13— Stain
Nakakalungkot mang sabihin na wala na ang dal’wang ice bear. Nandito ako ngayon sa service at pauwi na ako.
Hindi na rin ako sumasabay sa kanta ni Taylor dahil parang wala ako sa mood. Masakit parin kasi ang ulo’t likod pati tiyan ko.
“Ma’am Pami, okay lang po ba kayo?” Tanong ng lalaki habang nag dra-drive.
Sila pa rin naman ‘yong dating driver na guwapo at mga mukhang modelo.
“Hmm, opo, okay lang ako ahihi.”
Pagkatapos ng isang salitang iyon ay hindi na ulit ako nagsalita hanggang sa makarating na kami sa bahay.
May inihanda si Lola Alena na brownies at hot chocolate kaya nag meryenda muna ako bago pumunta sa kuwarto.
Wala pa si Boby hanggang ngayon. Gan’on ba katagal ang pinuntahan niyang kasalan?
Baka naman siya na ang ikinasal!
‘Di naman siguro.
Haysttt! Sana may pasalubong man lang siya kahit pansit lang. Nag meryenda na ako pero syempre mas mabubusog ako sa dala ni Boby, ahihi.
Nakasalampa ako ngayon sa kama ko at hindi pa ako nagbibihis dahil sa tinatamad nga ako.
Ano kayang nangyayare sa ‘kin? Hindi kaya may sakit ako? Tapos bukas o makalawa ay mamatay na ako?
Wataaaaamennnnn!
Huhuhu, kawawa naman ang mga maiiwan ko. Hindi! Hindi pwedeng mamatay ako.
Agad akong tumayo sa pagkakahiga at saka nag bihis ng pangbahay.
Sinubukan kong mag basa sa literature pero parang hindi naman nag si-sink in sa utak ko kaya itinago ko na lang ulit ang libro.
Nakatihaya ako ngayon sa kama ko habang nakatingin sa chandelier na nasa tapat mismo ng kama ko.
*knock
*knock
“Who’s over there?” Matamlay na tanong ko. Wah, iba pala effective kapag sick person, napapa english. Gosh.
“Your lola Alena ija.”
“Your Lola Alena ija who?”
Ahihi, laro muna tayo Lola Alena.
“Hindi mo na ba ako kilala ija? Pretty Pami, ako po ‘to.” Huhu, ‘di man lang nakisabay sa flow ng laro ko si lola Alena.
Tamad akong pumuta sa may pinto at pinagbuksan si Lola.
“Bakit ho?”
“Nandiyan na si boss, at hinahanap ka niya.”
Waaaaa! Si boby, nand’yan na ! May pansit ‘yon si Boby. Wahh!
“Sige Lola Alena, maraming salamat po.” nakangiting sabi ko kay Lola Alena bago lumisan sa kwarto. Siya naman ata ay papunta sa kuwarto niya. Grabe, bakit parang nabuhay ang matamlay kong katawan? Siya ba ang medicine ng buhay ko? Wah, corny ‘no.
Tumambad sa ‘kin si Boby na nakaupo sa mahabang sofa ng sala area. Nakasandal ang kaniyang ulo’t kamay sa handigan habang nakapikit at mukhang sobrang pagod sa nilakad niya ngayong araw.
Lumapit ako sa gawi niya at ilang sigundo ko siyang tinitigan. Bakit sobrang perfect ng angulo niya?
Siguro napagod lang ‘to si Boby sa pagsayaw sa pinanggalingan niyang kasalan.
“Boby,” pagtawag ko sakaniya at umupo na rin sa gilid niya. Napatingin naman ako sa center table na nasa harap namin.
May isang box do’n na nakapatong pero tinuon ko ulit ang pansin ko kay Boby.
Nakamulat na siya ngayon at nakatingin sa pwesto ko.
Syempre todo ngiti naman ako ahihi. Ang guwapo, kahit blangko lang ang itsura niya.
“Boby, napagod ka ba?”
Umayos naman siya ng upo at saka tumango.
“Hmm.”
Huhu! Kawawa naman ang boby ko napagod tuloy siya.
Pero syempre hinahanap ko talaga ang pasalubong na dala niya kong kaya’t binigyan ko siya ng asan-pasalubong-ko-look. Mukhang na gets niya naman iyon at pansin ko na may gumuhit na ngiti sa labi niya.
