Sabay na kumain si Froylan at ang kanyang sekretarya na si Ira ng tanghalian kahit pa dama ang pagkailang sa kanilang pagitan. Mapapansin iyon sa mga mata ni Froylan na panay ang iwas na komonekta sa mata ni Ira. Panaka-naka naman ang lihim na sulyap ni Ira sa kanyang amo, hindi niya magawang lunukin ang pagkaing nasa bibig. Ngayong naganap na ang kanyang plano, hindi niya pa rin maiwasan na bagabagin ng konsensiya. Idagdag pa ang imahe ng mga inosenteng anak ng mag-asawa. Ang isipin pa lang na aagawin niya ang atensyon ni Froylan sa kanila ay sisirain niya ang future nila na magkaroon ng buong pamilya ay hindi na niya na ma-imagine ang sakit na dadanasin nila. Ganunpaman ay hindi niya magawang i-ignore ang kasiyahang nararamdaman niya. “Panandalian lang naman ito, hindi naman palaging m

