Madilim sa silid at tanging spot light lang ang nakatutok sa isang bilog na lamesa sa gitna ng opisina ni Raphael.
Sumulpot ang isang anino sa likod ni Lyna at bigla syang kinabig nito paharap tsaka yinakap ng mahigpit.
Bumulong pa ito ng pakanta sa kanya.
"Please forgive me, I know not what I do
Please forgive me, I can't stop loving you
Don't deny me, this pain I'm going through
Please forgive me, if I need you like I do
Please believe me, every word I say is true
Please forgive me, I can't stop loving you. I'm sorry babe... I love you so much"
Mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Raphael.
Mahigpit ngunit hindi masakit.
Mahigpit na halos mapawi ang lahat ng nadarama nyang sakit.
Tuluyan ng umiyak si Lyna. Iyak kasabay ng sunod sunod na pag hikbi nya.
" Babe... I'm sorry.... Please do not' cry" Pag aalo ni Raphael sa kanya at hinalikan pa sya sa noo.
Patuloy pa rin ang pagluha ni Lyna habang nakasubsub sya sa malapad na dibdib ni Raphael.
" Why babe... You can't forgive me?" Malungkot na tanong ni Raphael
Umiling iling lamang si Lyna.
" Then Why you're still crying?" Pag aalalang tanong ni Raphael
Biglang tumingala si Lyna para tingnan ang mukha ni Raphael at bigla nya itong pinagsusuntok sa dibdib.
" Ikaw kase...... pinaiyak mo ko.... Akala ko may nangyari ng masama sa iyo..." Saad ni Lyna habang tuloy tuloy pa din ang kanyang pag iyak.
Napatawa si Raphael na hinawakan ang magkabilang pisngi ni Lyna tsaka ginawaran ng matamis na halik sa labi. Madiin at punong puno ng pagmamahal. Pakiramdam ni Lyna ay napawi lahat ng sakit na nararamdaman nya sa mga oras na iyon.
Sandaling pinakawalan ni Raphael ang mga labi ni Lyna.
" Nag alala ka ba kung anong nangyari sa akin?" Malambing ang tinig na tanong ni Raphael.
Muling tumango si Lyna. Habang nakatitig sa mukha ni Raphael.
" May nangyari ba sayo?
" Wala.. ano namang mangyayari sa akin? Andito lang ako sa opisina?" Nakangiti si Raphael
" E bakit may hawak na tela na puno ng dugo si Karen? Tanong ni Lyna na lumuluha pa din.
" Ah, hindi dugo yun. Natapon yung cranberry juice na binili ko kanina kaya pinapunasan ko sa kanya." Paliwanag ni Raphael.
" E bakit sabi ni Mang Berto may nangyari daw sayo? Puro dugo ka daw dito sa office ng makita ka ni Karen" Muling tanong ni Lyna.
" Hahahahaha si Mang Berto talaga pwedeng artista. Sabi ko gumawa lang sya ng kwento para sumama ka sa kanya dahil may surprise ako. Pero hindi ko alam na ganun pala ka exaggerated yung gagawin nya" Natatawang sagot ni Raphael.
Pinunasan ni Raphael ang mga bahid ng luha na umagos sa pisngi ni Lyna tsaka muli nyang ginawaran ng halik ang pinaka mamahal nya. Matagal... Mainit.... at Punong puno ng pagmamahal...
Animo'y dinuduyan ang pakiramdam ni Lyna.
Sandaling inihinto ni Raphael ang halik kay Lyna.
" C'mon babe, I have something to show you" Aya ni Raphael sa kanya, habang hawak pa ang kanyang kamay papalapit sa lamesa at upuan na naka set up sa gitna ng opisina nito.
Inalalayan pa ni Raphael na makaupo si Lyna.
Pagkatapos ay may kinuha ito sa loob ng bulsa ng kanyang suit. Unti-unting kinabahan si Lyna ng makita ang maliit na kahon.
Ng lumuhod na si Raphael sa harap nya hindi na naman nya napigilan ang pag agos ng luha.
" Babe, I know I am not perfect. For the short period of being your boyfriend, I tried my very best to make you happy. Although all the times I am so inconsiderate. But one thing I am sure. That my feeling for you is pure. I am ready to spend my whole life with you." Hindi pa man tapos ni Raphael ang sasabihin ng biglang natanggal sa pagkakalagay ang singsing sa kahon at gumulong sa sahig.
"Shiiiiiit...." Mura ni Raphael.
Hindi naman maiwasan ni Lyna ang mapatawa habang umiiyak.
