Collision of Hearts

4485 Words
Maaga palang ay nag paalam na si Lyna kay Glenda na male late sa pagpasok ngayong araw. " Ma'am Glen, male late akong pumasok, kailangan kong kitain yung nakabangga sa sasakyan ko" mensahe na pinadala nya kay Glenda.At pinayagan naman sya nito kaagad. Naka received naman sya kaagad ng mensahe kay Levi. Napilitan syang ibigay ang number nya dito para makipag coordinate sa pagpapaayos ng sasakyan. " Good morning. I will wait you in casa this morning to repair your damaged car. See you" Hindi na sya nag abala pa na sagutin ang message nito. Nagpadala din sya ng message sa kasintahan. " Hi babe. Late akong papasok ng office today. I me meet ko yung nakabangga sa kotse. Don't worry about me. I love you" Kaagad naman syang nakatanggap ng reply kay Raphael. " Good morning babe. Take care. Lalaki ba yung ka meet mo? I will call you in a while" " Tskk.... papaano ko sasabihin kay Raphael na si Levi ang ka meet ko" Pag iisip ni Lyna na bahagya pang nag aalala. Hindi na muna nya sasagutin ang tanong nito. Tumunog ulit ang kanyang cellphone. Mensahe mula kay Bea. " Bes na fill up mo na? send mo na sa akin" " Sige bes, send ko later" Reply nya sa kaibigan. Minark na ni Lyna sa map ang address ng casa na sinend sa kanya ni Levi. "medyo malapit lang pala" sa isip nya. tsaka pinaabante na ang sasakyan. Maluwag ang pagkakangiti ni Levi ng matanaw ang sasakyan ni Lyna papasok ng casa. Lumapit naman ang isang boy ng casa upang i guide si Lyna sa pag park. Pagbaba naman, agad syang sinalubong ni Levi at inabutan sya ng cup ng kape galing sa isang sikat na coffee shop sa lugar. " Good morning. Coffee?" Tiningnan lang ni Lyna si Levi at nilampasan ito. Dumirecho sya sa mekaniko ng casa na tumitingin sa kanyang sasakyan. " Kuya sa palagay mo matagal ba ang repair?" Tanong nya sa mekaniko. " Baka hanggang bukas pa po matapos ma'am" Sagot naman sa kanya. " Hindi po ba kakayanin today? Muli nyang tanong " Hindi ma'am, Malaki yung damage sa likod" Muling sagot sa kanya ng mekaniko. " Hayyyyyssss pag minamalas ka talaga." Sigaw nya sa isip. Lumapit sa kanya si Levi ng mapansin nito na sumimangot na sya. " Sorry Lyna sa abala. Pwede naman kitang i service hanggang bukas para...." Hindi na natapos ni Levi ang sinasabi kay Lyna ng tumunog ang cellphone nito sabay talikod sa kanya. " Babe, bukas pa daw matatapos. Mag ko commute nalang muna ako pauwi at papasok ng opisina bukas. Sanay naman ako" Pahayag ni Lyna kay Raphael " No babe, nasa tollgate na kami. Anong pangalan ng casa? Susunduin kita" Sagot ni Raphael sa kabilang linya. " Seryoso ka babe? Takang tanong nya sa kasintahan. " Yes. Kaya sabihin mo na saan banda yan para masundo na kita." Muling.sagot ni Raphael. " ABC Casa nasa side lang sya ng mall. mga ten minutes away lang sya from toll gate" Si Lyna. Pagkatapos nilang mag usap ni Raphael, agad nyang binalikan ang kausap na mekaniko. " Kuya mga anong oras po kaya matatapos bukas? " Mga ganitong oras din po." Sagot ng mekaniko Muli na namang sumingit sa usapan si Levi. " Ah Lyna yung sinabi ko kanina pwede naman kitang ihatid" " Dr. Cruz No need thank you. Kaya ko yung sarili ko" Sagot ni Lyna sabay talikod muli dito. " Kuya iwan ko na po yung sasakyan ko. Babalikan ko nalang po ng lunch bukas" Wika ni Lyna sa mekaniko ng casa. " Ok po ma'am. pa sign nalang po sa loob ng office." Na itinuro pa ang daan sa opisina. Kaagad namang tumalima si Lyna at sinundan pa sya ni Levi. Iniabot ng sekretarya ng casa ang mga papel na kailangan pirmahan ni Lyna. " Miss, para sa lahat ng charges, sya lahat magbabayad" Sabay turo nya kay Levi na agad naman lumapit sa kinauupuan nya. " Ah yes miss ako magbabayad" Sagot ni Levi. " Ahm Lyna yung offer ko na i service ka...." Si Levi na naputol na naman ang sasabihin dahil muling nag ring ang cellphone ni Lyna na agad naman nyang sinagot sabay irap pa nito kay Levi. " Babe" Sagot ni Lyna sa tawag. Sabay napalingon sa kanya si Levi na dumilim pa ang mukha. Lumabas si Lyna ng opisina ng makita na nakatayo na si Raphael malapit sa naka kalas na nyang sasakyan. Paglapit ni Lyna kay Raphael, hinagkan pa sya nito sa labi. " Babe, ang laki pala ng tama ng sasakyan mo sa likod. Sigurado ka hindi ka nasaktan?" Pag aalalang tanong nito. " Yes babe. Ok lang ako." Sagot naman nya. " Ok ka na? Nakausap mo na yung mekaniko? Shall we go? Medyo mainit na dito sa labas" Aya ni Raphael sa kanya at agad naman syang tumango bilang pag sang ayon. " Kuya, babalikan ko nalang po bukas" Pahabol pa nya sa mekaniko. Hinawakan pa ni Raphael ang kanyang kamay habang papunta sila sa nakaparada nitong sasakyan. Hindi man lumingon si Lyna, ngunit batid nya na nakatingin sa kanila si Levi. Tama ang hinala ni Lyna. Mula sa loob ng opisina ng casa ay nakasilip si Levi sa tinted na bintana habang tiim bangang nyang tinitingnan ang papalayo na si Lyna habang naka holding hands sa isang lalaki. " Sa Kilos, tindig at klase ng sasakyan nito. Idagdag pa ang mga naka buntot na body guard, Siguradong hindi basta basta ang lalaki na ito" Sa isip ni Levi. Tiim bagang nyang sinundan ng tanaw ang dalawa hanggang mawala ang mga ito sa paningin nya. " Sir? Tawag ng sekretarya ng casa habang iniaabot kay Levi ang credit card nito. Nagpasalamat sya dito at kaagad na umalis. Samantala.... " Babe bakit ikaw ang nag drive? wala ba si Mang Berto? Tanong ni Lyna kay Raphael. " Nasa kabilang sasakyan si Mang Berto. Si Mario ang wala nag karoon ng emergency. Naospital ang anak nya kaya pinag leave ko muna at ng mabantayan ng maayos ang anak nya" Sagot ni Raphael na nakatuon ang atensyon sa pag da drive. " Ah ok. Babe drop mo nalang ako sa office tapos ako ng bahala" Pahayag nya kay Raphael. " Hmmm papunta din ako sa office nyo. May appointment ako sa Boss mo" Bahagya pa syang nilingon nito tsaka pinisil ang kamay. " Biglaan yata? bakit di ko alam?" Kunwari ay nagtatampo pa sya na wika kay Raphael. " Nagusap kami kagabi. I told you hindi ako makakapag hintay ng 1 week para makalipat ka ng Manila. Nakangiti pang sagot ni Raphael. Nakarating sila ng opisina ni Lyna. Pagpasok, Nakatingin lahat ng kanyang mga kasamahan sa kanila. Masigla naman itong binati ni Raphael; " Good morning" " Good morning sir" Isa isang sagot naman ng kanyang mga ka opisina kay Raphael. Agad naman lumapit ang sekretarya ni Glenda na si Marian at itinuro kay Raphael ang daan papasok ng conference room kung saan nag hihintay si Glenda. Nang makapasok na si Raphael, hindi naka ligtas si Lyna sa panunukso ng mga kasamahan. " Ma'am Leyn ika na talagang malagu... Ka yummy ng Mr. Andrade grabe.. ( Ma'am Leyn ikaw na talaga ang maganda. Ang yummy ni Mr. Andrade grabe) " Sabi ng isa... " Ma'am pwede po akong mag abay? " Biro naman ng isa pa. Lalo pang umugong ang tuksuhan sa opisina kaya sinenyasan nya ang mga ito na hwag maingay. Tsaka mahinang kinikilig pa ang iba... "Have a sit Atty. Andrade" Bungad ni Glenda. " Alam kong tungkol kay Lyna ang pag uusapan natin. Don't worry it's your personal choice kaya wala naman akong say" Seryosong Pahayag ni Glenda. Ngumiti