Ilang linggo ng parating masama ang pakiramdam ni Lyna. Pakiramdam din nya ay masyado syang nagiging emotional. Masyado syang affected kahit sa maliliit na bagay lang.
Ayaw man nya ngunit hindi sya makatanggi. Pinakiusapan kasi sya ni Raphael na sya muna ang mag attend sa gift giving sa bahay ampunan na parating ine sponsoran ng kumpanya nila Raphael.
Kasama ang mga iba pang staff, abogado, ibang kliyente ng kumpanya at mga magulang ni Raphael ay kailangan nilang pumunta ngayon araw sa bahay ampunan.
Napilitan bumangon si Lyna upang maghanda. Si Raphael naman na hanggang ngayon ay tulog pa dahil anong oras na naman ito nakauwi kasi kagabi.
May naramdaman namang kurot sa puso si Lyna kapag naiisip kung saan nagpupunta si Raphael kapag ginagabi ito ng uwi.
Pumasok na sya sa banyo bago pa makita ni Raphael na umiiyak sya.
Pilit nyang pinapakalma ang sarili habang ang hubad na katawan ay nakatapat sa shower na nagbubuga ng maligamgam na tubig.
Hindi naman sya dating ganito ngunit nito lamang mga nakaraan ay sobrang emosyonal siya.
" Marahil ay sa tindi ng selos nya kay Elise."
Pilit nyang pinasisigla ang sarili. Lumapit sya sa himbing na himbing na si Raphael.
" Babe" Tinapik pa nya ito ng bahagya.
" Hmmm babe... aalis ka na?" Sagot naman nito sa kanya na nakapikit pa din ang mga mata.
" Yes" Maikli naman nyang sagot.
" Ok. I will call you later. Thank you babe" Tsaka muli itong bumalik sa kanyang pagtulog.
Binabagtas na ni Lyna ang daan papunta sa bahay ampunan ng biglang pumutok ang gulong nya sa likod.
" Shhhuccckkks!!! Hay pag minamalas ka nga naman" Wika nya sa sarili.
Pinilit nyang itabi sa gilid ng daan ang sasakyan.
Sinubukan nyang tawagan si Raphael. Maka limang beses ngunit hindi ito sumasagot. Nag ngingitngit na sa inis Si Lyna. Kung kailan wala pa naman masyadong dumadaan.
Biglang may humintong pick-up at bumaba ang driver. Si Levi.
" Lyna may problema ba?"
Walang magawa si Lyna kung hindi sagutin ito.
" Na.... na flat" Mahina ang kanyang boses
Sinipat sipat pa nito ang gulong ng sasakyan tsaka muling bumaling sa kanya.
" Ok ka lang? Hindi ka nasaktan? May pag aalala sa boses nito.
Tumango lang sya.
" Walang mga shop dito sa lugar. I pa tow na natin para mapaayos kaagad. May kakilala ako. Sandali tatawagan ko."
Lumayo pa ito ng konti sa kanya habang kausap ang towing service.
Maya-maya ay lumapit na muli ito sa kanya
" Ok na. Hintayin nalang natin" wika nito sa kanya.
" Ok na ako Levi. Ako na ang maghihintay sa towing service. Baka malate ka sa pupuntahan mo" Sagot naman nya dito.
" It's alright Lyna. Antabayanan na kita. Baka mapaano ka pa dito walang masyadong dumadaan pa naman" Nakangiting sagot nito kay Lyna.
Ilang minuto lang silang naghintay at dumating na ang towing service. Si Levi na ang nakipag usap at nagbigay ng instruction dito.
" Tara Lyna, hatid na kita. Saan ka ba papunta?" Si Levi.
" Sa child care center. May gift giving kasi yung company nila Raphael kaya kailangan kong pumunta." Sagot nya
" Talaga? tamang tama papunta din ako doon. In invite ako ni Atty. Rodolfo Andrade" Masayang sagot ni Levi habang pasulyap sulyap pa kay Lyna.
Hindi na sumagot si Lyna. Binaling nalang nya ang kanyang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Nang dumating sila Lyna, halos nag uumpisa na ang programa. Dire derechong naglakad si Lyna papunta sa pwesto kung nasaan ang mga magulang ni Raphael.
Lumapit naman si Atty. Kyle Villegas kay Levi. Tsaka ngumiti ng nakakaloko sa kanya.
" Gago" Natatawang bato naman nya kay Atty. Villegas.
Tinawag ng emcee si Lyna sa harap upang ipagbasa ng kwento ang mga bata. Masaya naman syang lumapit dito. Nagtawag pa ng isang volunteer ang emcee at kaagad namang nagtaas ng kamay si Levi.
Agad syang pumunta sa harap at tumabi kay Lyna.
Si Lyna ang nagbabasa ng kwento habang si Levi naman ang nag a action.
Napuno ng halakhakan ang buong lugar. Pati ang mga kasama nilang iba pang abogado at mga magulang ni Raphael ay nag enjoy sa maikling kwento na binasa ni Lyna para sa mga bata.
Pati si Lyna ay hindi maiwasang mapangiti. Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang lungkot.
Habang abala sa pag aayos ng mga regalo na ipamimigay sa mga bata. Lumapit si Donya Ramona kay Lyna.
" Lyna hija. mauna na kaming umalis ng papa mo. May naka schedule kasi syang check up ngayon" Paliwanag ng donya.
" Ay ok lang po ma, tatapusin ko lang po na maipamigay ang mga regalo pag katapos ay uuwi na din po ako" Nakangiting tugon nya dito.
" Salamat hija. Ok mauna na kami." Paalam pa nito.
Hindi na nya sinabi dito na wala syang dalang sasakyan at ayaw naman nyang mag alala pa ito sa kanya.
Lumapit si Levi sa kanya.
"Ako na maghahatid sayo Lyna. Para makuha mo na din yung sasakyan mo" Pahayag nito sa kanya.
" Salamat." Maikli naman nyang sagot.
Kahit ayaw nyang kausapin o tingnan si Levi pero wala syang magawa dahil alam nyang kailangan naman nya talaga ang ino offer nito sa kanya.
Nang matapos ang programa, isa isa nang nag alisan ang mga kasama nila Lyna.
" Gusto mo ng umuwi? " Tanong sa kanya ni Levi
Tumango naman sya dito. Pinagbuksan pa sya ng pinto nito para makasakay sa sasakyan, na madalas naman nitong ginagawa noong magkasintahan pa sila.
Tahimik lang sila pareho sa loob ng sasakyan hanang nag ba byahe. Si Levi na hindi makatiis ay nagtanong kay Lyna.
" So kailan ang kasal nyo ni Atty. Raphael?
Lumingon muna si Lyna kay Levi bago sumagot.
" Wala pang fixed date. Pero inaayos na namin" Sagot naman niya.
Tumango tango lang si Levi na nakatuon ang mga mata sa pag da drive.
Maya maya pa ay muling nagsalita si Levi.
" Lyna alam ko galit ka sa akin. If you don't want to be my friend, atleast forgive me please" May lungkot sa tono ni Levi
Hindi makasagot si Lyna. Totoo naman ang sinabi ni Levi. Hanggang ngayon galit pa din sya dito.
Biglang hininto si Levi ang sasakyan sa gitna ng daan.
" Levi ano to? Anong problema mo?" Pagalit na tanong nya dito.
" Kapag hindi mo ako pinatawad Lyna hindi ko papaandarin itong sasakayan" Pananakot ni Levi sa kanya.
" Siraulo ka ba? Galit pa din na wika ni Lyna.
Samantala ang mga sasakyan naman na nasa likuran nila ay sunod sunod ng nagbubusina.
" Ok fine. Sige pinapatawad na kita." Napilitang sagot ni Lyna.
" Talaga? baka mamaya iiwasan mo na naman ako at hindi kakausapin" Pahayag na naman ni Levi.
" Oo na Levi please wag kang makulit. Nakakahiya na sa ibang sasakyan" Wika ni Lyna.
Kaagad naman pinaandar ni Levi ang sasakyan. At nakahinga na ng maluwag si Lyna.
" Kahit kailan ganito pa din sya. Tuwing gusto nyang patawarin ko sya hinihinto nya ang sasakyan sa gitna ng daan at hindi papaandarin hanggat di ko napatawad" Sa isip ni Lyna.
Nakahinto sila sa kahabaan ng traffic malapit sa isang Malaking ospital sa Makati. Namataan ni Lyna ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa gilid ng ng entrance ng ospital.
Kitang kita ni Lyna si Raphael bitbit ang isang bata na inalalayan pa nya papasok sa kanyang sasakyan. Kasunod nito ay ang isang babae na pamilyar din sa kaniya... si Elise....na sumakay sa loob. Habang si Raphael ay pumuwesto sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.
Hindi namalayan ni Lyna ang mabilis na pagtulo ng kanyang mga luha.
Nanginginig nyang kinuha ang cellphone sa bag at dinial ang number ni Raphael.
Sumagot naman ito agad.
" Asan ka?" Malamig nyang tanong dito habang panay ang tulo ng luha.
" Babe I'm driving pabalik na din ako ng condo. Medyo Traffic lang pauwi ka na?"
" Magkita tayo ngayon. Ngayon mismo sa coffee shop malapit sa hospital" Sagot ni Lyna habang pinipigilan ang emosyon
" Babe I can't naiipit ako sa traffic. Give me 1 hour" Sagot ni Raphael.
" No Raphael. I want now.... I can't wait 1 hour. I want now" Nag hi hysterical na sya sa loob ng sasakyan ni Levi.
" Babe... what's going on? Tanong nito sa kanya. Hindi na nya ito sinagot dahil sa hindi mapigilang emosyon. Galit at sakit ang nararamdaman nya ngayon.
Nakabuntot pa din ang sasakyan ni Levi sa sasakyan ni Raphael. Ng biglang tumabi ito sa gilid at nag hazard. Bago linampasan ni Levi ang sasakyan ni Raphael binusinahan muna nya ito ng mahaba.
Pati si Levi ay nasaktan sa nakitang reaksyon ni Lyna.
Samantala,
" Elise can you take taxi with Jam. May emergency lang si Lyna.
Hindi na nakasagot pa si Elise dahil bumaba na si Raphael at pinara sila ng taxi.
Naghanap ng pinaka malapit na U-turn si Raphael para makabalik sa coffee shop na sinasabi ni Lyna. Nagmamadali sya. Ramdam nya ang galit sa boses ni Lyna habang kausap nya ito.
Pagka park.Pumasok sya agad sa loob at pilit na hinahagilap ng mga mata si Lyna. Sinubukan nya itong tawagan hindi sumasagot...
tinext nya.. " Babe I'm here na, where are you?" Tinawagan nya ulit, ngunit hindi ito sumasagot.....
" Lyna are you ok?" Tanong ni Levi
" Just drive" Malamig na sagot ni Lyna.
" Where do you want to go?" Muling tanong ni Levi...
" I said just drive...just drive.... just drive" Humahagulgol na si Lyna.
Walang magawa si Levi kung hindi mag drive. Pakalat na ang dilim, hindi alam ni Levi kung saan dadalhin si Lyna huminto sila sa gilid ng kalsada.
Pinabayaan nya munang umiyak ng umiyak si Lyna para mailabas ang sakit na nararamdaman nito. Ilang minuto din ang nakalipas. Nang tuluyan ng tumahan si Lyna. Naglakas na ng loob si Levi na kausapin ito.
" Lyna ok ka na?"
Hindi sumasagot si Lyna.
" Ok sasamahan muna kita hanggang maging ok ka. Just tell me pag ok ka na" Wika ni Levi.
" Iuwi mo na ako" Mahinang wika ni Lyna
" Ok, saan? Sa Pampanga ba?"
Umiling si Lyna " Iuwi mo na ako sa condo ni Raphael"
" My God Lyna kitang kita mo ng niloko ka,babalikan mo pa din sya?" Galit na wika ni Levi
Nag umpisa na namang tumulo ang luha ni Lyna.
Napapikit nalang si Levi at sinabunutan ang sariling buhok.
" Ok... Fine... fine... Iuuwi na kita kay Raphael. But please, please.... call me kapag hindi mo na kaya. Babawiin kita sa kanya no matter what"
Naiinis na in start ni Levi ang sasakyan at pinaandar pabalik.
" Saan ang condo nyo?" Tanong ni Levi.
" Grand Primea" Sagot lang ni Lyna.
Nakarating sila sa condo building na hindi nag iimikan.
" Lyna, are you sure you're ok? Gusto mong ihatid kita sa taas?" Pag aalalang tanong ni Levi
" No need. Thank you." Tsaka bumaba ng sasakyan si Lyna. Sa Lobby sya dumaan paakyat sa unit nila ni Raphael.
Narinig ni Raphael ang pagtunog ng door lock. Patakbo nyang Tinungo ang pintuan.
" My God Babe... What happened? Pag aalalang tanong ni Raphael kay Lyna.
" Babe??? umiyak ka ba?" Sunod sunod na tanong ni Raphael.
Dire-derecho lang pumasok si Lyna sa loob ng kwarto. Hindi nya pansin si Raphael.
Nag init ang ulo ni Raphael sa inaasal ni Lyna kung kaya'y pasigaw nya itong tinanaong.
" What's your problem Lyna??? Ano ba to?? Cold treatment??? For What??"
Huminto si Lyna ng marinig ang pag sigaw ni Raphael. At Humarap sya dito.
" What's my problem?? Seryoso ka ba? Raphael?" Nakangising wika ni Lyna habang mabilis na pumapatak ang luha sa pisngi.
" F*ckkkk.. Paano ko malalaman kung di mo sasabihin? Hindi ako manghuhula Lyna... I have no time for this" Muling sigaw ni Raphael.
Nag init ang mukha ni Lyna sa mga narinig kay Raphael..
" Of course you have no time for this... Dahil na kay Elise at sa anak nya yung time mo!!!" Sigaw na rin ni Lyna
" What?" Halos pabulong na nausal ni Raphael.
" Nagulat ka ba? Akala mo hindi ko malalaman? Akala mo hindi ko makikita? Habang sumabog ang gulong ng kotse at tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot kasi nga you have more time for Elise ang you have no time for this. Habang pagod na pagod akong tumutulong sa mga pa charity mo pero hindi mo man lang ako naalalang kamustahin kung ano ng ginagawa ko doon because you have more time for Elise and you have mo time for this. Na kaya mong ipagpalit yung sanadaling magkasama tayo sa Tagaytay para puntahan si Elise at ang anak nya because you have more time for them and you have no time for this.... Kailangan ko bang manglimos ng oras mo Raphael???" Hindi na napigilan ni Lyna ang emosyon nya parang bombang sumabog.
" The worst thing??? Alam mo.... Nag sinungaling ka pa... Pauwi ka na??? Pero kasama mo sa sasakyan si Elise at ang anak nya.Bacause you have no time for this...." Nag breakdown na si Lyna. Sobrang punong puno na sya ng galit.
Parang sinampal sa mukha si Raphael sa mga narinig kay Lyna. Hindi nya alam na may kinikimkim na pala ito sa kanya. Hindi nya alam na nakita pala sya nito kasama si Elise.
Linapitan ni Raphael si Lyna na nakalugmok na sa sahig. Yinakap nya ito ng mahigpit...
" Babe... I'm sorry... I'm sorry... Hindi ko sinabi sayo dahil ayokong mag selos ka kay Elise. I just helped her. Naawa ako sa bata.... sa anak nya... kay Jam. May medical heart condition si Jam. Kamamatay lang ng asawa ni Elise na si James. Naaawa lang ako sa bata babe.. Believed me." Umiiyak na din si Raphael.
Kinuha ni Raphael ang dalawang kamay ni Lyna at sinasampal sa kanyang mukha.
" Sige babe... saktan mo ko, sampalin mo ko, suntukin mo ko. I admit kasalanan ko hindi ko sinabi sayo. Napakalaki kong bobo... Hindi ko naisip ang mararamdaman mo.. Sige na babe saktan mo ko.. Hindi ko na ulit pupuntahan si Jam... Hindi ko na sila ulit tutulungang pumunta sa ospital kung yun ang gusto mo. Just please forgive me babe ... Patuloy ang pag iyak ni Raphael.
Ilang minuto din nakayakap lang si Raphael kay Lyna.
" Magpapahinga na ako Raphael" Wika ni Lyna na itinulak pang bahagya palayo si Raphael sa kanya.
Tumayo si Lyna at kumuha ng pampalit na damit. Dire-derecho syang pumasok sa banyo para magbihis. Kayari, nahiga na sya sa kama at pinilit matulog.
Si Raphael naman ay tumabi sa kanya at mahigpit syang yinakap. Pareho silang nakatulog sa ganoon posisyon.
Wala pa ring gana si Lyna pag gising nya ng umaga.
" Babe ako ng maghahatid sayo sa office" lambing ni Raphael sa kanya. Ngunit hindi sya kumibo. Wala rin naman syang choice dahil hindi nya nakuha ang sasakyan nya kahapon na pina tow ni Levi.
Hanggang pagbaba nila sa parking aat pagsakay sa sasakyan ay hindi nya kinikibo si Raphael.
Naihatid sya sa opisina ni Raphael ng wala silang kibuan.
Tinangka ni Raphael na halikan sya bago bumaba ng sasakyan ngunit umiwas sya.
" Babe susunduin kita mamaya" Wika ni Raphael bago sya makababa. Para naman syang bingi na walang narinig at hindi man lang sumagot.
Nakapasok na sya sa loob ng building na hindi man lang nililingon si Raphael.
Buong araw walang ganang magtrabaho si Lyna. Parang hinihintay nalang nyang matapos ang oras at makauwi na.
Sinilip nya ang kanyang personal email.
May reply mula sa link na sinend nya.
Natanggap sya!!! Maghihintay na lang sya ng 2 weeks para ma process ang working visa and contract nya.
Imbes na maging masaya, lalong nalungkot si Lyna.
" Lyna desidido ka na ba talagang iwan si Raphael? hindi mo ba talaga sya mapapatawad? Hindi mo na ba sya mabibigyan. ng second chance?" Mga tanong na naglalaro sa isip nya.
Talgang nasaktan sya ng makita nya kung gaano ka concern ito sa anak ni Elise. " What more kung anak pa nya ito? Baka kung papiliin nya si Raphael yung bata pa ang piliin nya?" Sigaw na naman ng utak nya.
5:30 na ngunit wala pa si Raphael. Ang sabi nito ay sya ang susundo kay Lyna. Isa isa ng nag uuwian ang ibang staff na kasama ni Lyna sa opisina.
" Ma'am Leyn hindi ka pa po uuwi?" Tanong ni Jay R na isang sales personnel sa kanilang opisina.
" Ah maya-maya may tinatapos lang ako." Sagot naman nya.
Pinipigilan nya ang sarili na tawagan si Raphael.
Maya-maya pa ay kumatok ang gwardiya sa opisina nya.
"Ma'am may naghahanap po sa inyo" Wika ng gwardiya.
Napakunot ang noo ni Lyna dahil wala naman syang inaasahan na bisita. Napatingin sya sa wall clock 5:50
Pumasok ang humahangos na si Mang Berto...
Napatayo si Lyna sa kinauupuan.
" Mang Berto? May nangyari ba??" Kinakabahan na si Lyna
" Ma'am si sir Raphael..." Hindi na natapos ni Mang Berto ang sasabihin.
" Asan sya? asan sya?" Naiiyak na si Lyna.
Patakbo siyang bumaba sa building ng opisina.
" Mang Berto bilinisan nyo po" Nanginginig na utos no Lyna sa driver.
"Opo ma'am, Eto na po"
" Nasaan po sya?" Hindi na mapigilan ni Lyna ang pagdaloy ng luha. Parang pinagsisisihan nya na hindi sila nagusao ng maayos ni Raphael.
" Nasa opisina po si sir Raphael tumawag lang po si ma'am Karen nagkalat daw po ang dugo sa opisina" Sagot naman ng driver.
" Lord please..." Nausal ni Lyna.Kung ano anong negative na bagay na ang naiisip nya.
" Na baka dahil hindi nya kinakausap ay nag suicide ito."
" O baka may naka aaway tapos pinuntahan sa opisina tapos pinag tangkaan patayin ito"....
Patakbo na ding bumaba si Lyna sa sasakyan ng makarating sila sa building ng opisina ni Raphaels.. Hinabol ba nito ang papasarang elevator na paakyat.
Nanginginig na ang buong katawan ni Lyna at nanlalamig sya sa nerbyos.
Pagdating sa palapag kung nasaan ang office ni Raphael, nakit pa ni Lyna na nakatayo sa labas si Karen habang may mga hawak na mga tela na may bahid ng dugo..
Saglit na natigilan sa Lyna.
" Karen asan si Raphael? Umiiyak na si Lyna.
Tinungo nya ang nakapinid na pinto ng opisina si Raphael at dali daling pumasok sa opisina.
Hindi nya sigurado kung kakayanin nyang makita na may masamang nangyari kay Raphael...