Chapter 65

2485 Words

Pagkaraan ng ilang sandali pang pananatili doon ay tumayo na si Ycel. Narinig niya na ang ingay na ginagawa ni Fabian na paniguradong gising na at pababa na ng sala. Hinahanap siya nito na palaging kanyang ginagawa tuwing magigising kahit na alam nitong katabi siya nilang matulog ni Yael. Noong una ay nahihirapan siyang ipaliwanag sa anak ang dahilan kung bakit hindi nila kasama doon ang ama, ngunit hindi naglaon ay tila ba nakakalimutan na nito iyon. Ilang umaga ng hindi nito binabanggit ang ama na hindi alam ni Ycel kung ayos lang ba o dapat siyang magkaroon ng konsensiya. Para kasing inilalayo niya ang mga anak ni Froylan sa kanya at tinatanggalan siya ng karapatang kilalanin ng mga ito. Hindi naman niya intensyon na gawin iyon, nasasaktan lang siya tuwing naghahanap ito at tinatanong n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD