good morning boss, good morning Ma’am Pami.” bati ng isang familiar na lalaki.
Teka!
Oo!
Tango-tango
Sila ang driver ko.
Ahihi.
“Ahihi, hello sainyo.” Sabay kaway ko. “Kayo pala mga driver ko. Akala ko mga snatcher. Ahihi.”
“Grabe ka naman ma’am sa snatcher, sa guwapo kong ‘to?” Wika ng isa with gesture nakaturo mismo sa sarili niya.
“Sabagay guwapo ka nga, puwede ngang pang model ng brief sa avon ahihi.” Mahinang sambit ko sa sarili ko.
“Ano po Ma’am? Guwapo ako? Ahihi, narinig ko ‘yon Ma’am.” Sabay sundot niya sa tagiliran ko. Shock! Narinig niya ba ‘yon?
Nakita ko naman sa peripheral view ko si Boby at nakakurundot ang noo. Selos siguro. Ahihi.
“Pero walang mas gaguwapo kay Boby, ahihi.” Sabi ko at nakangiti kay Boby.
“See?” sabay taas ng balikat ni boby. “Let’s go.”
Yaya niya at naunang naglakad papunta sa gawi ng parking lot.
*****
“Grabe naman ang gaguwapo nila! Kyaah!”
-,-
“Oo nga, siguro mga model ‘yan.”
-.-
“Grabe naman! Ang suwerte ni girl! Napapalibutan ng pogi. Ahihi.”
-,-
“Oo nga, ang swerte! At ang cute rin!”
^_^
“Siguro magkakapatid sila.”
Jusmeyo perdones naman mga ateng.
Dahil nga sa mataas ang pride ko, hinayaan ko na lang sila. At ganon din ang kasama ko. Binilhan na rin ako ni Boby ng cellphone ahihi tapos pinili ko ang case na may mukha ni ice bear loves ahihi.
Ewan ko kung saan kami ngayon papunta, siguro ay kakain muna kami ng lunch ahihi. Remember, hindi pa kami kumakain ng tangalian at pati na rin breakfast. Alas ges na.
Tama nga ang hinala ko, pumasok kami sa isang food café, umupo kaming apat sa isang table na may apat ding upuan.
Ganito ba talaga silang kasama? Hindi man lang sila umiimik? Siguro mataas din ang pride nila ahihi.
“Ako na lang boss mag oorde.” presenta ng isa.
“Hmm.” tumango naman si Boby at umalis ang lalaki at pumunta sa counter area.
Bakit Boss ang tawag nila kay Boby? Hindi siguro nila alam na Derwin ang pangalan ni Boby ahihi.
Sa kalagitnaan ng pag hihintay namin ay nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko at alam kong natatae ako!
Bwaaaa! Nauutot na ako! Kailangan ko ng umalis dito dahil kung hindi patay lahat ng tao. Charot, ahihi.
“Boby, aalis muna ako. Mag sho-showtime lang.”
Paalam ko kay Boby, tumango naman siya kaya tumakbo ako sa direksyon ng cr area.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:-)