Binawi ng kanyang ama ang law firm na dinungisan niya ang pangalan sa mabilis na pagkalat ng kanyang kalokohan. Mabuti na lang at nagawan ni Amorsolo iyon ng paraan, dahil kung hindi ay paniguradong bagsak ang law firm na kanyang pinaghirapan. At ang naging kapalit noon ay kailangan niyang bawiin ito saglit sa anak na pinamanahan upang muling ma-build ang tiwala ng lahat. Hindi niya ito tuluyang tinanggalan dito ng karapatan. Nais niya lang talagang turuan ito ng leksyon sa maling kanyang mga ginawa. “Hindi ka na natuto sa mga pagkakamali ko, ginaya mo pa talaga ang ginawa ko! Pinili mo pang sundin ang bakas ko! Hindi mo ba naisip ang sakit na pinagdaanan niyo noon? Froylan, hindi ka na bata. Alam mo na ang tama at mali. Bakit kailangang humantong sa ganito? Sana ibang babae na lang ang g

