Taunting Ghost of the past

2524 Words
"Ako ng magpapagawa sa mga nasira nilang sasakyan. Babayaran ko lahat" Tugon ng driver na nakabangga sa kanila. Si Doctor Levi Cruz. " O ganun naman pala mga ma'am. Ayusin napo natin ito sa opisina para hindi na po tayo maka abala pa sa ibang motorista" Saad ng pulis na rumesponde. Matapos magkaayos. Mabilis ng lumabas ng opisina ng pulisya si Lyna. " Lyna... Wait... Can we talk?" Habol ni Levi sa kanya. " Doctor Cruz, kung hindi lang dahil sa nabangga mong kotse ko ayoko ng magkaroon ng connection sa iyo. Please lang..." Saad ni Lyna at mabilis na umalis sa lugar. Gabi na ng makauwi si Lyna sa apartment. Tinawagan nya kaagad si Raphael upang hindi na mag alala pa ito. Muling lumabas ng garahe si Lyna upang silipin ang nasirang sasakyan. " Hayyyyyy halos kakatapos ko lang bayaran to ngayong taon.. Bwisit talaga" Sigaw sa isip ni Lyna. " Lyna please can we just talk" Biglang sumulpot si Levi na halos mapasigaw si Lyna sa gulat. " Bwisit ka... papatayin mo ako sa gulat? Anong ginagawa mo dito?" Paasik na tanong nya dito. " I'm sorry.. " Sagot lamang ni Levi. Akmang papasok na sana si Lyna sa loob ng bahay ng muling magsalita si Levi. " We're processing our annulment" Seryosong wika nito. Napahinto naman si Lyna sa narinig. " Lyna can we start over again? I'm sorry" Muling wika nito. Humarap si Lyna kay Levi bago sumagot. " Palagay mo ba masaya ako na makiki pag annul ka? Wala naman akong pakeelam. Nagpaalam ka ba sa mommy mo? Wala ka ng babalikan sa akin Levi. Masaya na ako sa buhay ko kahit wala ka" Hindi na hinayaan ni Lyna na makapagsalita pa si Levi dahil kaagad syang pumasok sa loob ng bahay. Pinatay din nya ang nga ilaw pati na sa garahe upang mapilitan itong umalis nalang. Nahiga sa kama si Lyna.. Malalim ang kaniyang mga buntong hininga. Naisipan nyang tawagan ang kaibigan na si Bea. " Grabe bes pantulog na lang ako tumawag ka pa. Di ka na ba maruning matulog ngayon ." Nakahiga pa ito ng sinagot ang video call ni Lyna. " Bes.. " Malungkot nyang sagot. Biglang bumangon sa pagkakahiga si Bea, alam nyang seryoso ang magiging usapan nila. " Napano ka? Anong ginawa sayo ng matandang binata na yun?" Mataas ang boses na tanong ni Bea sa kanya. " Hindi . wala naman syang ginawa. Si Levi bumalik na ng Pilipinas" Pahayag ni Lyna " What???? So anong ganap... Tsaka bes don't tell me may nararamdaman ka pa sa kupal na yun. May asawa na yun. Tsaka masaya ka naman kay Mr. Andrade di ba?" " Nagpa process daw sila ng annulment. Hindi ko na tinanong kung bakit. Nakikipagbalikan sya akin bes" Muling pahayag ni Lyna. " Ay gago nga.. magpapakasal tapos mag papa annul. Juice colored Bakit lapitan ka ng mga hiwalay sa asawa" Nakataas pa ang kilay ni Bea " Sigurado magkikita kami ulit nun kasi ipapagawa nya yung sasakyan kong nabangga nya kanina." Patuloy pa ni Lyna na pag kukwento sa kaibigan. " Alam mo feeling ko sinandya nyang bangga bangga na yan para magkita kayo ulit." "Ewan ko, hindi ko alam" " Tsaka bes inaaya pala akong mag live in ni Raphael" " What???? Bakit live in bakit di kasal? e ganoon din naman yin magsasama kayong parang mag asawa e bakit di pa kayo magpakasal?" Sunod sunod na tanong ni Bea. " Hindi pa daw kasi sya ready. Medyo masakit pa yata yung feelings nya doon sa dati nyang asawa." Paliwanag ni Kyna sa kaibigan. " Hindi pa sya ready? So kelan sya ready kapag lolo na sya? Hay naku Lyna sinasabi ko sayo wala akong tiwala jan sa Mr. Andrade na yan. Nag chu chuk chakan na kayo tapos ayaw ka pang pakasalan." Pag sesermon pa ni Bea. " Hindi naman sa ganoon bes. Not now pero may balak naman syang pakasalan ako" Depensa ni Lyna. " Ikaw bahala. Naalala ko pala yung sinend ko sayong link fill upan mo na. Baka lang kung sakaling magbago ang isip mo tapos gustihin mo na din dito sa abroad para mag kasama na tayo. Mabait naman yung boss tsaka Filipina din si Ma'am Ella. Send mo kaagad para ma process na." pangungulit pa ni Bea sa kanya. " Oo sige na... sesend ko agad. O sya sige matutulog na ako. Bye" Paalam ni Lyna sa kaibigan. Muli pang nag send ng message si Bea kay Lyna. " Bes fill up mo na yung link ha tapos send mo kaagad" Pinipilit sya ng kaibigan na mag apply sa company na pinapasukan nya sa abroad. Medyo naintriga si Lyna sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Bea. Kaya naisipan nyang i search sa internet. "FOUR-NATURE & CRAFTS BY ELLA" " Hmmm Rafaella Ramona A. Smith Filipino Transgender and successful business woman. Wow... hindi sya mukhang trans. maganda sya. Ang gaganda din ng mga items nila. Furniture and accessories grabe.... Ang ganda din ng showroom nila sa abroad parang ang sarap nga magtrabaho dito" Wika ni Lyna sa sarili habang patuloy na nag ba browse sa kanyang cellphone. Hanggang sa dalawin na sya ng antok.... ================================ LEVI'S POV " Ma hindi ko mahal si Andrea. Alam mo naman na si Lyna ang girlfriend ko. Hindi na ako bata ma" Sigaw ni Levi habang nagtatalo silang mag ina. " No Levi... Hindi si Lyna ang para sayo. Kung mahal mo ako anak si Andrea ang papakasalan mo"Sagot ng ina ni Levi sa kanya. " Ma.... hinihintay ako sa Pilipinas ni Lyna. Nangako ako sa kaniya na babalikan ko sya." Halos maiyak na si Levi sa pagsusumamo sa ina. " Sige Levi pakasalan mo si Lyna. Pag tinuloy mo ang gusto mo wala ka ng babalikang pamilya dito. Banta ng ina. " Pero ma....." Hindi na nya natapos ang sasabihin ng magsalita ulit ang ina. " Levi, hindi makakaganda sa imahe mo si Lyna. Kalat na kalat ang balita kung kani kaninong lalaki sumasama ang Lyna na yun. Bakit ba ayaw mong maniwala. Ngayon nga ay nakabili na din sya ng sasakyan. Palagay mo saan sya kukuha ng pambili kung hindi sya kumakabit sa ibang lalaki? Ganoon ba kalaki ang sweldo nya para makabili syabng sarili nyang sasakyan. Mag isip ka Levi" Pagalit na wika ng ina. " Hindi magagawa ni Lyna yan ma" Dumaloy na ang luha sa kanyang mga mata.... Sa huli, napilitan ding magpakasal si Levi kay Dra. Andrea na isang OB Gyne. Unang gabi ng pagiging mag asawa nila Levi at Andrea. " Levi, hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo para mahalin ako." Wika ni Andrea habang nakayuko lamang si Levi. " Ituring mo akong kaibigan Levi. After ilan months or years na wala ka pa ring maramdaman sa akin, let's file an annulment. Basta sa panahon na mag asawa pa tayo hindi mo pwedeng lapitan o kausapin si Lyna. Tapos malaya ka ng balikan sya. Hindi kita pipigilan." " Andrea...." usal ni Levi " Basta sa harap ng iba, mag asawa tayo. Kung tayong dalawa lang mag kaibigan tayo. Hindi mo kailangan ipilit ang sarili mo." Pahayag ni Andrea at lumakad palabas ng silid. " Andrea...." Tawag ni Levi sa bagong asawa. Nilapitan nya ito at mahigpit na yinakap. " Thank you" Bulong pa nya dito. Patuloy na nakibalita si Levi sa mga kakilala nila tungkol kay Lyna. Gusto nyang malaman ang kalagayan ng dating kasintahan matapos nitong malaman na ikinasal na sya. May mga nagsabi na ilang bwan o taon din na hindi naging ok si Lyna. Meron ding nagsasabi na madalas ang pag ka clubbing nito ng magkahiwalay sila. Tinangka din nyan kausapin ang matalik na kaibigan ni Lyna na si Bea. Ngunit madalas lang din sya sinusungitan nito hanggang tuluyan na syang i blocked sa mga contacts nito. Naging maayos naman ang kanilang pagsasama ni Andrea. Katulad ng kanilang kasunduan, sa harap ng ibang tao ay isang imahe ng perpektong mag asawa sila. Ngunit kapag silang dalawa na lang ay parang ordinaryong magka kilala o magkaibigan na lamang sila. Sa loob ng halos mga taon na mag asawa, naging matalik silang magkaibigan. Lingid sa kaalaman ng ina ni Levi ang agreement nilang dalawa ni Andrea. Matuling lumipas ang panahon, Sa di inaasahan na pangyayari, inatake sa puso ang ina ni Levi dahilan ng agarang pagkamatay nito. Kinakailangan nyang bumalik ng Pilipinas upang sa burol at libing ng ina. Gusto man nyang puntahan si Lyna ng mga panahong nangungulia siya, Ngunit ayaw nyang sirain ang kasunduan nila ni Andrea. Kahit papaano ay nirerespeto pa din nya ang asawa. Habang nakalagi pa sa Pilipinas, Tinatanaw nalang mula sa malayo si Lyna. " Walang syang pinagbago. Maganda pa din sya. Magiliw pa din sa mga tao. I missed you Lyna" Wika nya sa sarili habang pinagmamasdan ang dating nobya na kumakain sa restaurant kasama ang mga kaibigan nito. Isang araw kababalik lang ni Levi sa Amerika, umamin si Andrea sa kanya na may iba na itong napupusuan. Isa ring doctor na foreigner na naka base din sa Pilipinas. Inamin din nito na palihim silang nagkikita pag may pagkakataon na nasa Pilipinas ito. Nag paalam si Andrea sa kanya na babalik na ng Pilipinas pagkapanganak dahil sa hndi inaasahan ni Andrea na pagbubuntis. Alam ni Levi na hindi sa kanya ang dinadala ni Andrea dahil simula ng maging mag asawa sila ay hindi pa nya ginalaw ito. Masaya naman sya sa naging pasya ni Andrea. Kaya nagpasya na silang mag file ng annulment. Upang hindi na din lumabas na kahiya hiya si Andrea, Pinalabas nila na si Levi ang nagloko. Ilang buwan na ng makabalik sya Pilipinas upang ayusin ang annulment nila ni Andrea. Ilang beses na din syang nagtangkang tumawag sa opisina ni Lyna ngunit madalas din itong wala. Ang pinaka huling balita nya kamakailan lamang ay may nanliligaw na mayamang taga Manila dito. Madalas daw dumalaw sa apartment at sa opisina nito. Kailangan nyang magmadali, hindi pwedeng maagaw ng iba si Lyna... Pauwi sya galing sa meeting nya sa kanyang abogado sa Manila. Habang nagpapa gas, biglang may dumating na isang sasakyan upang magpa gas din. Si Lyna ... hindi sya pwedeng magkamali si Lyna ang nakikita nya. Binuntutan nya ang sasakyan hanggang sa toll gate papasok ng Pampanga. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman nya. Saya na muli nyang nasilayan ang babaeng pinaka mamahal nya. Kaba dahil natatakot sya sa pwedeng maging reasksyon nito. Simula ng ikasal sya kay Andrea ay hindi man lang nya nagawang humingi ng tawad dito. Ngayon na ang pagkakataon upang makausap at malapitan nya si Lyna. Buo ang kanyang loob na dadaplisan nya ng konting konti lang ang sasakyan sa kanyang unahan kung saan nakasakay si Lyna. Pikit mata na inapakan ni Levi ng bahagya ang pedal ng gas. " BOOOOGGG" Kalamapag ng harapan ng sasakyan nya. Ngunit sa di inaasahan umabante pa ang sasakyan ni Lyna dahilan upang mabangga nito ang nasa kaharapang sasakyan... " Shiiiiiiiiiitttttt" Mariin nyang wika. Wala sa plano na madadamay ang isa pang sasakyan. Nakita na nyang bumaba si Lyna sa sasakyan nito. Sinisipat ang likuran at harapang bahagi ng sasakyan na na sandwich. Nakapamewang ito at i iling iling. Nasisiyahan sya sa kanyang nakikita. " Di ka pa din nagbago Lyna. Pero mas lalo ka pang gumanda" Nakangiting wika nya sa sarili habang pinagmamasdan ang dating kasintahan. Bumaba na din ang driver sa kabilang sasakyan na medyo may edad na