NAWAWALANG BIKTIMA
Danny's POV...
Pabalik balik ako ngayon sa convenience store kung nasaan nagtatrabaho ang asawa kong si Rose dahil kagabi pa siya hindi umuuwi.
'Rose nasaan kana ba'
Tinanong ko na si Ferry ang workmate ni rose na pumapalit sakanya pag absent siya ngunit wala itong kaalam-alam. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman basta bastang umaalis si Rose nang hindi nagpapaalam saakin tinawagan ko din ang phone niya ngunit hindi ito makontak.
"Papa, nasaan na si mama?" Taning ni Avery, ang panganay namin
"Hintay lang tayo ha, hahanapin ko ang mama niyo basta wag mong pabayaan si Jim ang kapatid mo" Sabi ko sa panganay ko na mag bibirthday ng araw na ito.
'ano bang nangyari kay rose'
Kanina ko pa siya hinahanap kahit sa mga kamag-anak niya o sa mga magulang niya at kahit ang mga ito ay tumulong na rin, nagdikit kami ng mga poster sa ibat ibang poste na may litrato ni Rose baka sakaling mahanap siya ngunit hindi parin siya makita. Nagreport na kami sa mga pulis at tinulungan naman kami sa paghahanap.
Hanggang isang pulis ang nagtatatakbo papunta saamin at hingal na hingal.
"Chief, may nakita po akong kahinahinala dun sa may kakahuyan" Sabi nito na agad namang pinuntahan ng mga pulis pati kami ay sumunod narin.
Hanggang marating namin ang kakahuyan at doon tumambad saamin ang isang nangangamoy bulok na karne na sako dahilan para mapatakip kami ng ilong dahil nakakasulasok ang amoy.
Dahan dahang kinuha nila ang sako at kinalas ang tali rito at tumambad saamin ang isang katawan ng babae, hawig na hawig ni rose.
Habang tinitignan ito ng mga pulis ay nakumpirma nga na si rose ang babaeng ito, malinis ang bangk@y pero may marka ng sakal sa leeg ito at may sugat sa ulo, nangingitim na rin ang balat nito, at dahil dun napahagulhol ako sa harapan.
"Ang...A-ang asawa ko" Sabi ko habang umiiyak
Gusto kong lapitan ito ngunit pinipigilan ako ng mga pulis dahil iimbestigahan daw nila ito.
"R-rose...asawa ko" Tanging nasabi ko habang nilalayo nila ako.
----
Clark's POV...
"Huy, alam niyo bang balita ko nawawala daw sila klein at bryce "
"Ito din, may nakita daw na b@ngkay ng babae sa kakahuyan"
"Grabe kaya di ako lumalabas ng bahay e, katakot"
Dinig ko ang tsismis na kumalat sa aming classroom habang iniikot ko ang aking paningin ay nakita ko namang nakangiti saakin si xyrus.
Habang nagkatitigan kami ay agad na tinawag ako ni Argus, ang class president namin na naging kaibigan ko rin pero hindi ko nga lang siya laging kausap or kasama kasi kilala siya bilang ang pinakatahimik at desiplinadong lalaki.
"Clark, pwede ba kitang makausap?"Sabi niya tiningnan ko muna si Xyrus at napansin kong iba ang tingin niya saamin.
"Tungkol saan ba yan? Pwede ba dito?" Tanong ko dahil alam kong galit si xyrus baka pati si argus pag initan niya pero umiling siya kasi sa labas lang daw kami pwedeng mag usap.
Pagkatapos nun ay umalis siya at sumunod ako at doon kami nag usap sa labas ng classroom doon sa may cr kung saan walang makakarinig.
"Anong nangyari sayo?" Tanong niya
"Ha? Ang alin" Tanong ko pabalik sakanya
"Bakit may pasa ka sa mukha, sinong sumampal sayo?" Seryoso nitong tanong.
"Ah..w-wala to naaksidente kasi ako at tumama sa kalsada ang mukha ko"
Nakita ko naman sa mga mata nito na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Hindi ba magkasama kayong tatlo ng mga kaibigan mo nung Monday? Anong nangyari balita ko missing sila ngayon?" Seryosong tanong niya na ikinakaba ko, pinagpapawisan na nga ako.
"Huh, w-wala akong alam, basta nung monday sinamahan nila ako pag uwi tapos nung Tuesday......n-nabigla nalang ako kasi hindi na sila pumupunta saakin" Pagsisinungaling ko, sa ngayon hindi ko pa kayang magsumbong sa kahit sino dahil baka mas maging aggresibo siya lalo at patayin niya kaming lahat.
"Hmm...bakit magkasunod kayo nung transferee kapag lumalabas pag uwi?" Tanong nito sakin, sasagot na sana ako nang biglang hilain ako ni xyrus.
"Wala kanang pakialam dun" malamig niyang sabi kay Argus na seryosong tumitingin saamin.
"Bakit?" Tanong nito saamin
"Magkasintahan kami" Biglaang sagot ni Xyrus kay Argus.
Nakita kong tumawa si Argus sa harap namin at nakangiting humarap ng diretso.
"Sige, sorry sa abala nga pala xyrus congrats sainyo ah" Sabi nito at tuluyan ng umalis sa harap namin.
Naramdaman ko namang mahigpit ang pagkakahawak saakin ni xyrus at agad itong tumingin sakin.
"Kung hindi ako dumating, malamang sinumbong mo na ako" Nakangiting sabi niya at tiningnan ko lang siya ng masama.
Pagkatapos ay umalis ako sa tabi niya at bumalik sa loob ng classroom pero pagbalik ko naramdaman kong nakatitig parin sakin ang lahat, parang titig nang mapangdudang tingin dahil sa pagkawala ng mga kaibigan ko kahit na si argus ay parang may duda sa mga mata niya.
'naku po, lagot na ako'
Nang marating ko ang aking upuan ay naupo ako rito at tumingin lang sa bintana, ayokong maramdaman ulit na nakatitig siya lagi sakin kahit na yung mga classmate ko.
Parang nawala tuloy ang gana kong pumasok sa school dahil sa nangyayari ngayon.
Maya-maya ay may dumating na teacher at nag anunsyo.
"Class, no class tayo mamayang afternoon dahil may pagmemeetingan kami tungkol sa safety ng mga mag-aaral at pati na rin sa pakikiisa sa paghahanap ng dalawang estudyante na nawawala ngayon, kapag uuwi kayo kailangan may service kayo at umiwas kayo sa mga kahinahinalang tao kailangan na safe kayong makauwi sa mga bahay ninyo, okay tapos na ang klase umuwi na kayo " Anunsyo nito saamin kaya agad agad na nagsilabasan ang lahat ng estudyante dala ang mga bag nila agad namang lumapit saakin si argus.
"Clark, magiingat kayo ha saka xyrus ingatan mo tong si clark, sige bye aalis naako" Sabi nito at tinapik tapik ang balikat ni xyrus
"Umuwi na tayo" Sabi ni xyrus saakin at inagbayan ako.
Naglakad ako ng diretso at lumabas ng classroom dala ang bag hanggang sa makarating kami sa hallway ng school at makalabas sa gate,nang makalabas kami ay pumunta siya sa kotse para pagbuksan ako ng pinto pero walang kung ano ano ay gumalaw bigla ang katawan ko at biglang napatakbo ako ng mabilis.
'Takbo pa!'
Mabilis ang naging pagtakbo ko kaya diko namalayan na makakarating na pala ako papunta sa bahay ko pero nilagpasan ko ito at nagdesisyon na sa convenience store ako pupunta.
Malapit ko ng marating ang convenience store at agad na nakitang naglalakad si Daniel kasama si Glen.
'Isa pa! Malapit naako'
Hanggang sa naisipan kong sumigaw at tawagin ang dalawa.
"DANIEL!! GLEN!!" Tawag ko sakanila at maswerte namang nakalingon ito at pinuntahan ako, bahagya akong lumingon para tignan kung hinahabol ba niya ako pero hindi ko na siya nakita.
"Oh..Anong nangyari sayo?" Tanong ni Daniel
"Ayos kalang? Bat may pasa ka sa mukha?" Sunod sunod na tanong ni Glen saakin
"Wala...ayos lang nabalitaan ko kasi na may masasamang tao daw na kumakalat ngayon, muntik naakong nadali kanina" Pagsisinungaling ko at bahagyang ngumiti habang hingal na hingal.
"Kung gusto mo, makitira ka nalang sa bahay ko para hindi ka mag isa at malalayo ka sa panganib" Sabi ni Daniel at agad naman akong tumango bilang pagpayag.
Naglalakad kami ngayon, inaya kasi nila ako na pumasyal dahil maaga pa naman.
"Huy, nabalitaan mo naba p@tay na daw si Ate Rose" Sabi ni Glen kaya napaluha ako.
"Hala ayos kalang, sorry ah" Paghingi naman nito ng tawad ng biglang maiyak ako.
"Magkaibigan kasi sila ni ate kaya mamimiss niya talaga yun, kahit naman ako ganun din ang nararamdaman ko" Sabi ni Daniel na kumakain ng chichirya.
"Tara sa convenience store, pero Clark balita ko hindi kana daw mag tatrabaho dun?" Tanong ni Daniel
"Hmm...ewan pero naisipan ko nalang umalis sa trabaho"
"Saan ka nga pala nakituloy, clark e hindi kita nakita sa bahay niyo e?"
Nagulat ako sa tanong niya dahil kailangan ko ulit mag sinungaling
'p@tay anong sasabihin ko'
"Nasa....nasa bahay ako nang kaibigan ko nakakahiya kasi kong lumalagi nalang ako dun" Pagsisinungaling ko ulit.
"Ahh" Tumatangong sabi ni daniel
Nang makarating kami sa convenience store ay naabutan naming si ferry ang nagbabantay doon.
"Welcome...oh Clark himala nagpakita kana" Sabi nito kasi medyo chismoso rin to e
"Ano e....namiss ko dito" Pagsisinungaling ko kay ferry.
Lahat lahat nalang ng sinabi ko ay kasinungalingan at hindi ang totoo dahil natatakot akong pati mga kaibigan ko rito ay idamay niya.
"Balik kana oh, mukha akong tànga rito e"
"Mukha, hindi muna ako babalik...hmp nakakapagod rin kasi" Pagpapalusot ko.
Alam kong dapat sinabi ko na ngayon pero wala pa talaga akong balak sabihin ngayon kasi nag aalangan ako kong paniniwalaan ba nila ako o lalo ko lang nilalagay ang sarili ko sa panganib. Wala pa kasi akong kahit anong ebidensya at hindi rin madaling makakuha nun lalo na kung naiwala ko yung phone ko matapos akong ma kidnapped ni xyrus.
"Huy, ayos kalang ba?" Tanong saakin ni daniel at nabalik naman ako sa sarili
"Bakit tulala ka diyan?" Nag aalalang sabi niya
"Oo, okay lang ako" Sagot ko sakanya at bahagyang ngumiti lang.
"Sabihan mo ako kong may problema ka, wag mong solohin" Aniya kaya ngumiti lang ako ulit at tumango.
Habang nakatambay kami sa convenience store ay napatingin kami sa pinto nang may pumasok rito at nakita ko ulit si xyrus, masama ang titig niya saakin. Nakaramdam ako ng takot at nanginig ako sa kinatatayuan ko saka patuloy din ang pagpatak ng pawis ko.
"O, okay kalang ba? Bat pawisan ka?" Sabi ni daniel habang nakatingin silang dalawa ni glen saakin.
"A-ano kasi....kasi"
"Ano? Natatakot ka dun?" Bulong niya sakin pero sakto lang para madinig ko saka tumango lang ako
"Ah, yun alam ko yung taong yun ganun siya ka misteryoso kaya kahit sino matatakot sakanya" Sabi ni glen pero hindi, natatakot ako dahil baka may masamang balak siya ulit.
Ilang oras din bago siya pumunta sa cashier at nagbayad saka bahagyang tumingin saakin na may galit sa mga mata at selos.
Pakiramdam ko para akong binuhusan ng isang timba ng yelo dahil parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.
To be continued...