Chapter-15

1990 Words
15— The Ceo Pumasok ako sa passenger seat at inilagay ang seatbelt ko. Nag simulang mag drive si Boby ng hindi man lang ako kinakausap. Dahil nga sa mataas ang pride ko at medyo nag tatampo ako sakan’ya, ay tinikom ko na lang bibig ko. Hindi nag tagal ay bigla niyang itinigil ang sasakyan niya sa isang malaking parking area. Lumabas siya kaya lumabas din ako. Maraming sasakyan na sobrang magaganda at mamahalin, kaya talagang literal na napanganga ang bibig ko. Napatagal ang paghanga ko hanggang sa hindi ko na maramdaman ang presence ni Boby. Napatingin ako sa ‘di kalayuan at ang over sa sweetness kong husband ay talagang iniwan ako sa ere. Siya ‘tong nag yaya pero siya ‘tong mang iiwan, GANON? Padabog naman akong humabol sa kan’ya hanggang sa natapilok ako. aray Hindi naman ako gaanong napuruhan kaya tinuloy ko na lang ang paghabol sa asawa ko na walang ginawa kundi iwan ako. Tsk Hindi man lang ako alalayan eh no. Grabe talaga sa sweetness, pinaglihi ata sa fudgee bar o kaya lava cake. Bwesit! Nang matapos ang paglalakad ko sa mahabang pasilyo ng parking lot, ay hindi ko na namalayan na inantay pala ako ni Boby. Ngunit hindi pa man ako nakakabigkas ng salita ay iniwan niya nanaman ulit ako. Pero hindi kagaya kanina na mabilis siyang maglakad, bagamat binagalan niya na tila’y sinasabayan niya ako sa paglalakad. Nasa likod nga lang ako. Pumasok si Boby sa parang main door ng building at napatingala naman ako sa may itaas ng pinto. Entrance Exit At sa gitna, “Unitanz?” Bulong ko sa sarili ko. “Appliances Building of Highly Recommended.” Ano naman ‘to? Napatingin ulit ako kay Boby at nakita ko naman siyang pumasok. Papasok na sana ako pero agad akong hinarang ng dal’wang security guard na mag ka look alike. Parehong panot, malaki ang tiyan, maliit ang paa, at mukhang kwago. Sorry kung judgemental ako. Makatingin kasi e. “Ma’am, employees po ba kayo rito?” Tanong ng isang mamang panot ang buhok. Pero ano nama’ng isasagot ko? Bakit ba kasi kami nandito ni Boby? Kainis naman, nangiiwan kasi! “Hmmm, amhh. Ano po, personal janitress po ako ni Boby ahihi.” Pagsisinungaling ko. “Mukhang takas sa mental bro.” “Oo bro, pero tingnan mo naman parang mayaman oh.” pabulong na pag-uusap ng dalawang guwardiya na nasa harap ko. Nakakagigil naman. Kung mag bulungan sila akala mo wala ako rito. Mga feeling gwapo ata ‘to. “Oy mga utol. Isali ni’yo naman ako sa usapan ninyo. Na a-out of place ako e, pero mga utol puwede bang mamaya na tayo o kayo mag chesmisan? Kasi alam kong hinahanap na ako ni Boby.” Asan na ba kasi siya? Balak niya ata talagang iwan ako rito. Ano ba’ng ginagawa niya sa loob? Nakita ko naman ang pag kunot ng noo ng dal’wang security. “Ma’am, wala po ritong Boby. Nahahalata po na nag sisinungaling lang kayo.” Ay gago! Hindi naman pala boby ang name ni Boby . Boss pala. Ba’t sobrang makakalimutin ako? “Ay mali.” Sabay iling ko. “Si Boss, ahihi. Si Boss Tan ang sinasabi ko.” Mukhang ‘di pa sila kombinsido. “Sige nga. Kung dito ka nagtratrabaho, pwede ba naming makita ang i.d ni’yo?” *tapik noo Hindi naman kasi sinabi ni Boby na istrikto ang security guard dito, ayon tuloy naiwan ko ang i.d ko. “Hindi po kasi sinabi ni Boss na kailangan pala rito ng i.d para makapasok. Pero totoong may i.d ako, naiwan lang. Promise, gusto ni’yo ibedensya? Memorize ko ang Lrn ko. 113108090–” Biglang pinutol ng isang sekyo ang pagpapatungkol ko sa Lrn ko na talagang memorize ko naman talaga. “Sorry po Ma’am pero ibang i.d ang tinutukoy mo. Wala pong Lrn ang sinasabi namin. Kaya po, maaari na kayong umalis dahil hindi po rito puwede ang mga bata.” Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ng sekyo. Grabe ah, nakakasakit na sa ego ang pinagsasabi niya. Ako bata? As in? “Wow ah. Real talkan ba hamon ni’yo? Kung ako mukhang bata kayo mukhang kwago!” Nakakainis! ‘Di ba sila inform na kagabi ay dinatnan na ako? “Sige na po Ma’am. Huwag na pong makulit. Umalis na kayo.” Napansin ko na pinagtitinginan na pala ako ng ibang tao. Mayroon na parang naawa, natatawa at ang iba ay naiinis katulad ng dalawang sekyo. Bwesit! Pigilan ni’yo ako. Magwawala ako rito! Utang na loob, boby asan kana ba! Pero never give up Pami. Palaban ka ‘di ba? Pataas ang pride mo, remember. Sabi nga ni Nadine Lustre. Pag mahal ka babalikan ka. Pero hindi naman ata ako mahal ni Boby. Aware ako ro’n. Unti-unting may tumusok na katutuhanan sa puso ko kaya tumalikod ako sa dalawang guwardiya at humakbang para lisanin ang lugar na ‘yon. Pero ang totoo, ‘di ko talaga alam kung saan ako tutungo. Wala akong pera. ‘Di pa ako nag breakfast. ~.~ Hanggang sa bigla na lang may humawak sa braso ko. Natigil naman ako sa paglalakad at hinarap siya. Akala ko ba trip niya talagang iwan ako sa entrance area? Pero si Boby, binalikan niya ako. Waaaaatamenn! Ibig sabihin Mahal niya ako? Jusko Pami, huwag kang gaga. Hindi lahat ng binabalikan ay mahal pa. Ang iba gusto ka lang ulit saktan. “Oh, ba’t mo ‘ko binalikan?” Mahal mo ba ako huh? marahan kong tanong sakan’ya. “Tanga ka talaga e ano. Sabi ko sundan mo ‘ko.” Wow ah. Nakaka touch ang sinabi niya. Ako pa talagang tanga pag katapos ng hindi niya pag sabi na kailangan pala ng i.d para makapasok sa entrance. ‘Di na lang ako umimik hanggang sa bumalik kami para pumasok ulit sa gusaling ‘yon. Nakahawak pa siya sa braso ko at ako naman ay parang tutang tanga na nagpapakaladkad sakaniya. “Good morning again Sir.” Sabay na bati ng dal’wang security guard. Siguro Teacher din rito si Boby, sir daw e. Hindi nag response si Boby at tumuloy kami sa pagpasok ni Boby. This time ‘di na nila ako kinulit na huwag pumasok. Thanks God. Binitawan na rin ni Boby ang braso ko pero nanatili kaming magkatabi. “Good morning Sir.” “Good morning sir Tan.” “Have a nice day Sir.” “Good day sir Tan.” Habang naglalakad kami sa loob ng building na’to, lahat na madadaanan naming tao ay panay ang bati kay Boby. Pero ni miski isa ay wala siyang binigyan ng matamis na pagbati. Pansin ko rin ang mga matang nakatuon sa ‘kin. Karamihan sakanila ay naka ismid at hindi ko alam kung ano ba ang dahilan nila at bakit sila grumpy. Nalamangan ko siguro ang ka cue-tan nila e ‘no mga mens. Kahit hindi ko makita ang mukha ni Boby ay alam kong hindi nag bago ang ikspresyon ng mukha niya. Napaka snob naman ni Boby. At dahil mataas ang pride ko at magaling ako sa aktingan syempre ginagaya ko lang kilos at expression ni Boby. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nasa tapat na kami ng dalawang elevator. Silver at gold. Sa gold kami pumasok ni Boby na may nakalagay na for private person only. Pinindot niya ang 30 na numero at saka siya bumaling sa ‘kin. “Bakit ‘di ka pumasok kanina?” Tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mukha ko. Napalunok naman ako dahil sa ibinibigay niyang pagtitig sa ‘kin. Alam kong normal ‘yon sakaniya pero hindi normal ang nararamdaman ko. Sana muli akong makabangon kapag hulog na hulog na ako sa kakagawan niyang ‘to. Bumuntong hininga muna ako. “Hindi mo naman kasi sinabing strikto ang guwardiya rito. Kaya ayon naiwan ko ang i.d ko. ” nakangusong paliwanag ko. Nakita ko naman ang pagbahid ng ngiti sa labi niya. Weirdo, kanina galit siya. Anong bang nakaka ngiti sa sinabi ko? “Anong pinagsasabi mo?” “Memorize ko naman sana ang Lrn ko kaso nga lang ayaw pa rin ako papasukin ng guard kahit ano pa’ng pagpupumilit ang gawin ko.” Pangangatwiran ko at kasabay noon ang pagbukas ng elevator. “Kakaiba ka.” Sabi niya bago naunang maglakad papalabas. Ano ba ang ibig sabihin ng kakaiba na sinabi niya? Hayst, binibigyan niya ako ng katiting na pag asa na hindi lang laro ang lahat ng ‘to para sakaniya. Lumabas din ako at tumambad ang isang mahabang pasilyo na parang style hospital. Maraming room na nakasara at tahimik lang ang paligid, ‘yong tipong tanging yapak mo lang ang iyong maririnig. Huhuhu! Parang horor movie naman. Naglakad kami ni Boby at sa ‘di kalayuan ay huminto ulit kami sa isang pinto na may nakasabit na letrang? ENGR. DERWIN EFFIPAÑIO TAN WATAAAAAMENNNNN! *lunok *lunok ulit *iling-iling Hindi kaya! Ipapakila na ako ni Boby sa Papa niya? — “Pa, si Pami ang asawa ko” “WALA KA NA BANG IBANG MAHANAP NA IBA BOSS? TINGNAN MO NGA ANG NAPILI MO. MUKHANG BANGKAY NA HINUKAY SA KAILALIMAN NG SEMENTERYO!” Nagiigting pangang wika ng papa ni Boby! *iling-iling NOO! This can’t be happen huhuhu. “Pa, si Pami ang asawa ko.” “Siya pala si Pami? Ang ganda niya pala ah. Bakit ‘di mo sinabi agad? Hala mag divorce na kayo at ako ang karapatdapat na mapangasawa niya!” Huhuhuhu! Noooo! Ayaw ko po! Mas gugustuhin ko pang ibalik sa hukay kesa sa mapangasawa ni’yo. Feeling ko mga mens ang itsura ni Mr. Derwin. Ay isang matabang lalaki na malaki ang tiyan, malaki ang mata, malaki butas ng ilong, kulay itim ang labi, at panot ang buhok. ‘Yon ay base sa imagination skills ko. “Tatayo ka na lang ba riyan?” Dahil sa kaka imagine ko ay hindi ko namalayan na pumasok na pala si Boby sa silid na ‘yon. *inhale *exhale *inhale *exhale *inhale Mamaya na ang exhale. Kailang kong maging strong at harapin ang papa ni Boby. Lumakdang ako papasok sa room at tumambad sa ‘kin ang isang malawak na ispasyo. Asan si Engr Derwin Tan? Asan ang papa mi Boby? Unang makikita mo ang malaking bintana na kita ang buong syodad at ang karagatan na kulay asul. Sunod mong makikita ay lamesa na may dalawang upuan sa harap nito. Sa gilid ay may sofa, refrigerator, comfort room, cabinet and etc. May mga picture rin ng mga waching machine, rice cooker, oven, heater, tv, speaker, refrigerator, aircon, electric fan. Ah basta marami pang iba. Appliances, ganoon. Bakit kaya ganito ang design ng room ni Mr. Tan? Kung ako kasi ang tatanungin ay mas gusto ko ang design na tanawin, picture ko, family picture, friends picture, we bare bears, ice bear, panda, grizzly, o kaya mukha ni Taylor, bruno, justine, avril, westlife, hoobastank, paramore, o kaya mga babaeng nakabikini. Charot sa naka bikini. Umupo si Boby sa upuan ni Mr. Tan at saka nag umpisang mag buting-ting sa mga papeles ng daddy niya. Bastos palang pinalaki ‘tong si Boby. Dahil kahit hindi niya gamit ay pinapakialaman niya. Sabi kasi sa ‘min ng Tita ko ay huwag kaming makialam ng gamit ng iba kung walang pahintulot. Nakita kong may hawak na ballpen si Boby at parang pipirmahan niya ang isang papeles. “BOBY HUWAG!!” Sigaw ko. Tiningnan niya naman ako ng malamya. “Alam mo bang masama ang ginagawa mo?” Dugtong ko. Kumunot naman ang noo niya. “Anong problema mo? “Mag pipirma ka sa hindi naman saiyo? Alam mo bang puwede kang kasuhan ng palticipation of document diyan sa ginagawa mo?” Pero wala e, kahit sinabi ko na ‘yon ay itinuloy niya pa rin na permahan ang papeles. Kaya kong ano-ano pang paratang ang ginawa ko para mapagtanto niyang kasalanan ang ginagawa niya. Kahit na papa niya ang may ari ng inaangkin niya kailangan pa rin ng pahingulot ‘di ba? “CAN YOU PLEASE SHUT UP YOUR MOUTH PAM MIA! YOUR TOO MUCH ANNOYING. I KNOW WHAT I AM DOING RIGHT NOW!” bulyaw niya. Wow ah, tinawag niya ako full name. Ang hot ah. “TINATAMA KO LANG NAMAN ANG MALI MO BOBY!” “ WHAT’S WRONG IF I SIGN THIS HUH? THIS IS MY OWN, MY RESPONSIBILITY!” At saka siya may inilabas na parang libro at inilagay sa ibabaw ng mesa niya. Ngayon naman nakikialam siya sa libro ng papa niya. Hmmp. “INSTEAD OF CORRECTING WHAT I’M DOING HERE, JUST READ AND STUDIES ABOUT MANAGING A BUSINESS SO YOU COULD HANDLE MY BUSINESS CAREFULLY!” “Pinagsasabi mo Boby?” ‘Di ko kasi ma gets sinabi niya e. “This coming weekend, I’ll visit on Maldives for some business issue. And you’ll be the one who can transmute my position as an executive ceo.” *lunok *lunok ulit “Ano?” Hindi makapaniwalang naiwika ko. Sakan’ya ‘to? Ang kompanyang ‘to? Pati na rin ang room na ‘to? Sino si Engineer Derwin Effipanio? Siya ba ‘yon? Kala ko Boss ang pangalan ni Boby? At ano???? Wataaamenn! Magiging temporary Ceo ako ng kompanyang ito? As in ako? Si Pam Mia Aquino? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ :-)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD