Patang idinilat ni Froylan ang kanyang mga mata. Panibagong umaga na naman iyon sa kanyang buhay na hindi kasama ang kanyang mag-iina. Ilang beses na paulit-ulit na niyang pinagsisihan ang lahat, ngunit kahit na magdusa ay wala na siyang magawa upang maibalik sa dati ang lahat. Araw-araw niyang pinagsasawa ang kanyang mga mata sa larawang kuha noong huli pa nilang gala ng pamilya. Ilang buwan na ang lumilipas nang hindi niya iyon ginagawa. Bakit? Sinira lang naman niya ang cellphone sa pamamagitan ng malakas na pagbato niya. Walang tigil kasi ang panggugulo ni Ira sa kanya. Sinasabi nitong buntis siya at siya ang ama. Hindi niya iyon matanggap dahil alam niya sa sarili na hindi totoo ang mga pinagsasabi nito. Dala ng galit kung kaya doon niya ibinunton ang lahat ng pagkainis. Nagawa niya p

