Chapter-19

1312 Words
19— Female Version Xyren POV Maaga kaming pumunta ni Neo sa kompanya ni Boss at ngayon ay nasa conference room na kami. Si Boss ang may-ari ng kompanyang ito at parte kami ni Neo sa legal officer na katulong niya sa pag mamanage ng kompanya. Ako ang head ng innovation at head ng information naman si Neo. Ang negosyo ni Boss ay nangunguna sa mga pinakasikat at asinsadong company sa bansa. Appliances Industry ang pinasok niya kahit marami naman siyang choices. Pumasok ang mga co-officer namin at binati kami ni Neo. Umupo sila sa kani-kaniyang upuan at hinintay ang pag dating ni Boss. Sa palagay ko ay hindi pa nila kilala si Ma’am Pami na magiging temporary chief executive officer. Alam naming asawa ni Boss si Ma’am Pami. At alam namin na secret married ang namamagitan sakanila kaya hindi alam ng mga legal officer. Kami lang ni Neo at kapamilya ni Ma’am Pami ang may alam. Masyadong komplekado ang buhay na mayroon si Boss kaya mahirap ipaalam na may asawa na siya. ‘Di ko rin alam kung bakit si Ma’am Pami ang napili niya gayong opposite side of profile sila. Maya-maya ay dumating na si Boss at si Ma’am Pami. Kaya lahat naman kami ay nagsitayo para bigyang galang ang head. “Good morning Sir.” “Good morning miss.” Naglakad si Boss at Ma’am Pami sa direction namin ni Neo. Umupo sa dulo si Boss at katabi ko naman si Ma’am Pami. Sa kabilang side ko ay si Neo. Hindi ko alam pero masyadong seryuso ang mukha ni Pami. Walang emosyon, at parang nakakatakot kung tingnan. Ngunit hindi maiaalis ang aliwalas ng kaniyang mukha at halatang bata pa siya kumpara sa ‘min. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito ang awra. May nangyari kaya sakanila ni Boss at parang seryuso masyado si Ma’am Pami? Pami POV Pumasok kami ni Boby sa conference room at lahat sila ay tumayo para batiin kami. Pero syempre dahil nga sa magiging temporary ceo na ako, dapat na galingan ko ang acting ko at taasan ng sobra ang level ng pag ka pride ko. Ahihi. Taas noo akong naglakad papunta sa bakanteng upuan. Umupo si Boby sa dulo kaya sa tabi na lang ako ni Xyren umupo. Oo nandito sila at panay ang titig sa ‘kin ni Xyren pero hindi ko siya inimik o miski nginitian. Mataas ang pride ko, at dapat cool lang ako ahihi para feel to the bones ang acting ko. Tumikhim naman si Boby. “Let’s start.” Nice. Ang galing din mag acting ni Neo ah. ‘Di siya halatang happy kid. Ahihi, parang ako lang. “So, we already discussed in our late meeting that we have a new launching of pro—” Hindi natuloy ang pagsasalita ng isang medyo maedad na lalaki nang biglang mag salita si Boby. “I have an important announcement to all you. Since you already known that I have important to do regarding business issue out of the country, I want to inform all you, Miss Pami Mia Aquino will be my transmuted ceo.” “Who is she?” “Who knows?” “I didn’t remember her.” Bulungan naman ng mga Tao. “No other than her.” Pagpapatungkol ni Boby sa ‘kin. At saka ako tumayo ng full of confident. “Hello everyone, I’m Pam Mia Aquino, the temporary ceo of unitanz company. Please cooperate with me.” Kalmadong pakilala ko sakanila. Wah, feel na feel ko lang ahihi. Sana ma discover ako ni kuya ng pbb. Lahat naman sila ay parang hindi makapaniwala na sa isang bata lang ipapasa ni Boby ang posisyon niya. Tanging si Xyren at Neo lang ang hindi namangha. Well, alam kong iniisip lang nila ang kapakanan ng kompanya. Xyren POV “Hello everyone, I’m Pam Mia Aquino, the temporary ceo of unitanz company. Please cooperate with me.” Napalunok na lang ako dahil sa kilos ni Ma’am Pami. Ibang-iba siya sa rati niyang katauhan. Makulit, isip-bata, maingay at palangiti. Kung ikukumpara ko siya ngayon, maihahalintulad ko siya kay Boss. Desinteng tindig, kalmadong mukha, walang expression, at boses na puno ng sensiridad. “Who is she?” Mr. Francisco asked. The head of operation and production. “Who knows? We didn’t even known her status, background, and even where she came from. ” the head of financial comply. “Are you sure with your decision sir? Did you know her better? From what fields did she came from? Because based from what we seeing right now, she’s just a student alike and not a professional entrepreneur.” Complain by the chief compliance officer. “I guess, ‘di nila ako pagkakatiwalaan Mister Derwin Tan.” Sulpot ni Maam Pami subalit bakas pa rin ang pagiging desente niya. Binalingan naman siya ni Boss ng panandalian at saka hinarap ng seryuso ang buong board. “Did I choose her if I know she couldn’t handle my position? Of course I know her, she is my personal assistant so I know her better than all. So whether you like or not, she will be the temporary ceo of unitanz.” Lahat ng umangal kanina ay ngayon nakayuko na. “Kung may aangal, the entrance area is always open for those employees doesn’t suit in my company. ‘Di kayo kawalan.” Disenteng wika ni Boss kaya nanahimik na lang ang buong nasa board. Napatingin ako kay Ma’am Pami na halatang nagulat sa sinabi ni Boss. Alam kong nagulat siya sa ‘personal assistant’, at sana maintindihan niya ‘yon mamamaya. Siniko ko siya para maalis ang pansin niya kay Boss Tan para ‘di niya gaanong pagtuonan ang sinbi nito kanina. Binalingan niya naman ako at saka ko napagtanto na walang kwenta ang ginawa ko. Ako tuloy naipit, anong sasabihin ko? “Let’s from the beginning.” Habol ni Boss kaya nagawa kong maiwasan ang titig ni Maam Pami. Nagsimula ng mag salita ang head ng operating. “This coming end of December, we will be having a new launching of new style for our products based from what we have discussed in our last meeting. Since it is already timing in new year celebration, this will be advisable. For the second time that we where here talking about the launching, as a head of operation and production, I want you all to give and share a suggestion for designing.” Kung kanina ay nakaharap siya sa ‘ming lahat, ngayon ay kay Ma’am Pami niya na lang itinuon ang kaniyang pansin. “But this time, as a new ceo, can you please share your own suggestion Madam?” I knew it, ‘di pa rin siya totally convince sa tiwalang mayroon si Boss Tan kay Ma’am Pami. Subalit lahat kami ay nag-aabang sa sagot ni Ma’am Pami na seryusong nakatutuk sa mata ni Mr. Francisco. Umayos ng upo si Ma’am Pami pagkatapos niyang titigan si Mr. Francisco. At saka siya nagbitaw ng suhesyon. “Bago gumawa ng plano, pumili ng desinyo, mas maigi na magkaroon muna ng research and analysis. Ng sa ganoon ay maganda ang kalalabasan ng gagawing plano. Nagawa ni’yo na ba ang R.A.A na sinasabi ko?” Bakit ganito siya kung kumilos? Tila ba’y alam na alam niya na ang ginagawa niya at batikano na sa salitang negosyo? ‘Di ko ‘to inakala ah. “What are you trying to say Madam Aquino?” Naguguluhang tanong ni Mr. Francisco “Research and analysis is a process of acquiring detailed information of all the areas of business and using such information in maximizing the sales and profit of the business. Such a study helps companies determine which product or service is most profitable or in demand. Tayo ang nagbibigay ng produkto kaya dapat na aware tayo sa lubos nilang pangangailangan at kung gaano kataas ng cost ang nakakaya ng nakakarami. Since timing sa new year ang launching, dalat na alam natin ang lucky color, lucky number at iba pang may kinalaman sa pampaswerte. Hindi naman masama’ng gumawa ng ayon sa mga ‘yan dahil kalimitan sa mga tao ay naniniwala naman. Kung mayroon ma’ng hindi, kung gusto nila ang desisnyo ay bibilhin nila. Kaya ang opinyon ko lang naman, bumase sa bagay na may kinalaman sa bagong taon.” Dahil sa sagot ni Maam ay talagang lahat kami ay napatango. Ngayon ko lang masasabi na nakakita na ako ng female version ni Boss Tan pag dating sa negosyo. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ :-)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD