Mabilis na napatayo si Froylan nang marinig niyang nag-ring ang tinatawagan niyang phone ni Ira sa kabilang linya. Nagpalakad-lakad na siya sa loob ng opisina na tila hindi mapakali sa iisang pwesto lang. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit bigla na lang na kinabahan. Palagi naman niyang ginagawa ang pagtawag sa sekretarya, ngunit sa araw na iyon ay parang may kakaiba. At alam niya kung ano ang nagbago sa kanilang pagitan. Maya-maya pa ay nagawa niyang ihilamos ang kanyang isang palad sa mukha nang sa ganun ay mahimasmasan. “H-Hello?” sagot ni Ira sa kabilang linya gamit ang mahina at paos na tinig, doon pa lang ay nahuhulaan na ni Froylan ang dahilan kung bakit wala ito. Kaagad na natigilan sa paghakbang niya si Froylan nang marinig ang tinig nito. Awtomatikong nanguno

