Chapter-11

1505 Words
11— Mascot “Yawwwwwwwwnnnnnnnnnnn” Hikab ko ‘yan mga men. Ahihi. Good morning Friday hihi. It’s a funday morning everyone. Keep smiling and remove your negative thoughts. *KNOCK *KNOCK At bumukas ang pinto. Aba luko ata ‘to eh. Nag tok-tok pa kung hindi niya man lang aantayin ang response ko na pwede na siyang pumasok. Gigil mo ko Men. Dahil nakapatay ang ilaw ko ay hindi ko maaninag ang mukha ng pumasok. “Our lady, pinapatawag na po kayo ni Boss.” Ay si lola lang pala hihi. Sa pagkakatanda ko eh ALENA ang pangalan niya. Mag pakilala na kaya ako kay Lola Alena ng sa ganon hindi na OUR LADY ang tawag niya sa ‘kin. Pero syempre tumayo ako at binuksan ang ang ilaw. “Lola Alena, ano po ba ang gusto niyong itawag ko sainyo?” Tanong ko sakaniya ng nakaupo na uli ako sa kama ko. “Kahit ano po our lady.” Napakamot naman ako sa batok ko. Si Lola kasi, ba’t our lady tawag niya sa ‘kin? “Alam ni’yo po bang hindi our lady ang name ko? Ako po si Pam Mia Aquino ahihi. Huwag na po ninyo akong tawaging our lady. Masyadong pormal po kung pakinggan. Tawagin ni’yo na lang po akong Pami or pretty Pami ahihi.” “Masusunod po pretty Pami.” Wah. ‘Yon talaga pinili niya? Ahihi, deserving ba talaga ako sa pretty? Hayaan na nga. “At huwag nga po kayong gumamit ng PO kapag kinakausap mo kami ni Boby.” Napapansin ko kasing panay ang PO niya sa ‘min. “Kasi mas matanda ka po sa ‘min kaya dapat na kami ang mag bigay galang sainyo.” Kahit maid siya rito, parang ang awkward ata sa pakiramdam na nag po-PO siya sa ‘min. ‘Di ba? “Hmmm. Pinapatawag kana ni Boss, maaga raw siyang aalis at may sasabihin daw siya sa ‘yo.” “Sige po Lola Alena. Maliligo lang po ako’t agad akong tutungo sa sa kusina.” nakangiting usal ko at umalis naman si Lola Alena. Dumiretso ako sa cr at agad na naligo’t nag bihis. Umalis ako sa kwarto dala ang bag ko. Nasa sala si Boby habang humihigop ng kape. At may hawak na magazine. Hindi niya ba ugaling mag agahan muna ng kanin bago humigop ng kape? Nakabihis na rin si Boby at parang business attire ang suot niya. Saan kaya ang punta ni Boby? Hindi naman kasi gan’yan ang uniform ng teacher sa school namin. “ GOOD MORNING BOBY.” masayang bungad ko at umupo sa harap niya. “Good morning.” balik bati niya at inilapag niya sa glass table ang kaniyang kape pati na rin ang magazine na hawak niya. “Boby, sa’n punta mo? Ba’t gan’yan ang kasuotan mo?” ‘Di ko makontrol na hindi mag tanong. Curious lang. “Hindi muna ako papasok sa ngayon. May kailangan lang akong asikasuhin.” kalmadong ani niya. So hindi ko siya makikita buong mag hapon? Parang nakakatamad naman atang pumasok. ~.~ Ano naman kaya ang aasikasuhin ni Boby at gan’yan ang suot niya? Siguro mag nininong siya sa kasal hihi. “Okay Boby. Mag dala ka ng plastic ahihi. Dalhan mo ‘ko ng pasalubong kahit pansit lang ahihi.” Kumunot naman ang noo niya. Mukha ba akong naglilhi o, ayaw niya akong bigyan ng pasalubong? Huhu nakaka sad naman si Boby. Totoo, maramot talaga siya. “Xyren and Neo will fetch you before and after school. ” ang sosyal naman, para akong kinder garten na binabalaan ng tatay na huwag makulit ahihi. “Sige Boby, ahihi. Ingat ka sa pupuntahan mong kasal.” “Phs! What a stupid girl.” bulong niya pa. Hinayaan ko na lang siya at saka ako tumayo para mag paalam na pupunta na ako sa kusina para makapag breakfast na. “Boby, nag agahan kana? Tara breakfast tayo sa kusina.” “I’m okay with this.” Patungkol niya sa kapeng ininom niya. Nabusog ba siya? Part ba ‘yon ng healthy lifestyle niya? Hmmm. “Sure ka? Baka malayo biyahe mo magutom ka.” “Hmm. I’m okay. Don’t worry about me.” Sabay higop niya ng kape. Well assuming ng sir ni’yo. ‘Di naman ako worry. Charot. “Aalis na rin naman ako.” Sabay tayo niya’t inayos ang neck tie niya. Why so hot? “O-okay, ingat ka Boby.” “You too, take care.” Sabay tap niya sa ulo ko. Wahhh, feel ko umakyat lahat ng dugo ko dahil sa ginawa niyang paghawak sa ulo ko. Feel ko rin nagmukha akong tuta pero ayos lang ‘yon basta siya ang amo ko. Ahihi. Wataaaaaamennnnnnn! Oo boby ko hihi mag iingat ako pere seye. Sabi ko sa isip ko haha. Umalis si Boby kaya pumunta naman ako sa kusina. Naabutan ko si Lola Alena na at inalok niya ako ng pandesal at gatas. Pagkatapos kong kumain ay agad akong lumabas ng bahay at tumambad sa ‘kin ang, WOW! WOW NA WOW ULAM! APPLE GREEN VAN, NA MAY ICE BEAR TEDDY BEAR SA FRONT AREA, AT ANG PINAKA COOL AT MAGANDANG NAKITA KO NGAYONG UMAGA AY ANG DALAWANG ICEBEAR NA NASA TABI NG PINTUAN. Totoo ba ‘to? Ginawa talaga ni Boby ang ka echosan ko. Hala! Nakaka guilty naman, ba’t ganoon. Nag jojoke lang naman ako kahapon e. Xyren POV ~cringggggggggg ~cringgggggggg ~cringgggggggg *BLAGGGGG Lintik na alarm clock na ‘yan. Kanina pa bumubulabog sa kabuoang kwarto. Kaya ayon! BASAG! ~BRZZZZZZZZZZ ~BRZZZZZZZZZZZ Kanina alarm clock, ngayon naman cellphone. Agad kong dinukot sa may lamp side ang cellphone ko at napamulat ng malaki ang mata ko. The f**k si Boss Tan, bakit kaya napa aga ang tawag nito? “Bakit boss ang aga ng tawag mo?” May bahid ng pagkainis ang bungad ko. “I have an important meeting today Xyren. Kayo na ang bahala ni Neo kay Pami.” “Okay Boss. No problem.” Call ended Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Neo para gisingin siya. *knock *knock “Teka bree, nagbibihis ako! Baka makakita kang bold!” Gagong Neodior na “Bilisan mo Neodior!” “Oo I’ll move faster damn s**t!” Gago. Bumalik ako sa kwarto at agad na naligo’t nag bihis. Pagkatapos ay pumunta sa kusina para mag kape. Dala ko na rin ang mascot na isusuot namin ni Neo. Tang ina lang! Sa sobrang kapal ng mascot na ‘to alam kong pati hita namin ni Neo ay pagpapawisan. Bwesit na buhay! Hindi nagtagal ay dumating na si Neo at nag timpla ng kape. Maya-maya ay sabay kaming pumunta sa Van na gagamitin naming pangsundo kay Maam Pami. Suot-suot na namin ni Neo ang mascot ice bear at nasa labas na kami ng bahay ni Boss Tan. Nakita kong bumukas ang pintuan at iniluwa ang cute na si Maam Pami. Yes cute siya, ewan basta ‘yon ang nakikita ko. Bahagya pa siyang napanganaga at nag iling-iling, pero kalaunan ay tumakbo siya sa gawi namin. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa dahil bigla niya na lang akong niyakap at hinalikhalikan. Ay mali, hindi ako! Ang mascot pala. Pami POV Wataaaaaamen! *ILING-ILING HINDI! Tama nga ang nakikita ko. Dal’wang ice bear nga! Agad akong tumakbo sa isang ice bear at grabe sobrang tangkad pala ni Ice Bear. Hanggang balikat niya lang kasi ako. Wataaaamen! Ang bango ni Ice Bear at ang lambot niya. Kahit alam kong mascot sila hindi ko maalis sa sarili ko ang mamangha. Feeling ko tuloy nasa disney land ako charot! “ HELLO SAINYONG DALAWANG CUTE NA ICE BEAR!” nakangiting ani ko habang kinakaway-kaway ko pa ang kamay ko sakanila. Ginalaw naman nila ang kamay nila pero hindi sila nagsasalita. Teka, sila ba ang driver ko? Waaaaaaaa! Siguro nga oo kasi sabi ni Boby ay susunduin ulit ako ng driver ko. Mahal ba ako ni Boby dahil sinunod niya ang gusto ko? Ngayon mas lalo tuloy akong nalilito sa mga nangyayare. Hayaan na nga. Pumasok ang isang ice bear sa driver seat at pinagbuksan naman ako ng pinto ng isang ice bear. Matamis na ngiti ang iniwan ko sa kan’ya at umupo ako sa back passenger seat. Pumasok ang isang ice bear sa tabi ng driver seat. Nag umpisang mag drive ang isang ice bear at nag pipindot-pindot naman ang isa. Maya-maya pa ay bigla na lang nag play ang music ni Taylor Swift na Enchanted. Ahihi. Ang ganda talaga ng boses ni Taylor Swift my love. Syempre sinasabayan ko ang kanta hihhi, maganda naman siguro ang boses ko. AND I’M PROUDLY TO SAY THAT I’M CERTIFIED SWIFTIES. Natapos ang music at kasabay no’n ay nakarating na kami sa tapat ng gate ng school ko. “Bye, bye Ice Driver. Thanks for your wonderful trip.” sabay kaway ko at bumaba sa Van. Neo POV Pagkababa na pagkababa ni Maam Pami ay agad naming tinanggal sa ulo namin ni Xyren ang ulo ng mascot. The f**k! Para na akong naligo sa sarili kong pawis. Nahihirapan na akong huminga. “HOY NEODIOR ANO NG NANGYARI SAYO?” Nag aalalang tinig ni Xy. Hindi ko magawang makapagsalita dahil nga sa nahihirapan na akong huminga. “HOY NEODIOR!” kasabay ng pag yug-yug niya sa balikat ko. “Xy, hin-di ako maka-makahinga.” utal-utal na tugon ko. “THE f**k NEO, ASAN BA ANG INHALER MO?” Sigaw niya pa na halatang nag papanic. Maya-maya ay may itinapat siya sa bibig ko at alam kong ‘yon ang inhaler ko. Nakakalungkot man sabihin na ang isang gwapong nilalang na Si Neodior Patricio Reyes ay may inborn asthma. “Mascot lang pala ang katapat ng kagaguhan mo Neo, nakakatawa ka.” tugon ni Xy ng makitang medyo naging okay na ang pakiramdam ko. “ GAGO.” bagsak balikat na ani ko at saka ko inumpisahang tanggalin ang mascot na nasa katawan ko. The f**k! Hindi ko na ‘to uulitin. Ayaw ko pang mamatay, maraming babae ang iiyak sa burol ko. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ :-)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD