" Jay R..." Tawag ni Lyna sa kaniyang sales personnel.
" Ma'am Leyn?" Wika naman ni Jay R na kasalukuyang nag aayos ng mga nakahelerang swatches.
" May emergency lang ako na pupuntahan. Tatawagan ko nalang si ma'am Glen" Nagmamadali si Lyna palabas ng opisina.
" Mabuti na lamang hindi na nya sinama ang kanyang dalawang body guard kaya naka alis sya kaagad ng walang bumubuntot....
" Karen. Please cancel my meeting. I have an important things to do" Halos patakbong lumabas ng opisina si Raphael at hindi na nya hinintay pa na makasagot si Karen....
Pag ka park ni Lyna, dali dali syang pumasok sa ospital at hinanap ang room number na nakasaad sa text na kanyang na received.
Nang matagpuan, marahan syang kumatok at maingat na binuksan ang pinto.
Dito tumambad sa kanya ang isang bata na nakahiga sa kama at payapang natutulog habang may nakasaksak na swero at oxygen.
" Napakaliit pa ng bata na ito upang igupo sya ng ganitong sakit" Sa isip ni Lyna
" Lyna" Tawag ng isang babae mula sa kanyang likod. Si Elise..
"Akala ko hindi ka pupunta" Saad pa nito.
" Elise, ayokong maki pag away. Ano ba yung kailangan mong sabihin? " Tanong ni Lyna habang hindi pa din inaalis ang tingin sa batang nakahiga. Si Jam...
Patakbong pumasok ng ospital si Raphael. Hindi na nya naabutan ang paakyat na elevator kaya nagpasya na lamang syang gamitin ang hagdan paakyat.....
Matapos marinig ni Lyna ang lahat ng sinabi ni Elise, isang malutong na sampal ang itinugon nya dito.
Eksena na naabutan ni Raphael pag pasok nya sa silid.
" Lyna!!" Sigaw ni Raphael.
Kumunot naman ang noo ni Lyna ng makitang andoon si Raphael.
Si Elise naman ay mabilis na yumakap kay Raphael ng makita ito. Isinubsob pa nya ang kanyang mukha sa dibdib nito habang patuloy ang pag iyak.
" Lyna ano to?". Malamig ang boses na tanong ni Raphael
" Lyna.. I'm sorry" Usal ni Elise habang patuloy ang pag iyak.
Nagulat si Lyna sa biglang pagbabago ng tono ni Elise. Ang kaninang antipatika at sarcastic magsalita ngayon ay parang maamong tupa.
" Napaka impossible mo Elise" Galit na wika ni Lyna. Itinaas nya muli ang kanyang kamay upang bigyan ng isa pang sampal si Elise ngunit maagap itong napigilan ni Raphael.
" Lyna.. enough.." Pigil ni Raphael.
" Raphael..." Halos manginig na ang boses nya.
" Let's talk... not here" Pagalit na wika ni Raphael tsaka sya hinila palabas ng silid.
" Raphael ano ba..... bitawan mo nga ako" Piglas ni Lyna na halos pinipigilan ang pagbagsak ng luha.
Halos magkandarapa si Lyna sa paghila sa kanya ni Raphael. Wala na itong pakeelam kung pinagtitinginan sila ng ibang tao. Pakiramdam naman ni Lyna ay bumabaon ang mga daliri ni Raphael na nakadiin sa kanyang braso sa pagkakahila nito.
Nang makarating sa parking lot, pasalya syang binitawan ni Raphael.
" What are you thinking Lyna??? What are you doing here??" Halos pinipigil ni Raphael ang pagsigaw, ngunit ramdam ni Lyna ang galit nito.
" Di ba dapat ako ang magtanong sayo nyan?" Sagot ni Lyna na pinipigilan ang emosyon.
" Why so selfish and childish?.. Bakit kailangan mo pang puntahan si Elise dito? For what??"
Hindi na alam ni Lyna ang isasagot. Naunahan na sya ng panghuhusga ni Raphael. Parang nawalan na sya ng karapatang magpaliwanag.
" Anong karapatan mong saktan si Elise sa harap pa mismo ng anak nya? Hindi ka na naawa sa bata Lyna.?" Pag papatuloy ni Raphael.
" Umuwi ka na muna Lyna, sa bahay na tayo mag usap" Dagdag pa ni Raphael bago tuluyang tinalikuran si Lyna.
Wala sa sarili na sumakay si Lyna sa kanyang kotse. Hindi nya maramdaman ang sarili. Hindi nya alam kung anong nararamdaman nya. Sakit? galit? awa? sa sarili.
Habang naglalakad pabalik ng ospital si Raphael gustong gusto nyang balikan si Lyna upang yakapin. Dala ng galit sa naabutan nyang pananakit nito kay Elise kaya nya nagawa iyon. Ayaw naman ni Raphael na parati nalang pinagseselosan ni Lyna si Elise at si Jam.
Kakausapin nya si Elise upang personal na humingi ng tawad sa ginawa ni Lyna sa kanya.
Paliko na sya sa hallway kung saan ang silid ni Jam ng marinig nya ang boses ng isang babae na may kausap sa cellphone. Boses ni Elise.
Napaurong si Raphael ng marinig nya ang sinabi nito.
" That b***h Lyna..."
" Yes dad. I will do anything to bring back Raphael in my life. Ayokong lumaki si Jam na walang kinikilalang ama."
" Of course dad, ginalingan ko ang acting ko. I texted them both para mas masakit di ba. And guest what... I tell everything to Lyna specially yung pagkamatay ng parents nya."
"Just wait and see. Pag naging ok na ulit kami ni Raphael our business will rise again using their money & power.
Mula sa likuran ni Elise ay sumulpot si Raphael na madilim ang mukha.
Muntik ng mapasigaw si Elise sa sobrang gulat.
" Ra.... Raph... Ka...kanina ka pa dyan?" Tarantang tanong ni Elise.
Imbes na sumagot madiing hinawakan ni Raphael sa braso si Elise at pakaladkad na hinila papasok sa loob ng silid sa ospital ng batang si Jam.
" Raphael nasasaktan ako please" Daing ni Elise.
" Talagang masasaktan ka. What did you do Elise what??" Bakas sa mukha ni Raphael ang galit at pag titimpi.
Akmang sasampalin ni Raphael si Elise ngunit pinigilan nya ang sarili. Nahilamos ni Raphael ang mga kamay sa sariling mukha.
" Ano bang ginawa ko sayo Elise??" Pigil ang sarili na sigaw ni Raphael.
" Yun na nga Raphael wala kang ginawa.. You just gave everything I need. But the time and effort para mag work ang relationship natin hindi mo binigay. Which I found it to James. Masisi mo ba ako?" Hagulgol ni Elise
" And then now na binabawi lang kita kay Lyna.Hindi mo deserve si Lyna... Ako Raphael... Ako... Ako yung una mong minahal. Sa akin ka unang nabaliw."Mahigpit pang yinakap ni Elise si Raphael sa beywang habang umiiyak.
" Enough Elise... It's my big regrets kung bakit minahal pa kita noon. Na hanggang ngayon pinagsisisihan ko ng malaki." Sagot ni Raphael na itinulak pa si Elise papalayo sa kanya.
Akmang lalabas na ng silid si Raphael ng muli na namang magsalita si Elise.
" Raphael... how about Jam? Alam kong napalapit ka na sa kanya. Ikaw na ang gusto nyang maging ama simula ng mawala si James. Hwag mong gawin sa anak ko ito Raphael. Napaka bata pa nya para maranasan na wala syang ama" Patuloy ang pag iyak ni Elise.
Napangisi naman si Raphael sa narinig. Hunarap sya kay Elise at muli nya itong hinawakan sa braso.
" Kaano ano ko ba si Jam? Kahit isang patak ng dugo ng Andrade, walang nananalaytay sa kanya. Awa ang nararamdaman ko sa inyong mag ina kaya tinutulungan kitang ipagamot si Jam sa kabila ng pang gagago mo sa akin. Kinalimutan ko lahat ng ginawa nyo ni James, dahil naawa ako kay Jam. Pero hindi ko in expect na ganito ang gagawin mo sa amin ni Lyna. Malala ka na Elise" Tiim bagang na saad ni Raphael, sabay patulak na binitiwan si Elise. Halos bumakas ang mga daliri nya sa braso nito.
" One more thing Elise. Lyna is not a b***h. You.... You're the b***h. Remember hindi ka na virgin ng mapangasawa kita. and you're f*****g with other man while we're still married. And the worst you got pregnant with James." Punong puno ng galit na nasabi ni Raphael kay Elise. Tsaka sya tuluyang lumabas ng silid.
Nag mamadaling lumabas si Raphael sa ospital. Kailangan nyang mahabol si Lyna. Siguradong nagdamdam na naman ito sa kanya.
" Gago ka talaga Raphael.." Sa isip nya habang malalaki ang hakbang pabalik sa kanyang sasakyan.
Sinubukan nyang tawagan si Lyna. nag ri ring lang ngunit hindi sinasagot...
Wala sa sarili at walang emosyon na nararamdaman si Lyna habang nakasandal sa naka pinid na pinto ng condo.
Hindi nya alam kung ano bang dapat isipin o maramdaman.
Kinuha nya ang maleta na nasa loob ng cabinet at isa isang nilagay ang mga gamit.
Naupo sya saglit sa gilid ng kama at huminga ng malalim. tinitigan nya ang cellphone na kanina pa nag ba vibrate.
Tumatawag si Raphael.
Minsan pa, pinakinggan nya ang audio na nirecord nya habang nagtatalo sila ni Elise. Malinaw na malinaw ang mga sinabi ng babae sa kanya.
Ipinatong nya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng side table ng kama ni Raphael. Inilagay din nya sa gilid nito ang engagement ring nila.
Lumakad na sta palabas ng condo unit. Kung saan man sya pupunta ay hindi din nya alam.....
Tiningnan muna ni Raphael ang parking slot kung saan nag papark ng sasakyan si Lyna. "wala".
Mabilis nyang pinindot ang elevator paakyat sa kanyang unit.
"Babe!!!" Tawag nya dito ng makapasok na sa kanyang unit.
Sinilip nya sa sala.. kusina... at banyo... "wala"
Nasabunut nya ang sariling buhok..
" Asan ka ba Lyna" Wika nya sa sarili. Sinubukan nya ulit tawagan... Nakarinig sya ng ugong ng vibration sa loob ng kwarto.
Natagpuan nya ang cellphone ni Lyna sa ibabaw ng kanyang side table katabi ang engagement ring na binigay nya dito.
"Fuckkkkkk" Sigaw ni Raphael.
Agad nyang dinampot ang cellphone ni Lyna at chineck kung may mga message dito kung nasaan sya.
Binasa nya ang kapalitan ng messages ni Lyna kaninang umaga na number lang.
"Hi, Ms. Lyna Marie Dizon?"
" Who' This?"
" I have very important things to tell you. Puntahan mo ko sa Makati Executive Hospital Room 255. Kailangan mong malaman lahat bago pa man kayo magpakasal. Hindi mo kilala ang taong pakakasalan mo.."
" Sino ka ba?
" Malalaman mo kapag nagpunta ka."
" Damn you Elise!!" Sigaw ni Raphael. Nag ngingitngit sya sa galit. Pinaikot sila ni Elise. Taliwas ito sa message na pinadala sa kanya. Nagmamakaawa sa text si Elise. Sinabi nito na awatin nya si Lyna dahil pinagbataan sya nito na susugurin sa ospital kung saan naka confine si Jam para ipahiya. Tinawag daw syang kabit ni Lyna dahil nalaman daw nito na nakikipagkita sya sa kanya. Kaya nagmamadali syang sumugod sa ospital.
Chineck din nya ang mga history app na binuksan ni Lyna. Pumukaw sa kanyang atensyon ang Audio recording app.
"recording 001" Pinakinggan ito ni Raphael.
" Akala ko hindi ka na pupunta" boses ni Elise
" Elise? Elise ayokong maki pag away. Ano ba yung kailangan mong sabihin?" Ngayon ay boses naman ni Lyna.
Elise: So ikakasal na pala kayo ni Raphael? Kailan
Lyna: Bakit kailangan mong malaman?
Elise: Wala lang bawal ba? may nakaraan naman kami ni Raphael. At alam ko mahal pa rin nya ako. Pati si Jam kahit hindi nya anak mahal nya.
Sandaling katahimikan.
Elise: Alam mo ba kung gaano nya ko kamahal Lyna?? He can do anything to protect me. Kahit pa magbayad ng limang milyon kapalit ng pag urong mo sa kaso ng mga magulang mo. Yes you heard it right?? Binayaran ka ni Raphael ng 5milyon para manahimik kasabay ng pananahimik ng kaluluwa ng mga magulang mo 10 years ago... Hindi ako hinayaan ni Raphael na makulong. Syempre dahil mukha kang pera tinangggap mo.
Ang kapal mo din naman Lyna. hindi ka pa nakuntento. Gusto mo pati si Raphael at buong kayaman nila angkinin mo!!! Ilusyunada ka!!!!
Akala mo ba minahal ka talaga nya? s*x lang ang habol nya sayo.... Pampalipas oras. Kaya nung nalaman nyang namatay na si James ako kaagad ang una ng tinawagan. Hindi nagkataon lang Lyna...
The night that you called him??? We're in the middle of our love making!! He really missed my moaned... My lips... my body... specially me.
Anong oras na ba sya nakauwi noon? Pagod na na pagod ba sya? Pasensya ka na.. na missed kasi namin ang isa't isa.
Hindi ako papayag na agawin mo sa amin si Raphael Lyna. Mahal na mahal nya kami at siguradong kami ang pipiliin nya kaysa sa iyo!!
PAK!!! ( tunog ng sampal)
Kasunod ay narinig ni Raphael ang sariling boses..
Raphael: Lyna!!
At ang pag iyak ni Elise...
Raphael: Lyna ano ito?
Hindi na natapos pa ni Raphael ang pakikinig. Laking pagsisi ang nararamdaman nya sa pinakita nya sa harap ni Lyna kanina. Mas kinampihan pa nya si Elise. Hindi man lang nya hiningan ng paliwanag si Lyna.
Pinaka masakit... kay Elise pa nito nalaman ang tungkol sa aksidente ng kanyang mga magulang.
" Hayup ka Elise!??? Hayup ka!!! Sigaw ni Raphael..
Kailangan nyang hanapin si Lyna. Ngunit hindi nya alam kung saan mag uumpisa..
Madilim na ng marating ni Lyna ang bahay na titirhan ni Lovela. Nagbaka sakali sya kung andoon ito. Gustuhin man nyang umuwi kila Tita Carol ngunit baka puntahan lang sya ni Raphael doon.
Kumatok sya ng ilang beses.
Maya-maya ay sumindi ang ilaw sa labas. Sumilip sa bintana si Lovela;
" Sino yan?? Ma'am Leyn?" Ng mamukhaan sya nito.
Kaagad syang pinagbuksan ng pinto at pinapasok sa loob.
" Love sino yan?? " Boses ni ma'am Glen na nagpupunas pa ng buhok, halatang galing sa pagligo.
" Lyna?" Takang tanong nito at bigla syang yinakap.. Parang alam na nitong may malaki syang problema.
Kung kanina ay hindi nya alam kung anong nararamdaman nya, ngayon naman ay unti-unti ng nag si sink in sa kanya ang mga nangyari kanina lamang.
Ang masaganang luha na umaagos sa kanyang pisngi ay unti unti ng sinasabayan ng sunod sunod na pag hikbi.....