" Wait lang babe...." Wika ni Raphael kay Lyna.
Nakaupo lang si Lyna habang pinapanood ang kasintahan sa paghahanap ng gumulong na singsing.
Tinanggal pa ni Raphael ang suit nito at sinisilip ang mga ilalim ng lamesa at mga upuan upang hanapin ang singsing.
Hindi na nakatiis pa si Lyna kaya tinulungan nyang maghanap si Raphael.
Binuksan pa nila ang lahat ng ilaw sa loob ng opisina.
Suklab dito... suklab doon.
" Babe nakita mo?" Tanong ni Raphael
" Hindi pa babe saan ba gumulong?" Sagot at tanong din ni Lyna
" Dito lang" Sagot ni Raphael.
Kinuha pa ni Lyna ang cellphone flashlight para silipin sa mga sulok sulok.
Hinubad na din ni Lyna ang suot na heels para maging komportable ang paghahanap.
Nasa ganoon silang eksena ng mapasukan sila ni Don Rodolfo kasama si Atty. Montecarlo at Donya Ramona.
" Por Diyos Por Santo, Raphael, Lyna anong ginagawa nyo? Bakit ang gulo ng opisina? Gulat na tanong ni Don Rodolfo.
" Atty. Are you playing hide and seek?" Biro naman ni Atty. Montecarlo
" Pa, may hinahanap kami" Sagot ni Raphael na hindi man lang tumingin sa mga ito.
" Jusmiyo Lyna, Nakatapak ka pa hija. Ano bang hinahanap nyo?" Tanong ni Donya Ramona.
" Singsing po ma" Sagot naman ni Lyna na hindi din nakatingin sa kanila.
" Anong singsing?" Sabay na tanong ni Don Rodolfo at Donya Ramona.
Saglit na huminto si Raphael at tumayo na nakapamewang pa.
" Kaysa tanong kayo ng tanong. Tulungan nyo nalang kaming maghanap. Sige na" Utos pa ni Raphael sa mga ito na agad namang tumalima.
Lumapit si Raphael sa intercom.
" Karen pumasok ka sandali dito" Tawag ni Raphael sa sekretarya.
Dali-dali naman itong pumasok.
" Yes Atty?" Tanong ni Karen na nagulat pang nakitang magulo ang kwarto.
" Karen tumulong ka ngang hanapin yung singsing nila" Si Donya Ramona ang sumagot. Agad namang tumalima si Karen. At palihim pa syang nginitian ni Atty. Montecarlo.
" Ano nakita nyo na ba?" Tanong ni Donya Ramona na nakaupo sa swivel chair ni Raphael
" Nope..."
" Wala"
" Wala pa ma"
" Hindi pa po"
"Ano ba kasing singsing yun Raphael?" Muling tanong nito
" Engagement ring supposed to be nag po propose na ko kay Lyna. Then suddenly, gumulong." Paliwanag nito habang tinutulak nila ni Atty. Montecarlo ang malaking sofa sa gilid. Pati si Atty. Montecarlo ay naghubad na din ng suit.
Maya-maya pa ay may tinawagan si Donya Ramona sa cellphone.
" Hello Carlos, Umakyat nga muna kayo ni Berto dito sa opisina ni Raphael. Bilisan nyo" Utos nya sa mga driver nila.
Ilang saglit lang ay dumating na ang dalawang driver na tinawagan ni Donya Ramona.
" Carlos, Roberto dali kayo, tumulong kayo sa kanila. May hinahanap silang singsing. Dalian nyo." Utos ni Donya Ramona.
Agad namang kumilos ang dalawang driver upang tumulong sa paghahanap.
Hanap dito, hanap doon.
Tulak ng cabinet dito, hila ng sofa doon.
Parang dinaanan ng bagyo ang opisina ni Raphael. Magulong magulo. Dahil sa isang singsing na gumulong at hindi makita. Sa isang iglap, ang malinis at maayos na kwarto noon ngayon ay nagkalat ang mga gamit.
Maya-maya pa ay may nakapa ang donya sa kanyang paanan sa ilalim ng carpet.
" Carlos... Berto... Madali kayo, iangat nyo nga itong carpet" Utos ng donya
" Bakit ma? Tanong ni Raphael
" Para kasing may nakakapa ang paa ko dito" Sagot naman nito.
Agad na kumilos ang dalawang driver. At tumulong pa si Raphael at Atty Montecarlo. Tama ang hinala ni Donya Ramona.. Ang kanina pang hinahanap na singsing ay pumailalim pala sa bahagyang nakaangat na carpet sa opisina.
" Yesss!!! That's it!!!" Napasigaw pa sa tuwa si Raphael.
Ipinunas pa nya ito sa kanyang pantalon. Pinagpagan pa ang napunong alikabok na mga kamay at idagdag pa ang nagulong buhok nito.
" Lyna...." Hagilap nya dito.
Nakangiti naman si Lyna na lumapit sa kanya. Inayos pa nito ang medyo nagulong buhok.
Muling lumuhod sa harapan ni Lyna si Raphael. Humugot muna ito ng malalim na hininga bago magsalita.
" Babe... Please give me permission to protect, care and love you. I love you kahit may dungis ka pa ng alikabok sa mukha..Please.... be my Mrs. Lyna Marie Dizon Andrade" Pahayag ng pag ibig ni Raphael. Hindi sya iyakin na lalaki pero ngayon ay nangingilid na ang kanyang luha.
" Yes.... Yesss Mr. Raphael Marcus Andrade I will marry you" Sagot ng lumuluha ng si Lyna.
Tumayo na si Raphael tsaka mahigpit na yinakap si Lyna. Tumingkayad pa nga si Lyna upang abutin ang labi ni Raphael.
Napaluha din sila Don Rodolfo at Donya Ramona sa nasaksihang pag iibigan ng anak na si Raphael at ang babaeng pinaka mamahal nito na si Lyna.
Wala namang nakapansin ngunit magkaakbay naman na nakangiti sila Karen at Atty. Montecarlo.
Habang pumapalakpak naman sa tuwa ang magkapatid na driver.
" So... Let's celebrate?!" Patanong na saad ni Don Rodolfo.
" Nope.. no celebrations for now.. Pwede bang umalis na muna kayo at may gagawin pa kami ng soon to be misis ko" Nakangiting biro ni Raphael.
Napatawa naman silang lahat.
" Matinik ka talaga Atty." Natatawang saad ni Atty. Montecarlo kay Raphael.
" Mas matinik ka Steve( Pangalan ni Atty. Montecarlo). Can you please remove your hands to Karen's shoulder." Sabay tawa pa nito.
At lalo pang lumutong ang tawanan sa loob ng opisina ni Raphael.
" Ok.... Ok.... Mauuna na kami. Raphael hijo kung may masama kang balak kay Lyna pwedeng sa condo nyo nalang at hwag naman dito. Baka gayahin ka pa ni Atty. Montecarlo. Mga abogado pa naman kayo" Nakataas pa ang kilay ni Donya Ramona.
"Naku Ramona... Akala mo naman eh hindi mo din ako inakit noon sa sarili kong opisina" Biro ni Don Rodolfo at nagtawanan ang lahat..
" Don't worry ma. Hindi lang naman ito ang unang beses. Madaming beses na namin ginawa dito" Biro din ni Raphael. Pinamulahan naman ng mukha si Lyna at tinampal pa sa balikat si Raphael.
" Hayyy naku... mauuna na kami at puro kayo kalokohan" Saad ng donya.
Bago lumabas ay nagbiro pa si Don Rodolfo.
" Raphael galingan mo. Secure mo na yung baby boy sa unang putok" At sabay sabay silang nagtawanan.
Isa-isa ng naglabasan sa opisina ang mga ito hanggang si Lyna at Raphael nalang ang natira sa loob.
Si Raphael na ang nagsara ng pinto at ni lock pa ito. muli nyang linapitan si Lyna at tsaka yinakap. Animo'y nagsasayaw sila ng sweet dance sa kanilang posisyon.
" Babe.." Bulong ni Raphael
" Hmmmm" Sagot naman ni Lyna.
" In two months mare release na yung decree of annulment ko. Let's plan our wedding then" Nakangiti pang saad ni Raphael habang yakap yakap pa din si Lyna.
" But before that... Narinig mo naman yung sinabi ni papa. Kailangan na nating buuin si 1st baby boy" Nakangiting wika ni Raphael tsaka biglang binuhat si Lyna papunta sa malapad na sofa.
Napasigaw naman si Lyna sa gulat.
Marahan syang hinalikan ni Raphael sa labi.Halik na punong puno ng pagmamahal. Saglit pang huminto si Raphael at tinitigan ang kanyang maamong mukha.
Nililipat lipat naman ni Lyna ang kanyang tinigin sa mapupungay na mata ni Raphael at sa mapupulang labi nito.
" Believed it or not pero sa iyo ko lang naramdaman ang ganitong pagmamahal babe" Saad ni Raphael at tsaka muling sinakop ang kanyang mga labi.
Sa isang iglap lahat ng pangamba at sakit na nararamdaman ni Lyna ay naglahong lahat. Ramdam nya ang sinseridad na pinakita ni Raphael ng humingi ito ng tawad. Ang halik nito na punong puno ng pagmamahal. Ang bawat pagkulong nito sa kanya sa kanyang bisig ang syang nagbibigay ng komportableng pakiramdam kay Lyna.
Muling naging isa ang kanilang katawan. Bawat ungol at pag ulos ay tanda ng kanilang pagmamahalan. Sa ilang sandali pa ay nasa rurok ba sila ng ligaya, na sila lang ang nakakalam at sabay nilang tinamasa.
Hawak kamay na bumaba sa lobby ng building sila Raphael at Lyna. Pauwi na sila.
Pakiramdam ni Lyna ay naglalakad sya sa alapaap. Matapos mag propose ni Raphael sa kanya ay natapos dim sila sa isang mainit na pag niniig.
Habang hinihintay nila ang sasakyan na kinuha ni Mang Berto, biglang may pamilyar na boses ang tumawag kay Lyna.
" Lyna!" Tawag ni Levi
Nagdilim naman bigla ang mukha ni Raphael ng makita kung sino ang tumawag kay Lyna.
" Levi" Kunot noong sagot naman ni Lyna.
Hindi naman pinansin ni Levi si Raphael na naka tayo sa tabi ni Lyna.
" Pinuntahan kita sa office mo nagpunta ka daw dito sabi ng guard. Yung susi pala ng kotse mo.Ok na" Nakangiting inabot ni Levi ang susi kay Lyna.
" Thank you" Maikling sagot ni Lyna.
" Pauwi ka na? gusto mo hatid na kita" Patuyang tanong ni Levi gusto nyang inisin si Raphael at nagtagumpay naman sya sa pakay nya.
Itinulak ni Raphael si Levi papalayo kay Lyna.
" Raphael...." awat ni Lyna ngunit hindi nagpapigil si Raphael.
Kinwelyuhan pa nito si Levi.
" Gago ka ba??? O talagang nananadya ka lang??" Nanggigigil na wika ni Raphael
Pilit namang tinanggal ni Levi ang kamay ni Raphael sa kanyang kwelyo at inayos pa ito.
" Easy... Mr. two timer. Gusto ko lang ihatid si Lyna dahil baka may susunduin ka pang iba" Nakangising sagot nito.
" Tarantado ka.. Stay away from my wife" Pagalit na wika naman ni Raphael.
" Wife??? hahahha hindi mo pa asawa si Lyna. Meron ka ngang inaasawang iba habang binabahay mo si Lyna di ba" Sagot na naman ni Levi.
Isang suntok ang pinakawalan ni Raphael direcho sa mukha ni Levi. Putok agad ang kanang ibabang labi nito.
" Raphael... tama na" Hinilahila na sya ni Lyna.
Umawat na din ang dalawang gwardiya ng building.
" Totoo naman di ba.. Nakita ka na nga ni Lyna i de deny mo pa" Muling pantutuyang sagot ni Levi.
Muling susugod si Raphael ngunit niyakap na sya ni Lyna.
" Raphael tama na please..." Pakiusap ni Lyna habang mangiyak ngiyak na.
" Lyna.. please Hwag ka ng sasama sa abogado na yan. pinaiikot ka lang nyan" Sigaw pa ni Levi kay Lyna.
Biglang dumating sila Mang Berto kasama ang mga body guard ni Raphael.
Lumapit ang isa kay Raphael.
" Ok ka lang boss" Tanong nito.
" Bigyan nyo ng leksyon yang gago na yan sigaw ni Raphael
Apat na body guard ang lumapit kay Levi. Hinawakan ng dalawa si Levi habang ang dalawa naman ay halinhinan itong sinusuntok. Nanoood lamang ang dalawang gwardiya ng building.
Natatakot si Lyna para kay Levi at baka mapatay ng mga body guard ni Raphael ito.
Walang magawa si Lyna. Yumakap na lamang sya at sinubsob ang mukha sa dibdib ni Raphael. Rinig na rinig nya ang daing ni Levi habang binubugbog ng mga ito.
" Arhgggh"
"Owwwggg"
" Tama na... Putangina tama na argggghh"
" Tama na yan" Utos ni Raphael sa mga body guard nya. Na agad namang sumunod sa utos nya.
Binitawan na din ng mga ito si Levi na lugmok na sa lapag at namimilipit sa sakit dahil sa mga tinamong bugbog sa katawan.
"Kung ayaw mong matanggalan ng lisensya, tigilan mo kami ni Lyna. Just wait your restraining order" Saad pa ni Raphael bago tuluyang iniwan si Levi.
" Let's go babe" Si Raphael habang hinawakan pa sya sa kamay pag akyat ng sasakyan.
Habang nasa byahe, hindi kumikibo si Lyna.
" Babe, from now on you will not go anywhere without your body guards." Mariing wika ni Raphael.
Nakabalik na sila ng condo ngunit hindi pa din kumikibo si Lyna. Natakot sya sa nakita nyang pinagawa ni Raphael.
" Babe are you ok?" Mahinahon na ulit ang boses nito.
" Natakot ako babe" Sagot naman ni Lyna.
" Natakot ka saan? Tanong ni Raphael.
" What if bigla ka nyang kasuhan? May pag aalala sa boses nya.
" It wont happen. Mag pa file ako ng restraining order para hindi na nya tayo malapitan. Ok? Don't worry. " Tsaka yinakap ni Rapahel si Lyna.
" Sige na magpahinga na tayo" Wika ni Raphael
Pagkatapos maligo ay hindi na naman nakatakas si Lyna kay Raphael.
Nakadapa si Raphael habang ang mukha ay nakasubsob sa leeg ni Lyna at nakapulupot ang isang kamay kay Lyna.
" Babe..." Tawag ni Lyna.
" Hmmmm" Sagot no Raphael habang hinahalik halikan na naman ang leeg niya.
" Pwede magtanong personal?"
Saglit pang inangat ni Raphael ang ulo at tiningnan si Lyna bago sumagot.
" What?
" Noon bang pinili ni Elise si James pinabugbog mo din sya? Nag aalangan pa ang tanong nya kay Raphael.
" No" Mabilis at maikling sagot nito
" Why?" Pangungulit nya
" Why??? Its because she' s not worth fighting for.
" So kung itatanong mo kung hinabol ko sya at binawi kay James? My answer is No.... Yes mahal na mahal ko sya dati. Baliw na baliw ako sa kanya dati. But... Hindi katulad ng pagmamahal at pagkabaliw ko sayo babe.." Dagdag pa ni Raphael na inumpisahan na naman pagapangin ang kanyang labi sa katawan ni Lyna.
" Babeeee... seryoso??? Nakadalawa na tayo diba? Ay hindi tatlo pala kasi yung una sa opisina mo" Kunwari pang paliwanag ni Lyna.
" E di gawin na nating apat" Pilyong sagot ni Raphael. Tsaka pumatong pa kay Lyna.
"Babe... sige sisigaw ako" Natatawang pagbabanta ni Lyna.
"E si sumigaw ka, kung may makakarinig sayo" Ngising sagot ni Raphael
" I told you... Sayo lang ako nabaliw ng ganito. Sabay siil ng halik kay Lyna.
Muli na naman nilang pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahal.Ilang minuto pa ang lumipas at muli na naman nilang narating ang langit...
Pawisan at pagal ang katawan nila pareho.....
Balik trabaho ulit sila Lyna at Raphael pagkatapos ng nakaka intense na proposal ng mga ito.
Bukod sa tambak na trabaho ni Raphael, inasikaso din nito ang pag rerequest ng restraining order kay Levi. Dahil sa kilalang abogado, madali lamang at pinanigan ng korte ang request ni Raphael. Hindi na maaaring lapitan o kausapin pa ni Levi si Lyna.
Tinanggap namang maluwag ni Levi na hindi na kailan man pa sila magkakabalikan ni Lyna lalo na't nakatakda na itong ikasal kay Raphael.
Nag focus na lamang sya sa kaniyang propesyon. Muli nyang bubuksan ang puso sa panibagong pag ibig kung meron mang darating. Unti-unti din nyang makakalimutan si Lyna.
Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay ang hindi nawawalang pag asa na baka sakaling mag himala at magkabalikan silang muli. Mas pinili na din ni Levi na bumalik sa America upang makalimutan ang lahat ng mga nangyari sa kaniya.
Naging normal at masaya ang naging pamumuhay nila Raphael. Nag uumpisa na din silang magplano ng kanilang kasal habang hinihintay ang paglabas ng dokumento ng annulment ng kasal ni Raphael sa una nitong asawa na si Elise.
Ngunit... Isang mensahe at maling hakbang ang magpapabago ng kanilang buhay...