Marahang tinapik ni Froylan ang kanang balikat ni Melody na kasabayan niyang naglalakad. Papalabas na sila ng isang hotel kung saan ginanap ang kanilang huling appointment para sa araw na iyon. Ginabi na sila at lahat kung kaya naman hindi mapigilang maramdaman ni Froylan ang pagkalam ng kanyang sikmura. Bumagal ang mga hakbang ni Melody nang dahil sa kanyang ginawa. Nahihiya na siya nitong nilingon habang nakapagkit pa rin sa labi ang hindi naman pilit na mga ngiti. Base sa kanyang hitsura ay masasabi niyang hindi pa rin ito sanay na makatanggap ng mga compliment magmula sa kanya dahil ngayon ay parang awkward na ang hitsura nito, hindi niya man sabihin iyon at isatinig sa kanya. “Thank you very much, Melody, as you did a good job today. I'm thankful you're there because otherwise, I don

