Hindi na naghintay ng matagal doon si Froylan. Pagkaraan ng ilang minuto ay umingit na ang pintuan ng kanyang opisina at sumungaw ang mukha ni Ira. Pagkaraan ng ilan pang minuto ay naramdaman niyang tahimik na itong naupo sa kanyang harapan. Pinagsalikop niya ang dalawa niyang palad na nasa kandungan na halatang kinakabahan. Hindi iyon nakaligtas iyon sa tahimik na mga matang mapanuri ni Froylan. “Nasaan ang schedule ko simula ngayong araw?” mababa ang boses na tanong niya. Umaapoy ang puwit na biglang napatayo si Ira. Makikita sa kanyang mukha na kabadong-kabado na. Mabuti na lang talaga at mabait si Melody sa kanya. Nagawa nitong e-email iyon kagabi kung kaya naman napag-aralan na rin niya. Panigurado kasing tatanungin siya ni Froylan kung kaya naman iyon ang inuna niya ‘ring asikasuhi

