HULING HININGA
Rose POV...
'jusko!...Anong ginawa ng taong toh kay Clark '
Nasa harapan ako ngayon kung saan nakaupo si clark, hubad siya at may mapupulang marka sa leeg at may bakas ng sampal sa pisngi ang tanging takip lang sa katawan niya ay ang isang puting kumot.
"A-Ate...Rose~" Piyok at humihikbi niyang sabi kaagad ko sana siyang lalapitan pero naalala ko na hawak pa pala ako ng psychotic na ito.
"Ano!! Sabihin mo sakin, kaibigan mo ba ito?" Tanong niya kay clark na patuloy parin sa paghikbi at tumango tango lang ito.
"So, balak niyo akong pagkaisahan, ganun?" Ani nito
"Baka mag sisi kayo" huling sabi niya at sinakal ako gamit ang malalaki nitong kamay.
"A-ack! T-Tama na...hindi ako m-makahinga" Sabi ko at nararamdaman kong umaangat ako dahil sa pagkakasakal niya.
"Xyrus, wag!!" Dinig kong sigaw ni clark
"Please....maawa ka kay ate!! A-ako nalang, ako nalang" Pagmamakaawa niya at bumaba pa sa kama at lumuhod sa harapan ng lalaking sumasakal sakin.
"The f*ck!!! Ano ba naman iyan clark, hindi ba paulit ulit kitang pinaaalahanan" Sigaw nito kay clark
"Please... patawad" Pagmamakaawa ni clark
"Hindi niya ako pinapunta rito, b*esit ka.....ako, ako ang pumunta rito magisa!!"Pilit kong sabi at sinusubukang kumalas sa kanyang pagkakasal.
Lumingon ito sakin ng dahan dahan at may nakakatakot na tingin, hinagis niya ako at tumilapon ako sa pader ng kwarto, tumama naman ang ulo ko dahilan para mahilo ako.
"U-ughh....m-masakit" Mahinang bulong ko at hinawakan ang ulo ko.
"Ganyang ganyan ang napapala ng mga usisirong tao e, alam mo kung di kalang sana pumunta rito para makialam malamang hanggang bukas mabubuhay kapa..pero pasensya kana lang kasi ngayon na matatapos ang buhay mo" Mahabang litanya niya saakin habang ako'y nakaupo parin sa sahig, dama ko ang pagkirot sa sakit ng ulo ko na parang gusto ko ng matulog dahil nahihilo narin ako.
---
Clark's POV...
Nakita kong hinawakan niya ang ulo ni ate rose at paulit-ulit itong inuntog, tumalsik ang dugo na galing sa ulo ni ate rose at agad itong natumba.
"A-Anong ginawa mo" Pabulong kong sabi pero sapat na para marinig niya
Hinawakan niya ang pulso ni ate rose at ngumiti sa harapan ko na parang isang d*monyo.
"P@tay na siya" nakangiti niyang sabi saakin
Napaiyak ako at hindi ko alam kong anong sasabihin ko ngayon, ang tanging alam ko lang ay ang murahin siya ng murahin.
"D*monyo ka!!!...ha*op" Mura ko sakanya, tumingin ito sakin at naglakad papunta saakin.
"Stop crying,baby kasi ginagawa ko lang ito para sa kabutihan nating dalawa" Nakangising sabi nito habang hinahawakan ako sa dalawang balikat at pilit naman akong nagpupumiglas.
'Kabutihan?!!'
"B*esit ka, mabulok ka sana sa impyerno, D*monyo ka!!"
"Hmm?... D*monyo nga talaga ako, clark pero ako ang pinakamasarap na d*monyong natikman mo, i love you" Malambing na sabi niya at pilit akong hinalikan sa labi.
"Hmp!...uhmpp" pag pupumiglas ko habang niroromansa niya nanaman ako ulit, sa harap pa talaga ng b@ngkay ni ate rose.
"Ang sarap mo din, munting anghel ko" Sabi niya, isang salitang pinakapinandidirihan kong marinig galing sakanya.
"Nakakasuka ka!!" Mariing sabi ko habang nakatingin ng matalim sakanya.
Sa halip na magalit siya sa sinabi ko ay pinagtawanan lang niya ako ng isang tawa na nakakainsulto para sakin parang sinasabi niya na hindi ko kayang takasan siya dahil mahina ako.
"Hah!...T@ngina mo" Nakangiting sabi niya at tumayo saka hinila ang b@ngkay ni ate rose at isinilid ito sa sako kasabay ang paglakad niya paalis habang Hila-hila ang sako.
Naiwan lang ako ritong umiiyak at halos hindi na kayaning pakalmahin ang sarili dahil sa nakita ko kanina, si ate rose na tanging maaasahan ko at ang kaisaisang kaibigan ko na handa ring tumulong sakin pati na sila klein at bryce na kinakapitan ko kapag may problema ako at sila rin ang pinakamahalagang tao sa aking buhay, silang tatlo ay wala na dahil sa isang lalaking obsessed saakin at gagawin lahat masolo lang ako
't@ngina niya rin, b*esit siya hay*p!'
Puro mura lamang ang lumalabas saaking isip na patuloy minumura si xyrus, nakakadiri talaga siya.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa tuluyang bumigay ang katawan ko at nakatulog ako, naramdaman ko pa ang isang malamig na hangin na yumayakap saakin habang ako ay nakahiga sa malamig na sahig. Ramdam ko ang isang hangin na katulad noong naramdaman ko ng kinuha saakin sina klein at bryce, isang hangin na namamaalam saakin kasabay ang pagkawala nito.
Ilang minuto akong nakatulog hanggang sa maramdaman kong may bumuhat saakin at parang sinasayaw niya ako habang buhat-buhat na parang nagpapatulog ng sanggol.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko at nakita ko ang d@monyong nagdala sakin rito.
"Matulog ka ng mahimbing ngayong gabi, mahal kita" Nakangiting sabi niya at tanging iyak lang ang nagawa ko kasabay ang paghampas sa mga braso niya, halos wala na rin kasi akong lakas dahil sa pagod ko.
"Shush...tahan na baby" Nakangiti niyang sabi pero pinagpatuloy ko lang ang pag iyak na parang hindi alam ang gagawin.
Bigla siyang umupo sa kama at ikinandong ako saka niyakap ng mainit niyang bisig at ikinulong ako rito nakasubsob rin ang mukha ko sa dibdib niya at amoy na amoy ko ang pabango niya na parang hindi nawawala kahit nahaluan ito ng amoy ng dugo ni ate rose.
"Hik...hik w-walang h!ya ka" Sabi ko na parang hirap na hirap na
"Sabi ko naman sayo hindi ba,binalaan na kita noon pa" Mahinahong sabi niya sakin at hinigpitan ang pagkakayakap saakin.
"Walang kahit sinong dapat makaalam nito, akin kalang clark, akin kalang" Paulit ulit niyang sabi sinabayan naman ng paglakas ng iyak ko.
Ramdam kong basa na sa luha ko ang suot niyang manipis na sando pero sinubsob ko parin ang mukha ko dahil ayokong makita ang pagmumukha niya. Hinaplos niya ang buhok ko at bigla siyang kumanta sa isang malamig pero magandang tuno ng boses kahit na humming lang ang ginagawa niya pero sa dinig ko napakaganda ng boses niya.
"Mhmmhmm...hmmm~" patuloy ng pag-awit niya kaya biglang nakaramdam ako ulit ng antok at tuluyang natigil ang pag-iyak ko kasabay ang pagpikit ng mga mata ko, ang boses niya kasi habang umaawit siya ay parang nakakawala ng lakas kaya ito ako ngayon, natutulog habang nakakulong sa bisig niya.
"I love you, baby" Rinig kong sabi niya bago lumalim ng tuluyan ang pagtulog ko.
----
Pagkagising ko, umaga na babangon na sana ako pero may isang mabigat na brasong nakayakap saakin pagtingin ko ay nakita ko siyang tulog na tulog, ang gwapo niyang tignan kahit tulog siya isa pa hindi rin siya naghihilik isang natural na paghinga lang ang ginagawa niya.
Biglang nagising siya at iminulat ang mga magagandang mata ng dahan dahan saka nginitian niya ako, aaminin kong kahit na kinamumuhian ko siya ay namamangha parin ako sa itsura niya.
"Gising kana pala, baby" Mahina pero malambing ang tono ng pagkakasabi niya.
Inalis agad niya ang pagkakayakap saakin at umupo saka tumingin siya ulit sakin at pinatongan ako saka hinalikan ako sa labi matagal tagal rin bago siya kumalas saakin pero bago yun, may sinabi siya.
"Ituloy natin ito, mamaya ha pero pag may nahuli akong pumapasok rito baka maulit ulit yung kahapon, alam ko namang hindi mo gustong makakita ng ganung eksena" Sabi pa nito saka tuluyan bumaba sa kama at naglakad papunta sa pinto at lumabas saka nilock ang pinto.
Tumingin ako sa bintana habang nakahiga parin sa kama, wednesday pala ngayon pero hindi ko alam kong papasok paba ako sa school parang nawalan na kasi ako ng gana kasi parang ako yung guilty sa pagkawala nina klein at bryce dahil hindi ko sila naipagtanggol.
Ilang oras ay bumukas ang pinto at iniluwa si xyrus na may dalang isang plato ng kanin at ulam.
"Kain tayo? May pasok pa tayo ngayon" Sabi niya pero hindi ko siya hinarap.
"Bakit?" Inosenteng tanong niya pero hindi ako sumagot at hindi ko parin siya tinignan.
Ramdam kong umupo siya sa kama dahil sa paglubog ng foam pagkatapos inilapit niya sakin ang pagkain.
"Hindi ako gutom" Seryoso kong sabi pero nanatili parin sa ganung posisyon, ayoko talagang makita ang mukha niya.
Alam kong nakatingin parin siya pero ayoko takagang gumanti ng titig dahil sa mga kasalanan niyang ginawa.
"Ikaw nalang ang pumasok total walang h!ya ka naman" Malamig na sabi ko pero nakatitig lang siya sakin maya maya nagsalita siya.
"Kumain kana, para may lakas ka" Sabi niya sakin
"Sabing ayoko nga diba" pagtanggi ko
"Kailangan mong bumawi ng lakas, hinang-hina ka kagabi" Dinig ko ang nag-aalalang tuno ng salita niya
'tsk, siya? Nag aalala? Ano bang pakialam niya'
"Ano bang pakialam mo, isa pa kahit kumain ako hindi na din naman maibabalik ang buhay nila diba?!!"Pasigaw na sambit ko sakanya pero nabigla ako nang biglang sumigaw siya.
"SABING KAIN DIBA!!!! Gusto mo bang matulad sakanila?!!!ha!"Sigaw niya sakin kaya naiyak nanaman ako.
"Oo!!! Gusto ko kasi ayokong manatili sa kagaya mo!!"Naiiyak kong sigaw sakanya at bigla niya akong nilapitan at biglang hinila ako.
Ngayon ay nakaupo ako sa mga hita niya habang hinihigpitan niya ang pagkakahawak saakin.
"Ano? Kakain ka o hindi"Sabi niya habang sinusubukan akong subuan ng kanin.
Tikom parin ang bibig ko ng biglang pinilit niyang ibuka ito at isinubo ng pilit at isang kutsarang kanin na may ulam sa ibabaw.
Umiiyak ako habang dinudurog ko ang pagkain sa bibig ko parang iniimagine ko na siya yung dinudurog ko. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kamay niya at niyakap ko.
"Pasensya kana, nasigawan kita" Mahinahong sabi niya sakin habang nakayakap at sinusubsob sa leeg ko ang mukha niya.
Nang matapos akong kumain at iniligpit niya ang pinagkainan namin at saka lumabas sa kwarto at nilock ito ilang minuto din ay bumalik siya ulit na may dalang tuwalya at sabon.
"Hali kana, maligo na tayo" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko, sumunod nalang ako habang kalmado pa siya.
Walang imik at kahit anong reklamo ko habang hinihila niya ako papasok sa cr at nang makapasok ay pinaandar ang shower at pinaliguan niya ako.
....