18— Gyera
“Pretty Pami, pretty Pami.”
Nakakainis naman, unang-unang pag bukas ng utak at tenga ko sigaw na ni Lola Alena ang naririnig ko. At bwesit talaga! May kasabay pa ‘yang yug-yug
Teka! Ano ba ngayon? ‘Di ba linggo? Wala naman kaming pasok kaya okay naman sigurong malate na ako ng gising.
*talukbong ng kumot
*hagkan sa malambot at mahabang unan.
“Pretty Pami, kanina pa po kayo pinapagising ni boss. Baka masesante ako kapag hindi ka pa bumangon.”
“Paki sabi po na sobrang inaantok pa ako. 1 hour na lang po, ‘di naman po ‘yon magagalit.”
“Sige na ija, bumangon kana. Mahirap mawalan ng trabaho sa panahon ngayon. Kailangan ko po ng pera para may pang tuition fee ang mga anak ko.”
“30 minutes Lola Alena. Pagbigyan mo rin sana ako, sagot kita kaya ‘wag kang mag alala, ‘di ka sesesantihin ni boby.” Sabay lagay ko ng hintuturo ko sa dal’wa kong tenga.
“Bla-bla-bla-bla-bla. Wala po akong naririnig lola. Matutulog po ulit ako. Bla-bla-bla-bla-bla.”
Pakanta-kantang kong sabi habang nakatalukbong.
Ngayon pakiramdam ko wala na akong naririnig na ingay ahihi. Kaya inalis ko na ang hintuturo ko sa tenga ko. Peacefully.
*amoy-amoy sa hintuturo
Putik na bata! Garo luga!
~ BLAAGGGGGGGGG
“AY SUS MARIOSEP!”
Dahil sa lakas ng impact ng pagbukas ng pinto ay talagang napabalikwas ako sa kama.
Si Boby! Naka bussiness attire. At sobrang salubong ang kilay.‘Yon bang nagdugtungan na sila.
Napatingin naman ako sa tinitingnan niya, at si Lola Alena na nakapalumbaba at humihikbi.
Halaaaaaaa!
“Out.”
Kalmadong wika ni Boby kay lola.
Pero ano? Out?
“Anong out? Saan out Boby?”
“I said out.” Aniya ulit ng hindi pinapakawalan ng titig si Lola.
Narealized ko naman na si Boby ang tipo ng tao na talagang hindi nagpapapilit sa hindi niya gusto. Time na para magparaya si lola Alena na out siya sa ‘di ko malamang laro.
“Sige na po lola Alena. Ayos lang ‘yan. Sa susunod galingan mo na lang.” At kong ano-ano pa’ng pang-eencourage ang sinabi ko sakaniya.
“Meow-meow-meow.”AY! KOTING. Napatingin ako sa gilid ko at nakaupo ng pandikwatro si Dermi. Charot sa pandikwatro haha.
“Boss, pasensya po sa nangyare. ‘Di na po mauulit.” Malungkot na wika ni Lola Alena.
“Alam ni’yo po ba lola Alena na hindi boss ang name ni Boby? Derwin po ang name niya ahihi. Huwag ka na lola sad, lalo ka niyan tatanda, ge ka. Papalitan ka niyan ng mister mo. Ge ka.”
“Get out!” Sigaw ni Boby habang nakaturo sa pintuan.
Tumayo naman si Lola Alena at kumaripas ng takbo.
Hindi ako magtataka kung runner player si Lola Alena nang kabataan niya. Kahit kasi may edad na siya, kung tumakbo siya mabilis pa sa kabayo.
Tiningnan ko si Boby.
“Ahihi, good mor—”
“ALAM MO BA KONG ANONG ORAS NA?” Ba’t siya galit?
“Seryuso? Pumunta ka talaga rito para sigawan ako at itanong kung anong oras na? Anong silbi n’yang relos mo sa kamay?” Sabay turo ko sa wrist watch niya. “‘Di ka pa ba marunong mag bilang diyan?”
Grabe talaga ‘tong si Boby, naturingang sikat na guro/ ceo/ engineer pero hindi rin pala marunong gumamit ng relos.
Napasabunot naman siya sa sarili niyang buhok.
“Mag bihis ka na nga!”
Tugon niya habang nakatingin sa ibang direction.
Teka!
Hubad ba ako sa paningin ni Boby? Waaaaaataaaamennnnnn!
Gosh!
Takih dibdib!
“ BOBY? HUBAD BA AKO SA PANINGIN MO? HALAAA KA BOBY, SIGURO MAHILIG KA MANUOD NG PORNO KAYA PATI PANINGIN MO SA ‘KIN HUBAD NA RIN! HALA KA BOBY, PATI RIN BA KAY LOLA ALENA? TIGILAN MO ‘YANG HOBBY MO BOBY KASI MARAMING NABABALIW DAHIL SA PANUNUOD NG PORR———” ‘Di man lang ako pinatapos. Attitude talaga!
“ CAN YOU PLEASE SHUT UP! KANINA KA PA SABAT NG SABAT. JUST FOLLOW WHAT I’M SAYING.”
Sabay walkout niya.
Wala naman akong nagawa kaya naligo’t nag bihis na lang ako. Nawala na kasi ang antok ko mga mens huhu.
By the way.
Ewan ko kung paano nangyari, basta kahapon pag uwi namin maraming klase ng damit ang nasa closet ko.
Ahihi, siguro may magic ang closet na ‘to. Ano kaya kong pumasok ako, malay mo makatating ako sa Narnia nyahaha.
Nakasuot ako ngayon ng fit na paldang color brown at brown din na sando pero inibabawan ng parang jacket na fitted.
Marami na rin akong heels, doll shoes, at iba-ibang pang-paa sa shoe rock ko. Basta pag dating ko kahapon marami na ang mga collection na nasa kwarto ko.
Pinili ko lang ang flat shoes ng sa ganon hindi ako masyadong mahirapang maglakad.
Kahapon kasi grabe! Nangalay talaga binti ko.
Nagsuklay lang ako at nag lagay ng flower hair clip.
*tingin sa salamin.
“Dermi sexy ba ang mommy mo? Ahihi.”
Tanong ko kay Dermi na nasa tabi ko. Akala mo ‘yong sasagot talaga e ‘no. Ahihi.
“MEOW-MEOW”
“Good girl ka dapat dito Dermi ah kasi aalis kami ng daddy mo. Sige una ako.” Wah, feel na feel ko lang e. Lumabas ako sa kwarto at naabutan kong nasa sala si Lola Alena at binibigyan siya ni Boby ng pera.
“Hi lola Alena, hi boby. Breakfast po tayo.”
Nakangiting ani ko at dumiretso sa kusina para kumain ng gulong na may harina, at syempre fresh milk na galing sa aso.
May drawing kasi sa box na malaking aso tapos may butik-butik na itim hehe.
Mag business kaya ako na gatas ng kuting? Kukunan ko ng gatas si Dermi tas gagawin ko ring fresh milk ahihi.
Pagkatapos kong kumain kanina umalis na kami ni Boby at pumunta sa beauty parlor at inayusan ulit ako ni Baklang Barbarra.
Ahihi, Barbero ang pangalan ni bakla pero dahil nga sa binabaye siya naging Barbarra.
Pagkatapos naman naming mag pa beauty dumiretso na kami sa kompanya. Curious nga ako ba’t kailangan pa ng slight make-up.
“Good morning sir, good morning maam.”
Dahil nga sa magiging ceo na ako ng kompanya, dapat lang na gayahin ko ang look, attitude, and action ni Boby.
Kaya imbis na mag balik bati ako sa mga bumabati ay taas noo akong naka fierce habang naglalakad.
Pumasok kami ni Boby sa private elevator at nagpakawala naman ako ng malalim na buntong hininga.
“Ang hirap palang mag acting na fierce at cold person boby. Ahihi, pero syempre kererebom de ay ko ‘yan. Bukod kasi sa mataas ang pride ko, matindi rin ako sa aktingan. Dream ko ngang makapasok sa pinoy big brother e. Ahihi.” Naalala ko naman ang pag audtion ko sa pbb noong nakaraang audition. Wah, nakapasok ako sa first stage pero ‘di pinalad sa second. Kasi naman sumayaw e, ‘di talaga ako biniyayaan sa pag kembot. Nagmumukha akong niyog na matayog. “Gusto mo malaman kung ano ang acting ko sa robinson no’n boby? Ganito ‘yon. PANGIT BA AKO? KAPALIT-PALIT BA AKO? EDI PALITAN MO, GUSTO MO AKO PA PUMILI PARA SA’YO?”
With facial expression pa ‘yan ah.
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa 30th floor na kami.
“Ano okay ba?”
Sabay thumbs up ko. At todo ang ngisi pero siya parang ‘di na humihinga.
-,-
“Ang daldal mo ‘no?” Sabay labas niya ng elevator.
*kamot ulo
Syempre sumunod naman ako kay Boby at pumasok kami sa office niya ahihi.
Umupo siya sa main chair at humarap sa laptop niya, samantalang ako ito sa sofa nangungulangot ahihi. Char lang naman. Mga ‘to, etchusera!
“Boby, anong oras ang meeting?”
“Nine.”
“Hmm. Okay.”
“Are you ready?”
“HUH! Ready for what boby?”
“You stupid! Of course on a meeting!” Salubong na kilay niyang sabi sa ‘kin.
Araw-araw naman galit. Hmmpt.
“Kere ko ‘yon Boby.”
Saan kaya tungkol ang pag uusapan namin?
“Mag handa ka na. 15, minutes left mag sisimula na ang meeting.”
Handa?
“Anong handa ba kamo? Bakit sasabak ba tayo sa gyera?” Akala ko meeting, ba’t may gyera? May p*****n? O my god! ‘Di ako prefer!
Wala pa akong bullet proof!
Baka matamaan ang puso ko ng pana ni kupido tapos mahulog ako kay Barbarra.
Waaaa! Noooooo way two wayyy!
“Parang gano’n na nga. At sa gyera, ‘di ka puwedeng sumabak ng walang dala at panangga.” Sagot ni Boby.
Wataaaamennnn!
Talaga?
Sure na sure?
Gyera!
Kailangan ko ng tulong nila Tito.
~dialing
[HELLO!]—Si Tito
“HELO! TITO! EMERGENCY PO!”
[TANGA, WRONG DIAL KA. 911 ANG TINAWAGAN PAG EMERGENCY. SIGE NA NAG HAHASA AKO NG SAMURAI!]
“Tito, puwede pa LBC mo naman ‘yong samurai mo? Tapos pakisama na rin ‘yong chainsaw ni kuya. May gyera kasi akong dadaluhan.”
Tarantang ani ko habang nakasabunot sa ulo ko.
[TANGA KA TALAGA PAMI. HINDI ‘YON LBC, BDO ‘YON!]
“AH GANON BA TITO?” LBC package talaga ang alam ko e. Hayaan na nga, baka ako ang mali. “SIGE IPADALA MO NA SA BDO. DOUBLE TIME TI——”
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko kasi bigla na lang sumulpot si Boby tapos inagaw ang cellphone ko.
Teka! May cellphone naman siya ah! Bakit niya kinuha ang cellphone ko? Hindi kaya type niya ang Ice Bear Case ko?
“Hello ho.”
“Wala naman po. Nananaginip lang po kanina si Pami.”
Nanaginip?
Wala naman akong napanaginipan kagabi ah.
“Yes Tito. Sige ho.”
Tapos binigay niya na sa ‘kin ang cellphone.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:-)