12— Pami Lang Malakas!
Pami POV
Filipino ang first subject namin ngayon at nakakainis mang sabihin na si Maam Clarice ang subject teacher namin sa asignaturang iyon.
Dati pa talaga akong naiinis d’yan kay Maam, hindi ko alam kung bakit. Basta para bang kinamumuhian niya ako.
Tsk! Wala akong paki mga mens. Kung kinamumuhian niya ako, gan’on din ako, kinamumuhian ko rin siya!
pweeeee!
Mataas kaya ang pride ko. Kung mataas din pride niya, edi pataasan kami kung gan’on.
Alam kong hindi siya mananalo sa ‘kin kasi ako, lumamon ako ng bar pride at uminom ako ng pride powder. Charot. Ahihi.
Ganda, sexy na katawan, at yaman lang ang nasa kaniya. Oo matalino siya pero matalino rin naman ako ‘di ba?
“Magandang umaga binibining Clarice.” masayang bati ng mga classmates ko. Specially ‘yong mga boys.
Ganiyan ka pormal ‘yang si CLARICE. Porket Filipino ang asignatura niya, gusto niya pati lenggwahe na gagamitin sakaniya eh tagalog din.
“Magandang umaga rin.” seryusong aniya habang naglalakad papunta sa teacher table.
Nakakabwesit ang lakad ng Clarice na’to paano ba naman kasi nagmhmukha siyang PATO PATO GENTLEMAN. ‘Yong tipong pinapakita niya talaga ang hubog ng pwetan niya.
“Magsitayo ang lahat at mag handa para sa panalangin.”
Nagsitayo naman kaming lahat at saka niya inumpisan ang panalangin.
“Purihin nawa ang ngalan ng Diyos,”
“Ngayon at magpakailan man, siya nawa.”
Pagkatapos namin ay agad akong umupo sa silya.
“Binibini Pam Mia.”
Dahil sa pagtawag niya sa ‘kin ay napatingin ako sa gawi niya. Walang emosyon ko siyang tiningnan at hindi nagsalita.
“Tumayo ka.”
Ano naman kaya ang trip ng babaeng ‘to? Sayang naman ng magadang gising ko, binadtrip niya lang ako. Ewan ko ba, kahit wala pa siyang ginagawa naiinis na ako sa pagmumukha niya.
Walang ganang tumayo ako sa tabi ng aking silya at diretso ko lang siyang tiningnan sa mata. Nanatili parin akong tikum at nag hihintay sa itatanong niya.
Ganon talaga ‘tong si Clarice. Hindi pa nga siya nag lelesson eh nagtatanong na.
“Nais kong ibigay mo ang kahulugan ng salitang teorya.”
Gimbe POV
Tinawag ni Maam Clarice si Pami, at matamlay namang tumayo si Pami. Ganiyan talaga ‘yan si Pami kay maam. Hindi ko alam pero una pa lang ayaw niya na talaga kay Maam. Sa Filipino at History lang siya tinatamad pero mataas parin ang nakukuha niyang marka.
Matalino si Pami kahit minsan ay isip bata. Pagdating talaga sa lesson ay tutuk siya dahil ayaw niyang mawala ang scholarship niya.
Nagulat nga ako ng bumanat siya kay sir Tan. First time niya ‘yong gawin sa teacher dahil seryuso nga siya pag dating sa pag-aaral.
“Nais kong ibigay mo ang kahulugan ng salitang teorya.” biglaang tanong ni Maam kay Pami.
Ramdam ang buong tensyon sa klase namin kaya’t minabuti namin na huwag lumikha ng ingay.
Hanggang sa nagsalita si Pami.
“Siyentipikong pag-aaral ng ibat-ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may batayan subalit hindi pa lubusang napapatunayan.”
Walang kahirap-hirap na sagot ni Pami at umupo sakaniyang silya.
“Hindi ko pa sinabing maupo ka, binibini.” pahabol ni Maam.
Padabog na tumayo ulit si Pami at diretsong tiningnan si Maam.
“Karagdagang katanungan, ipaliwanag mo nga ang teoryang pooh-pooh.”
“Makalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabulalas na tunog dala ng takot, lungkot, galit, saya, at paglaan ng lakas.”
Dire-diretsong sagot ni Pami.
“Teoryang ta-ra-ra boom de ay” tanong ulit ni Maam
Kung ako siguro ang nasa kalagayan ni Pami ay lalambot na ang tuhod ko dahil sa takot at kaba na mararamdaman ko. Istrikto kasi si Maam pagdating sa recitation.
“Ang wika ng tao au nag-ugat sa mga tunog na kanilang nilikha na mga ritwal na kalauna’y nagpabago at napalitan ng ibat-ibang kahulugan.”
Dahil sa namangha talaga ako kay Pami ay talagang napapalakpak ako at ginawa naman ng iba pang classmates ko. Grabe, amazing. Sunod-sunod na tanong ang nasagutan niya.
“Ang galing mo Pami!”
“LODDSSS TALAGA KITA PAMI!”
“GOOO PAMIII!”
“PAMI FOR THE WIN!”
“PAMI LANG MALAKAS!
Sigaw ng mga kaklase ko.
Hindi ko alam pero mukhang isinasaisip na ng mga classmates ko na may kompitensya na namamagitan kay Pami at kay Maam Clarice. Kompetinsya para kay Sir Tan.
“TUMAHIMIK KAYO!” Sigaw naman si Maam at kasabay na nag cross arm at sumandal sa table teacher.
“ITO TINGNAN NATIN KING MASASAGOT MO PA ‘TO. TEORYANG BOW WOW. IPALIWANAG!” Bakit sumisigaw si Maam?
“Ako na lang ba ang studyanteng nakikita mo maam Clarice?”
Walang ganang ani ni Pami. Loko ‘to si Pami hahahahhaha. Oo nga naman maam. Marami kami rito’ng nakaupo bakit sunod-sunod mong binigyan ng tanong si Pami? May galit ka ba sakaniya?
“ABA SUMASAGOT KA PA? EH IKAW NGA ANG GUSTO KONG TANUNGIN, KAYA SAGUTIN MO NA LANG!”
“ KARAPATAN KONG SUMAGOT KASI HINDI KANA NAGIGING FAIR MAAM. KUNG AKO LANG ANG TATANUNGIN MO, PAANO NAMAN ANG CLASSMATES KO? BAKA MAGING 100 NA GRADES KO NIYAN MAAM.” sabay ngiwi niya pa.
Halata naman sa itsura ni maam na naiirita na siya sa inaasta ni Pami.
Nakakapagtaka nga at ngayon lang ata pumatol ‘tong si Pami. Kanina lang eh masayang-masaya ‘to tapos ngayon.
Haysttt.
Weirdo ka talaga Pamia.
“Ang sabihin mo, hindi mo lang alam ang sagot.”
“Alam ko po maam, matalino ako e. Hihi.”
Gaga talaga ‘tong si Pami, umiral nanaman ang pagiging mayabang. Pero totoo namang matalino siya. Ahihi.
“Edi sagutin mo na lang ang tanong k—”
“Ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop.” hahahahha ang gaga! Diniinan niya talaga ang salitang HAYOP.
Haha.
“Gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, at huni ng ibon. At ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid kagaya ng ihip ng hangin, at patak ng ulan.”
Napatango-tango naman si Maam Clarice dahil sa sagot ni Pami.
“Magaling. ‘Yan ang gusto ko sa mga studiyante.” tumatango-tangong aniya pa. At lumunok.
“Dahil po ba sa magaling ako puwede na po ba akong umupo binibini?” Nakangiting tanong ni Pami.
Wierdo talaga ‘tong si Pami, una masaya, pa cool effect tapos masaya ulit. Whahahaha.
“TSK! SIGE UMUPO KANA!”
Pami POV
Kakatapos lang ng 2 hours Filipino subject namin at recess namin ngayon. Hindi ako sumabay kila Gimbe at sinabi kong susunod na lang ako.
Nandito ako mgayon sa comfort room at naghihilamos. Ewan ko ba, basta pakiramdam ko nahihilo’t sumasakit ang tiyan ko pati na rin likod ko.
Kaninang umaga ko pa ‘to nararamdaman pero ininda ko lang dahil akala ko ay matatanggal lang pero mas lalo atang lumala eh.
Siguro ay gutom lang ito.
Tinungo ko ang papuntang canteen at agad ko namang nakita si Gimbe at Taira.
“Oh ano? Okay ka lang ba?” Bungad ni Taira na may kawak na yakult.
Umupo ako sa silya at kumuha ng sandwich. Agad ko itong kinagat at nginuya-nguya.
“Hoy Pami, okay ka lang ba? Namumutla ka ah.” Nag-aalalang sabi ni Gimbe.
Halata bang hindi ako okay mga Men?
“Taira, Gimbe, may nararamdaman ako.”
“ANO?” Sabay na tanong nila. Halatang nag-aalala.
“May nararamdaman ako kay Sir Tan.”
Tumaray si Taira at pinitik naman ni Gimbe ang noo ko.
“Aray naman! Ang pimples ko riyan!” nakangusong usal ko ki Gimbe.
“GAGA!”
“Hindi, ang totoo talaga may nararamdaman akong masakit.”
“OO MASAKIT DAHIL NATAUHAN KANA NA HINDI KAYO PWEDE NI SIR TAN SA ISAT-ISAT!”
Ay! Grabe ka naman Gimbea. Ipalunok kita kay hawk eh.
“‘Di seryuso. Masakit ang ulo ko, masakit ang bewang ko. s*x bam, s*x, bam, s*x bam. Ahihi, charot lang.” sabay peace sign ko. Halatang high pressure na ang dalawa. Haha. “Pero totoo, masakit ulo ko. Pati na rin likod at tiyan ko.” Sabay kagat ko ulit sa sandwich ko.
“Bakit naman?” si Taira.
“HALA KA!” Ani ni Gimbe at nagtakip pa ng bibig niya. Narealize niya na sigurong amoy bulok na daga ang hininga niya. Charot.
“HINDI KAYA BUNTIS KA?!”
Wataaaaamennnn! Buntis? Sus mariosep perdones naman oh!
Bakaaaaa ngaaaaa!
At si Boby ang ama. Hindi kaya pinagpantasyahan niya ako ng gabing nilasing niya ako?
*takip bibig
*iling-iling
“ MGA GAGA! PANO ‘YAN MABUBUNTIS EH HINDI PA NGA REGLA!”
Ay oo nga pala, mabuti Taira at iyong ipinaalala.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:-)