Ilang beses ng nilakadan ni Froylan ang aircon sa loob ng kanyang opisina. Hindi maintindihan kung bakit ang pakiramdam niya ay hindi pa rin iyon sapat para mapawi ang init ng kanyang katawan. Dagnas pawis na rin siya doon na hindi na nakatakas sa kanyang mga mata. Hindi lang naman iyon ang unang beses na uminom siya ng green tea kung kaya naman imposible na dahil ito doon. At hindi niya iyon pwedeng sisihin. “Baka dahil matagal na nang huli ako nitong uminom.” kumbinsi niya sa kanyang sarili. Muli pa siyang tumayo doon upang luwagan lang ang suot niyang necktie. Pakiramdam niya na kapag ginawa niya iyon ay may pagbabago sa nararamdaman niya. Subalit, iba na iyon dahil bigla na lang siyang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan. Ang buong akala niya ay simpleng init lang iyon, pero nang mas

