Hustong kakabukas lang ni Ycel ng pintuan ng banyo ay siya namang pagbukas din ni Froylan ng pintuan ng kwarto nilang dalawa. Kaagad na dumapo sa kanya ang mga mata nitong nag-aalab sa pagnanasa na masasabi ni Ycel na noon lang niya nakita dahil kung kanyang ilalarawan ay para itong gutom na lobo na anumang oras ay pwedeng manlapa. Kakaiba ang paraan ng mga paninitig nito na mahiwaga para sa kanya ang ibig ipahiwatig. Mukhang ibang kaluluwa ang nasa loob ng katawan ng asawa niya na hindi niya kilala. Para itong sinaniban ng ibang tao ngayon. Binalot ng kakaibang takot ang buo niyang katawan. Bakit hindi? Dahil parang hindi niya kilala ang bawat kilos nitong parang hindi siya. “Hon--” Nagmamadaling hinubaran ni Froylan ang kanyang katawan na naging dahilan upang matigilan pa sa mga sasabi