muna si Raphael bago magsalita. " Thank you Glenda. To make it straight to the point, I want and I lover her. Inaya ko na syang makipag live in and pumayag naman sya" " I know it's very urgent, Pero gusto kong lumipat na sya kaagad sa Manila this week. As much as possible two days from now." " Business woman ka kaya alam kong nagkakaroon ng impact sayo ang agarang pag alis ni Lyna sa company mo lalo na ang mga maiiwang trabaho niya." " Atty. Andrade abogado ka, alam mo ang proseso kapag may mga empleyado na nag reresign sa mga kumpanya. May pinirmahang kontrata si Lyna sa akin na dapat sundin. Unless ikaw ang mag adjust kung talagang gusto mong makasama si Lyna." May pagka sarkastikang sagot ni Glenda kay Raphael. " Yes you're right... Abogado ako at alam ko ang trabaho ko. Alam ko din kung paano laruin ang propesyon ko." Nakangising tugon ni Raphael. Kunot noong nakatitig lang si Glenda kay Raphael. Pilit nitong inaarok ang makahulugang salita ng kausap. " Are you a good kisser?? Or p**sy licker?" Nakangising wika ni Raphael habang derechong nakatingin kay Glenda. Napalunok si Glenda sa mga narinig na sinabi ni Raphael. " Anong alam ng aroganteng abogado na ito" Sa isip ni Glenda. " I told you Glenda, I know how to play my profession and I'm better with that. You kissed her.... Ah... No... Shall I say torrid kiss.. your assistant.... What's her name again???" Sarkastikong wika ni Raphael. " You cannot deny it Glenda... In our garden I saw you... You want proof??? Dagdag ni Raphael habang iniabot kay Glenda ang kanyang cellphone. Kinuha naman ni Glenda ang cellphone na inabot sa kanya ni Raphael. Natutop pa nya ang kanyang bibig ng makita ang mga larawan na nakasave sa cellphone nito. " Check mate!!! So What's your decision???" Napapikit si Glenda bago nakapag salita. " What do you want? " I want Lyna. I don't care kung anong gusto mong gawin sa kontrata nya at sa trabaho nya sayo. Basta I want her and I need her" Tumayo si Glenda at lumabas saglit sa conference room. Pag balik, kasama na nya si Lyna papasok. Naupo si Lyna sa tabi ni Raphael. " Lyna, Nagusap na kami ni Atty. Andrade. Nasabi na nya sa akin yung plano nyo na magsama na as live in partner. Well, it's your personal life kaya hindi ko kayo mapipigilan sa sa desisyon nyo na yun." Panimulang pahayag ni Glenda. Nakatitig lamang si Lyna sa kanya habang patuloy na nagsasalita. " I know and you know kung gaano kabigat yung obligations mo dito sa company. I decide na ilipat ka sa Makati office sa main office ng ating mother company. Doon ka na mag rereport para tuloy tuloy ka pa din makaka pag monitor sa mga local project natin. Mas makakabuti at mas mapapalapit sa bahay nyo ni Atty. Andrade" Mahabang paliwanag ni Glenda Biglang nagliwanag ang mukha ni Lyna sa narinig na mga sinabi ng kanyang boss. Kagabi pa nya iniisip kung papaano mag papaalam kay Glenda. " Talaga ma'am Glen?" Masayang tanong nya " Yes. Nasabi ko naman it's your personal life. I wish you happiness." Nakangiting tugon ni Glenda. " Thank you ma'am Glen" Tanging naisagot ni Lyna " You can file leave muna habang inaayos mo yung pag lipat sa Manila. Yung mga documents and computer mo ipapadala ko sa Manila na din para next week makapag umpisa ka na doon. Ok? " Pahayag ni Glenda tsaka tumayo na. " Ahhmm Atty. Andrade, Ikaw na bahala kay Lyna. Wish you all the best and happiness. Pahabol pa ni Glenda tsaka lumabas ng conference room. Hinarap naman ni Lyna si Raphael na noo'y walang pagsidlan ang sayang nadarama. " Babe papaano mo napapayag si ma'am Glen? Expect ko talaga mahihirapan akong mag paalam sa kaniya" " Naintindihan naman nya na in love tayo sa isa't isa kaya hindi na din sya kumontra." Nakangiting sagot ni Raphael. " Tara kumain muna tayo bago kita ihatid sa apartment mo" Yaya pa ni Raphael. Paglabas nila ng opisina papunta sa naka park na sasakyan ni Raphael, biglang lumapit sa kanila ang guard. "Ma'am Leyn may delivery po kayong bulaklak" Nakangiting sabi nito. Kumunot ang noo ni Raphael sa narinig " Huh? Babe galing sa iyo? " Baling na tanong ni Lyna kay Raphael. "No" Kunot noo at matigas na sagot nito. Iniabot na ng guard ang bouquet of tulips na may nakadikit pang note. Si Raphael ang kumuha at binuksan ang card. " Lyna, I'm sorry. Please give me another chance. Levi" Dumilim ang mukha ni Raphael at bahagya pang gumalaw ang mga panga tanda ng pag ngingitngit ng kalooban nito. Itinapon nya sa basurahan ang mga bulaklak tsaka inaya si Lyna na sumakay na sa sasakyan. " Let's go babe" Malamig na aya nito. Ramdam ni Lyna ang tensyon sa loob ng sasakyan. Ang kaninang masayang reaksyon ni Raphael ay napalitan ng seryoso at tahimik na reaksyon nya ngayon. Huminto sila sa isang restaurant. Pinagbuksan pa sya at inalalayan na bumaba sa sasakyan. Habang nasa loob ng restaurant pinakikiramdaman lang ni Lyna si Raphael. Natapos ang kanilang pagkain na wala syang narinig na kahit ano mang salita kay Raphael. Hanggang sa maihatid siya nito sa apartment. Hindi na makatiis si Lyna kaya sya na ang nagbasag ng katahimikan na namanagitan sa kanila. " Babe .. May problema ba? Tungkol ba ito sa mga bulaklak kanina?" Tanong ni Lyna Hindi sumagot si Raphael malalim lang ang tingin nito sa kanya at bigla din nagtanong; " Who's Levi? Sya ba yung ex mo? Malamig na tanong nito sa kanya. Humugot muna ng malalim na hininga si Lyna bago sumagot; " Yes." " So he's back? Kailan pa? " Malamig pa din ang tono ng boses nito. " Raph...." Hindi na natuloy ni Kyna ang sasabihin pa... " Lyna please I don't need long explanation, I just need your answer. Straight and honest answer" Seryosong pahayag ni Raphael. Gustong maiyak ni Lyna feeling nya hinuhusgahan sya ng kasintahan. " Yes, Levi is back. Sya yung naka bangga sa sasakyan ko" Pag amin ni Lyna na halos pinipigilan ang emosyon. Tumango tango si Raphael... " So nagkita na kayo? Nagkausap na kayo? Tama ba?" Sunod-sunod na tanong ni Raphael. " Raphael look... Nag usap kami yes, nagkita kami yes. Kasi nga kailangan nyang ipagawa yung sasakyan ko di ba.. Sinabi ko naman sayo di ba.. Ano ba to Raphael? " Halos nanginginig na ang boses ni Lyna. "Kung hindi ka pa sigurado sa akin Raphael, It's better to stop here." Iniwan ni Lyna sa sala si Raphael at nagkulong sa loob ng kwarto. Ilang minuto pa ang nakaraan at narinig ni Lyna ang pag alis ng sasakyan nila Raphael. Naluha nalang sya sa naging reaksyon at hakbang nito. " Baka nga hindi pa talaga sigurado sa kanya si Raphael" Sa isip ni Lyna. Naisipan nyang bisitahin sila Tita Carol at Ben upang mabawasan ang kanyang kalungkutan. Ilang minuto lang syang naghintay sa binook nyang grab taxi at agad itong dumating. Nag off din muna sya ng cellphone. " Lyna.." Masayang salubong ni Tita Carol sa kanya. " Nag commute ka lang ba? asan ang sasakyan mo?" Tanong pa nito. " Opo tita. Nasa casa nabangga po nung nakaraang araw" Paliwanag nya " Asan po si Tito Ben? Tanong nya habang palinga linga sa bahay " Ok ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Ay naku hija nag hatid ng order na mga kakanin sa kabilang baranggay. Maya-maya lang at andyan na rin yun. Kumain ka na ba? Eto ang negosyo ng mga magulang ni Bea ang mag paorder ng pancit at nga kakanin. " Hwag po kayong mag alala tita ok lang po ako" Nakangiti pa nyang sagot. " Halika na at maupo ka na dito. Tamang tama at may natira pang sobrang pansit na niluto ko kanina." Paanyaya pa ni Tita Carol habang inaayos ang lamesa. Maya-maya dumating na si Tito Ben. " Ben, halika at sumabay ka ng kumain sa amin. Andirito si Lyna" Sigaw ni Tita Carol. Masaya namang sumalo sa kanila si Tito Ben at nakipag kwentuhan. Hindi namalayan ni Lyna ang oras. " Tita, Tito uuwi na po ako madami pa po akong aayusin sa pag lipat ko sa Manila. Doon na po kasi ako na assign. Kung sakali po bibistahin ko po kayo every month" Pahayag ni Lyna ayaw muna nyang sabihin sa nga ito ang sana'y pagkikipag live in kay Raphael. " Lyna ihahatid ka na namin ni Tita Carol mo. Gabi na baka mapaano ka pa dyan sa daan." Sagot ni Tito Ben. " Oo nga hija. Matagal na din kaming di nakaka pasyal sa apartment mo." Dugtong pa ni Tita Carol. Hindi na tumutol pa si Lyna sa paanyaya ng mga ito gusto din naman nyang makasama pa ng matagal ang mga ito. Kung maaari nga lang dito sya matulog. Tahimik lang si Lyna sa loob ng sasakyan. Ginugulo pa din sya ng isip nya dahil sa inasal ni Raphael. "Bahala na, mag dadahilan nalang siguro sya kay ma'am Glenda kung sakaling di matuloy ang kanyang pag alis" Malayo pa ay nakita na ni Tito Ben ang dalawang sasakyan na nakaparada sa harap ng kanyang apartment. " May bisita ka ata Lyna? May nakaparada sa harap ng apartment mo" " Huh?" Nakita ni Lyna ang sasakyan ni Raphael at mga body guard nito. "Bumalik si Raphael" halos tumalon sa saya ang kanyang puso. Naunang bumaba si Lyna kasunod si Tita Carol. Inayos lang ni Tito Ben ang pagkaka park sa gilid at sumunod na ito sa kanila. " Babe.." Salubong ni Raphael na halatang malungkot ang mga mata. " Lyna bisita mo ba yang mga yan?" Pag aalalang tanong ni Tita Carol. " Opo Tita. Tita, Tito si Raphael po boyfriend ko. Raphael si Tita Carol at Tito Ben" " Lyna hija, pumasok muna tayo sa loob mukhang pinapak na ng lamok yang boyfriend mo" Wika ni Tito Ben. Pagpasok sa loob kaagad na nagmano si Raphael kila Tita Carol at Tito Ben. " Nice meeting you po" Wika pa niya sa dalawa. " Taga Saan ka ba hijo?" Tanong agad ni Tita Carol " Taga Makati po ako" Sagot naman ni Raphael. Iniwan na muna ni Lyna ang tatlo upang makapag kwentuhan. Makaraan ang ilang minuto, nakarinig si Lyna ng mahinang katok sa kanyang kwarto. Si Tita Carol. "Lyna hija. Sya na ba talaga?"Malumanay na tanong nito. Nakangiting tumango si Lyna. Hinawakan ni Tita Carol ang kamay ni Lyna. "Hija, masaya kami ng Tito Ben at muli mong binuksan ang puso mo. Mukha namang mahal ka din ni Raphael." Pahayag nito at nakangiti pa. " Kung ano man ang mangyari, tandaan mo andito lang kami ni Tito Ben ok!" Patuloy nito at niyakap pa ang dalaga. Umagos ang luha ni Lyna sa tinuran ni Tita Carol. Talagang itinuring na sya ng nga ito na parang tunaybna anak. Kulang na nga lang ay ampunin sya. " Thank you po tita" Bulong ni Lyna. " Itigil mo na yang iyak mo. Baka sumakit pa ang ulo mo. Hindi na kami magtatagal. Masyado ng gabi at baka mahirapan pa ang Tito Ben sa pag dadrive. Wika pa ni Tita Carol. Paglabas nila sa sala, nakalabas na din pala ng bahay si Raphael at Tito Ben. " Oh Raphael ikaw na ang bahalang mag alaga sa Lyna namin. " Wika ni Tito Ben at tinapik pa ang balikat nito. " Tito... Ingat po" Paalam ni Lyna. " Sige Raphael. Mauna na kami" Paalam ni Tita Carol. " Ingat po" Sagot naman ni Raphael. Hinintay ni Lyna na mawala sa kanyang paningin ang sasakyan ng mga ito bago muling pumasok sa loob ng bahay na kaagad naman sinundan ni Raphael. " Babe can we talk?" Malumanay na ang boses ni Raphael. Halata ang pagod na itsura nito at ang lungkot sa mata. Naupo si Lyna sa sofa at tinabihan pa ni Raphael. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Lyna at mariing hinalikan. Tahimik lamang si Lyna na pinagmamasdan ang kasintahan. " Babe .. I'm sorry. Hindi ko alam yung gagawin ko kanina ng hindi kita macontact. Hindi ko alam saan kita hahanapin.. I'm sorry..." Malungkot na saad ni Raphael. Halos madurog ang puso ni Lyna sa sinabi ng kasintahan. " Raphael. Nakaraan na si Levi kaya wala ka ng dapat ikaselos sa kaniya." Malumanay na saad ni Lyna kay Raphael Tumango tango naman ito at mahigpit syang yinakap. Maya-maya ay kumalas si Lyna sa pagkakayakap ng kasintahan. " Babe, oras na hindi ka pa babalik ng Manila?" Pag aalala nyang tanong. " No Babe, I decide na dito na ko matutulog, Para ako na mag dadrive sayo bukas pag kuha mo sa sasakyan. Tsaka para matulungan kitang mag empake" Sagot ni Raphael. " Sure ka? Wala kang appointment or hearing bukas?" Muling tanong ni Lyna Umiling lang si Raphael. " Kahit meron ika cancel ko para sayo. Sorry ulit babe" Wika pa nito. " It's alright babe" " Papano pala sila Mang Berto?" Dugtong nyang tanong. " Umalis na sila. Babalik sila bukas ng umaga" Sagot naman ni Raphael. Nakabalot ng kumot at parehong walang saplot na magkayakap sa kama sila Raphael at Lyna. Kakatapos lang nilang mag niig. " Babe, maliit lang yung kama ko. Baka hindi ka komportable" Pag aalalang wika ni Lyna. Si Raphael na nakapikit na habang hinahaplos ang braso ni Lyna; " It's alright babe. Kahit sa lapag pa yan, basta ikaw yung kasama ko komportable ako" Sabay ginawaran pa sya ng halik nito sa buhok. Lalo pang hinigpitan ni Lyna ang yakap kay Raphael. Tumatalon ang puso nya sa saya. Buo na ang kanyang loob. Maghihintay sya hanggang dumating ang araw na maghilom ang sugat sa puso ni Raphael at alukin sya ng kasal nito. Sa ngayon, kontento na sya magsasama na sila.... Nagising si Lyna ng maramdaman nya ang mga halik na dumadampi sa kanyang likod paakyat sa kanyang batok hanggang tenga. " Si Raphael ang aga aga gusto na naman maka iskor" Sa isip nya. Nakangiti syang humarap dito habang hinaplos pa ang mukha. Laking gulat nya ng ang nakangiting si Levi ang kaharap nya. " Good morning sweetheart" Bulong pa nito sa kanya. Pawisan at habol ni Lyna ang hininga pag dilat ng mga mata. Panaginip.... TamaPanaginip lang ang lahat. Tiningnan ni Lyna ang alarm clock na naka patong sa side table ng kanyang kama, alas nuebe y medya ng umaga. Wala na si Raphael sa tabi nya. Naamoy ni Lyna ang masarap na amoy na naggagaling sa labas. Agad syang nagsuot ng underwear at loose tshirt tsaka lumabas na ng kwarto. Si Raphael na naka boxer lang, habang nagluluto. Hindi nito napansin na nakatayo na sya malapit sa pinto ng kanyang kwarto. Pinagsasawa nya ang kanyang mga mata sa kabuuan nito. " Gosh....Kahit ano pang suot nya mukha syang mabango. Kaya kahit anong oras nya ako ayain hindi ako makatanggi" Isip ni Lyna habang napakagat labi pa. " Hey... babe.. are you ok?" Nakalapit na pala ito sa kanya at hinawakan pa ang kanyang mga pisngi tsaka hinalikan sa labi. " It's too early para pag pantasyahan mo ako" Nakangiting biro nito sa kanya. Natawa sya sa sinabi nito. " Grabe ka" Sabay palo pa nya sa braso nito. " Breakfast na tayo." Aya nito sa kanya. Masaya silang nag almusal at pagkatapos ay magkatuwang na niligpit ang mga pinagkainan at pinaglutuan. Hindi talaga kayang palampasin ni Raphael ang araw na magkasama sila ni Lyna na walang nangyayari sa kanila. Sabay silang naligo at napuno ng ungol ang kabuuan ng banyo... Habang nasa byahe.... " Mang Berto ikaw na yung mag drive ng sasakyan ni Lyna pabalik ng Manila. Ako na mag dadrive nito pauwi" Pahayag ni Raphael sa kanyang driver. " Sige boss" Sagot ni Mang Berto na bahagya pang tiningnan si Raphael sa rear view mirror. Maluwag ang ngiti ni Levi ng makita ang pagbaba ni Lyna ng sasakyan at naglakad papalapit banda sa kinauupuan nya. Napawi naman kaagad ang kanyang ngiti ng makita ang kasunod na lalaki sa likod ni Lyna. Malayo pa lang ay nakita na ni Lyna si Levi. Nang makalapit ay hindi man lang nya ito tinapunan ng tingin. Ayaw din nyang magkaroon ngvtensyon sa pagitan nito at ni Raphael. Kaya nagpanggap sya na hindi nya ito kakilala. Alam nyang nakatingin ito sa kanya... Sa kanila ni Raphael. Lumapit sya sa mekaniko na nag asikaso sa sasakyan nya. " Hi Kuya. ok na po? Tanong nya dito" " Ay opo ma'am. Saglit lang po ipapakuha ko ang susi" Sagot naman ng kanyang kausap. Habang naghihintay, biglang nag ring ang cellphone ni Raphael. " Hello... Yes.. This is Atty. Raphael Andrade" Sagot ni Raphael sa kausap sa kabilang linya at bahagya pang lumayo. Ilang saglit lang at dumating na ang taong may dala ng susi ng sasakyan. " Ma'am eto na po. Pa sign ko nalang dito ma'am katunayan na kinuha nyo na yung sasakyan" Kaagad naman pinirmahan ni Lyna ang inabot na dokumento. Nasa tabi na din nya si Mang Berto kaya ibinigay nya ang susi dito. " Ma'am dederecho na po ba kayo ng Manila ni Boss? Sa condo ko na po i park itong sasakyan?" Tanong ni Mang Berto sa kanya. " Ah may bibilhin lang po kami saglit tapos derecho na po kami ng Manila. Sige po. Sa condo nyo nalang po i park" Magiliw na sagot ni Lyna. " Copy ma'am" Masayang sagot naman ni Mang Berto. Pinagpagan naman muna ni Mang Berto ang loob ng sasakyan ni Lyna habang nauna namang umalis ang nga ito sa kanya. Sa Manila na sila mag kikita kita Lumapit sa kanya ang kausap na mekaniko ni Lyna kanina. " Boss... Amo mo yata yun?" Tanong nito " Sino? Si ma'am Lyna? Oo Asawa nung boss kong lalaki yung nakatayo jan kanina" Wala sa loob na sagot ni Mang Berto tsaka sumakay na sa sasakyan at umalis sa lugar. Samantala, tahimik lang na nakikinig si Levi sa lahat ng usapan sa casa. Kasama na na ang pangalan pala ng kasamang lalaki ni Lyna ay si Atty. Raphael Andrade na asawa daw nya ayon sa driver nito. Pumasok si Levi sa opisina ng casa at nilapitan ang babae na nakaupo sa reception desk. " Miss. pwede ko bang picturan yung papel na pinirmahan nung babae na kumuha ng sasakyan kanina? Kailangan ko lang ipakitang proof sa boss ko na talagang napagawa yung sasakyan" Pag dadahilan ni Levi. Pero ang totoo, Gusto lang nyang makasigurado. " Ah sige po.. Eto po sir" Pagpayag ng babae sabay abot ng file. Kunwari ay pinicturan ni Raphael ang mga pinirmahan ni Lyna. Ang totoo binasa lang nya ang pangalan na nilagay ni Lyna sa form. " Thank you miss" Ibinalik ni Levi sa babae ang form sabay labas ng opisina. Lyna Marie Dizon " Dizon... Dizon pa din ang ginagamit na surname ni Lyna at hindi Andrade. So anong ibig sabihin? Hindi pa kasal si Lyna" " Ano bang totoo Lyna?? Sino yang Atty. Raphael Andrade na yan?" Tanong sa sarili ni Levi.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD