Panandaliang naghinang ang kanilang mga mata. Ilang segundo ang lumipas at hindi pa rin magawang sabihin ni Froylan ang pakay niya. Gusto niyang magpakuha ng tubig kay Ira, ngunit sa hitsura nito ay nagdalawa ang isip ni Froylan kung itutuloy niya pa ba iyon. Mukha pa rin itong labis na napagod sa mga ginawa nila kanina. At ang isipin ito ay bigla na lamang siyang sinapak na ng konsensiya. “Ano pong utos niyo sa akin, Sir Froylan?” ulit ni Ira sa naging tanong niya nang mahalata niyang parang walang plano si Froylan na magsalita doon. “May ipapagawa ka pa po sa akin?” dugtong nito na biglang naging iba ang dating ngayon sa isipan na ni Froylan. “Nevermind, Ira, ako na lamang ang kukuha.” mabilis na iling at bawi na ni Froylan doon. “Sigurado po Sir Froylan? Huwag ka pong mahiyang utusan