Watamen! Totoo? Wahh, ahihi. Parang may improvements ata ako bilang wifus nitong si Boby. Ngumingiti na e.
“Hanapin mo.” parang walang buhay na tugon niya at sumandal ulit sa sofa habang nakapikit. Eh, nahiya pa e, ngiti na kasi. Ahihi. Ini-imagine siguro ako nito. ‘Wag naked sir ah.
Saan ko naman kaya hahanapin ang pansit na pasalubong niya?
Tumayo ako at tiningnan ko ang inupuan kong pwesto, malay mo kasi ay naupuan ko. Tanga pa naman ako minsan. Wah, minsan lang ahihi.
Pero wala naman sa inuupuan ako. Buti naman at least ‘di ako naging tanga. Ahihi.
“Boby, tumayo ka muna.” Malay n’yo siya pala ‘tong tanga at inupuan niya ang pasalubong para sa ‘kin.
“Hmm. Bakit?”
“Baka naupuan mo ang pansit na pasalubong mo eh. ”
Umayos uli siya ng upo at napasabunot sa sarili niyang buhok.
“The fuck.” Bulong niya na hindi ko maintindihan. “Hanapin mo, basta wala sa inuupuan ko. Fuck.Fuck” bulong-bulog niya sa huling salita.
“Okay game. Sige.” Siguro naghahamon siya ng laro. Parang ‘bring me’ ahihi.
Tingin sa ilalim ng upuan, tingin sa kisame, tingin sa ilalim ng mesa.
Teka, asan naman kaya ang pansit na ‘yan? Pa importante masyado.
“Boby, hindi ko talaga makita.” Kamot ulo, “Asan ba kasi?” Kainis naman.
“Siguro kung ahas lang ang pasalubong ko, kanina ka pa tinuklaw.” Frustrated na sabi niya. Ba’t ba kasi ‘di niya na lang sabihin kung asan. Binebwesit niya sarili niya e.
“Bakit asan ba kasi Boby? Siguro itinago mo riyan sa pantalon mo.” Wala na akong maisip na iba e.
“ TSK! STUPID, AYAN SA MESA!”
Sigaw niya na talaga.
Napatingin naman ako sa mesa. Asan ba r’yan ang pansit? ‘Di ako bulag, gosh. Invisible ba ‘yang pansit na ‘yan? May hidden powers ba si Boby? Magiging fantasy pa ang story’ng ‘to?
“Alin ba riyan Boby?”
“The f**k!”galit na bulong niya sabay sabunot niya ulit sa buhok niya. Sana naman ‘di siya makalbo sa ginagawa niya. Huhu.
“‘YANG FLOWER VASE! PAGKAIN ‘YAN PAMI. f**k”
ang pangit naman ng pasalubong ni Boby. Huhuhu, sabi ko pansit hindi flower vase. Bwesit naman o.
Kukunin ko na sana ang flower vase para suriin subalit pinigilan niya naman ako at kinuha niya ang box na nasa ibabaw ng mesa.
Ilinagay niya ito sa hita ko kaya kinuha ko naman ‘yon.
May drawing na bilog at may butas sa gitna.
Ano naman kaya ‘to? Gulong? Hola hopp, sing-sing?
Binuksan ko ang box at tumambad sa ‘kin ang white na maliit na gulong na puno ng harina.
Kinuha ko ‘yon at grabe ahihi ang lambot niya. Kasing lambot ng pwetan ko. Charot.
“Pagkain ba ‘to Boby?” ‘Di kasi nito bumibili si tita kapag pumupunta siya sa grocery. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong creation ahihi.
“Hindi laruan.”
Kumunog naman ang pwetan este noo ko.
“ ANONG AKALA MO SAKIN BOBY BATA? HINDI NA AKO GUMAGAMIT NG LARUAN!” Gosh! Sabi ko pansit, edi kung wala sana edi kahit anong pwedeng makain. Sayang naman, akala ko pagkain. Mabango at malambot e.
“HATCHING” nakakainis, pumasok sa ilong ko ang harina kaya napabahing ako.
“Bakit mo inaamoy? Hindi ‘yan panis, kaya kainin mo na.”
“Sabi mo laruan. Tapos ngayon ipapakain mo sa ‘kin. ” Ang gulo mo Boby. Seriously.
“BASTA KAININ MO NA LANG!”
Ayan, inis nanaman siya.
Pero guwapo pa rin.
~.~
“Okay, sige.”
At saka ko kinagatan ang gulong na puno ng harina.
Hmmmmmm. Yummy food. Ahihi, may palaman pa siya sa loob na parang style sipon ahihi.. Masarap pala ‘to eh ahihi.
“Boby ang sarap promise ahihi. Gusto mo?” sabay alok ko sakan’ya ng box.
“Ang clumsy mo.” Sabi niya habang nakatitig sa labi ko. Watamen, feel niya bang halikan ako? ‘Di ba ganito sa mga fiction stories. May pa style pang patingin-tingin sa labi pero deep inside gusto lang ng kiss.
“Boby, gusto mo ba ak—”
‘Di ko na natuloy sinasabi ko dahil bigla niya na lang akong hinalikan, ‘yong passionate but rare. CHAROT! Bigla niyang pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang handkerchief niya. Ahihi. Naamoy ko naman iyon, at grabe sobrang bango lang ah. Pareho ng amoy niya, I wonder kung ganoon din ang brief at boxer niya. Charot. Ahihi.
“Ahihi, salamat Boby ko.”
At saka ulit ako kumain hanggang sa naka lima na akong piraso. Minabuti ko na ring ayusin ang pagkain ko. Parang ‘di ko na ata kayang gawin niya ulit iyon, baka ma dead on arrival ako. Charot. Haha.
Nauuhaw na ako, iinom muna ako juice ahihi. Mamaya mabilaukan ako tapos mawalan ng asawa ‘tong si Boby kawawa naman huhu.
“Kukuha lang ako ng juice, gusto mo kunan din kita?”
“Sige.” Sagot niya.
Tumayo naman ako pero nag salita ulit siya kaya napatingin uli ako sa gawi niya.
Tan POV
Papunta na sanang kusina si Pami pero napatingin ako sa likuran niya.
Shit!
What the f**k!
How can I say this in proper?
“Pa-Pami, you have a stain.”
Naiilang na tugon ko at iniwas ko sa kaniya ang paningin ko.
“Huh? Anong stain Boby? Bakit hihiramin mo? Parang wala ata akong gano’on.”
Don’t tell me hindi niya pa ‘yon alam? The f**k, I can’t believe this.
“Pumunta ka sa cr, tingnan mo kung anong kakaiba o mayro’n sa’yo.”
I said without looking at her. The f**k s**t, I feel so awkward and nervously at same time.
“O-okay.” At saka siya tumungo sa cr na halatang naguguluhan.
Maya-maya lang ay naririnig ko ang sigaw niya at papunta siya ngayon sa pwesto ko.
“WAAAAAAAA BOBYYY!”
“OH?” I know what happened to her but f**k! I can’t control not to panic. The f**k, this is not the normal I am!
“Boby, hala! Paano ko ba sasabihin? Hmmm, ano kasi Boby huhu. May dugo.” Lumunok siya. “Basta, may dugo na lumabas sa ‘kin.” Halatang ‘di niya pa alam ang ganitong pangyayare. Maybe it her first time and she’s aware but she’s covered by a panic. Dinamay pa ako nito!
Anong gagawin ko?
Bwesit naman oh!
Tumayo ako at lumapit sa pwesto niya.
“Maligo ka na lang muna, May pupuntahan lang ako. I’ll be back. Mabilis lang ‘to.”
“Tek—”
“HUWAG KA NGANG MAG PANIC, BASTA MALIGO KA. NATURAL LANG ‘YAN SA BABAE KAYA HUWAG KANG O.A!” I don’t know why either but when I feel irritated to her, it’ll turn to shouting on her. She didn’t recognized my simple emotion, then I’ll shout her to make her quite. The f**k.
“Bibili ka ba ng-””
“ OO, SIGE NA!”
Tumakbo naman ulit siya sa patungo sa kwarto niya at kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan si Xyren.
~Ringing
[Hello boss,]
The f**k! How can I tell my favor without him knowing that my wife are in a period. Godamn s**t. Never mind Xyren, I can do it without yours.
So it ends up, I’ll hang the phone.
I immediately get my car key in the sala’s table and drove to the nearest groceries store.
What the f*****g hell! I can’t imagine doing this thing in my entire life.
You should probably thanks for this Pami.
Hindi sapat ang simpleng pasasalamat sa ginagawa ko. You should pay me moreover.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:-)