babae. Kinabahan sya para kay Lyna. Mukha itong masungit at mukhang sinesermunan pa si Lyna. Nanatili sya sa loob ng sasakyan. Maya-maya ay nakita nyang papalapit sa kaniya ang babaeng driver sa kabilang sasakyan. Kinatok nito agad ang kanyang bintana. Pagbaba nya ng bintana, hindi na sya kaagad binigyan ng pagkakataon ng babae na makapagsalita dahil tinalakan na sya kaagad nito. Pinabayaan nalang nya kung anong gusto nitong sabihin. Ang mahalaga may chance sya na makalapit at makausap si Lyna. Lumapit na din sa kanila ang isang pulis kaya napilitan syang bumaba. "Sir ..." Bati nya sa pulis. " Nakausap ko na si ma'am, ipapagawa ko nalang yung sasakyan nya." Agad nyang bungad sa pulis. " O sige, e papano naman yung sa isa, mas malaki ang damage? Mas mabuti pa kung mauusap kayo, kung ayaw nyong maabala. Kung hindi ay baka magsampa pa ng kaso si ma'am" Paliwanag ng pulis Sabay sabay silang lumakad papalapit kay Lyna na noon ay kausap na din ng isang pulis. "Ako ng magpapagawa sa mga nasira nilang sasakyan. Babayaran ko lahat" Singit nya sa pag uusap ng dalawa Kitang kita nya ang pagka bigla sa mukha ni Lyna ng mapagtanto kung sino sya. Ramdam din nya ang apoy sa mga mata nito. Hindi naman nya ito masisi, napakalaki ng nagawa nyang kasalanan. Inanyayahan sila ng mga pulis sa opisina upang pumirma ng kasundyan at upang mabawas na din ang traffic na dulot ng kanyang ginawa. Pagkatapos magkasundo at maayos ang mga kailangan pirmahan sa opisina ng pulisya ay agad lumabas si Lyna. Hinabol nya ito para saglit na makausao at makamusta. " Lyna... Wait... Can we talk?" " Doctor Cruz, kung hindi lang dahil sa nabangga mong kotse ko ayoko ng magkaroon ng connection sa iyo. Please lang..." Malamig na sagot nito sa kanya tsaka mabilis na pinaandar ang kotse. Patago naman nyang sinundan ito hanggang makauwi ito ng apartment. Kukuha sya ng tyempo upang ibalita dito na maghihiwalay na sila ni Andrea. Wala syang sasayangin na pagkakataon upang manumbalik ang kanilang naputol na relasyon. Ilang oras din syang naghintay. Biglang bumukas ang nga ilaw sa labas ng apartment at lumabas sa may garahe si Lyna. Linapitan nya ito. " Lyna please can we just talk" Bungad nya dito. Wala naman syang intensyon na takutin ito, ngunit kitang kita nya sa mukha nito ang takot at pagka bigla. " Bwisit ka... papatayin mo ako sa gulat? Anong ginagawa mo dito?" Galit na sagot nito sa kanya " I'm sorry.. " Ito lamang ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig hindi nya alam kung papaano uumpisahan ang pakikipag usap dito. Alam nyang galit ang nararamdaman nito sa kanya. Nakita pa nyang umiling ito, ramdam nynag hindi naniniwala sa kanya si Lyna. Tumalikod na ito at pahakbang papasok sa bahay ng muli syang magsalita. " We're processing our annulment. Lyna can we start over again? I'm sorry" Mga salitang nasabi nya sa taranta nya na baka hindi nya ma explain kaagad dito. Humarap si Lyna sa kanya at sumagot. " Palagay mo ba masaya ako na makiki pag annul ka? Wala naman akong pakeelam. Nagpaalam ka ba sa mommy mo? Wala ka ng babalikan sa akin Levi. Masaya na ako sa buhay ko kahit wala ka" Pagkatapos sumagot nito ay iniwan syang tulala at pinatayan pa ng ilaw sa labas ng bahay. Wala syang nagawa kung hindi bumalik sa loob ng kanyang sasakyan at lisanin ang lugar. Matalim ang mga naging pananalita ni Lyna. "Talagang nagbago na sya. hindi na sya yung Lyna na sandali ay lumalambot ang puso sa isang sorry lang" Bulong nya sa kanyang isip. " Hintayin mo lang ako Lyna. Gagawin ko ang lahat para maging akin ka muli"......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD