One Step Forward

2101 Words
Kung kanina ay hindi nya alam kung anong nararamdaman nya, ngayon naman ay unti-unti ng nag si sink in sa kanya ang mga nangyari kanina lamang. Ang masaganang luha na umaagos sa kanyang pisngi ay unti unti ng sinasabayan ng sunod sunod na pag hikbi..... " Lyna huminahon ka muna. Maupo ka. Love kuha ng tubig" Wika ni Glenda na inalalayan pa si Lyna paupo sa sofa. Pinabayaan muna nila Glenda na umiyak ng umiyak si Lyna upang maibuhos nito ang kanyang nararamdaman. Ilang minuto din ng unti unti na itong huminto. " Leyn, want to share?" Tanong ni Glenda. " Ma'am Glen... Wala na po kami ni Raphael" Sagot nya at muli na namang tumulo ang luha. "Hindi na ba kayang ayusin? Kaya ganitong oras andirito ka?" Muling tanong ni Glenda. " Malabo na... At wala na akong balak bumalik sa kanya." May galit na sa kanyang tono. " Leyn hindi na kita kukulitin kung ano man ang dahilan mo or dahilan nyo. It's your personal life. So anong balak mo ngayon?" " Kailangan ko pong makalayo... Ma'am Glen sorry pero hindi ko na mapapagtuloy ang trabaho ko. Kailangan ko pong lumayo" Hagulgol na ni Lyna. Alam ni Glenda na hindi lang simpleng problemang pag ibig ang kinakaharap ni Lyna. Parang kapatid na ang turing nya dito at alam nya ang mga pinagdaanan nito sa nakaraang pag ibig kay Levi. " Leyn tutal hindi alam ni Raphael itong bahay ni Lovela, dumito ka muna hanggang alam mo na kung saan ka pupunta. For now, you need to rest para makapag isip ka ng tama ok! Don't worry, walang makakaalam na andidito ka" Pahayag ni Glenda sabay yakap ng mahigpit kay Lyna. Pati si Lovela na kanina pa nakikinig sa kanila ay yinakap na din sya. Madaling araw na ng umalis si Glenda sa bahay ni Lovela. " Siguradong tatawagan o pupuntahan ako ni Raphael para magtanong kay Lyna" Sa isip nya habang binabagtas ang daan papauwi sa kanila.... Hindi nga nagkamali si Glenda. Kakatawag lang ng sekretarya nya na si Marian. May naghihintay daw sa kaniya sa opisina. Si Atty. Raphael Andrade. Magkaharap sa conference table si Glenda at Raphael. " I think it's an urgent meeting Atty. Andrade, since hindi mo na ako na inform ahead" Nakangiting bungad ni Glenda. " Where's Lyna?" Madilim ang mukha ni Raphael ng sumagot. " Huh?? Dapat yata ako ang magtanong sa iyo kung nasaan si Lyna. She left the office yesterday before lunch. After that hindi na sya bumalik. Until now." Sagot ni Glenda. Kung pwede nga lang nyang batukan itong abogado sa harap nya ginawa na nya. " Don't dare me Glenda. I want to see Lyna. Where is she??" Madiin ang pagkakasabi ni Raphael. " Kung alam ko bakit ko naman i tatanggi kung nasaan sya. Wait... Don't tell me may nangyari sa inyo ni Lyna kaya napasugod ka dito??" Sarkastikang wika ni Glenda. Tumayo na si Raphael at nag iwan pa ng pagbabanta kay Glenda. " Kapag nalaman ko na tinatago mo si Lyna, I will exposed you and your scandal to whole industry" " Do it Atty. Andrade... Pero hanapin mo muna si Lyna and tell her she's lots of paper work to do" Matigas na sagot ni Glenda. Tuluyan ng lumabas ng conference room si Raphael. Si Glenda naman ay pumasok na sa opisina nya. Kinakabahan sya, hindi para sa sarili kung hindi para kay Lyna. Siguradong hindi simpleng bagay lang ang pinag ugatan ng paghihiwalay ng mga ito.... " Raphael... Buti at napasyal kayo" Bati ni Tito Ben ng mapansin nya ang nakaparadang sasakyan nito sa harap ng gate nila. " Carol! Carol! Keni saguli.. Atsu la di Lyna ampo pang Raphael! ( Halika dito sandali, andidito sila Lyna at Raphael) Tawag ng Tito Ben kay Tita Carol. Bumaba naman kaagad ng sasakyan si Raphael at nagmano pa sa mga ito. " Raphael, kasama mo ba si Lyna" Tanong ni Tita Carol. " Ah hindi po, may business lang po ako malapit dito kaya naisipan ko po kayong daanan." Palusot na sagot ni Raphael. " Ganoon ba? Akala ko pa naman kasama mo sya. Matagal na ding hindi sya nakaka pasyal dito" Malungkot na sagot ni Tita Carol. " Raphael, malayo ba sa bahay mo sa Manila ang tinutuluyan ni Lyna? Tanong ni Tito Ben. Hindi kasi sinabi ni Lyna sa mga ito na nagsasama na sila ni Raphael. " Ah malapit lang po. Magkasama po kami kahapon. Hayaan nyo po at ikakamusta ko kayo sa kaniya" Nakangiti si Raphael. " Halika pumasok ka muna at ng makakain ka" Aya ni Tita Carol. " Next time po tita. Kailangan ko pong makabalik agad ng Manila" Paliwanag ni Raphael at agad na nagpaalam. " Ibig sabihin hindi pa nagpunta dito si Lyna. Hindi din alam ni Glenda kung nasaan sya... Fuckkkk asan ka na ba Lyna" Sigaw ng isip ni Raphael. Habang nasa biyahe pabalik ng Manila biglang tumawag ang mama ni Raphael. " Ma" Sagot sya habang naka loud speaker ang kanyang cellphone. " Are you with Lyna? hindi sya sumasagot sa mga tawag ko kanina ko pa tinatawagan." Sagot ng ina na nasa kabilang linya. " She's out of town nag attend ng seminar." Pagtatakip ni Raphael. " Alright... just tell her to call me back" Sagot ng ina at tsaka pinutol ang kanilang usapan. " Shiiiittttt Lyna saan ka ba nagpunta" Inis na wika sa sarili ni Raphael. Samantala, Maghapon lang nakakulong si Lyna sa kwarto na pinahiram ni Lovela sa kaniya. Kahit pagkain na iniwan nito bago pumasok ng opisina ay hindi nya ginalaw. " Ma'am Leyn. Sige na naman kahit konti kumain ka na.. Baka magkasakit ka pa nyan" Wika ni Lovela. " Salamat Lovela, pero wala akong gana" Sagot lang ni Lyna. Maya maya ay dumating si Glenda. " Ano nangyari?" Tanong nito kay Lovela na humalik pa sa pisngi ng una. " Love, ayaw nyang kumain. Hindi man nya ginalaw yung iniwan ko na pagkain." Pagsusumbong ni Lovela. " Leyn, nagpunta kanina sa opisina si Raphael. Hinahanap ka niya. Malamang sa mga oras na ito baka nag hire na ng imbestigador yun para. ipahanap ka" Pahayag sa kanya ni Glenda. " Ma'am Glen, gusto ko nalang mamatay.. Para hindi ko na maramdaman yung ganitong sakit" Naluluhang sagot ni Lyna. " Lyna... naririnig mo ba yung sinasabi mo??? Yung namatay yung mga magulang mo kinaya mo di ba. Nalamapasan mo. Nung nagpakasal sa iba si Levi, kinaya mo din di ba. Bakit isang Raphael lang magpapakamatay ka??" Pag sesermon ni Glenda. " Dapat mas maging matatag ka pa lalo. Lyna This time mahalin mo naman yung sarili mo. Hwag puro ibang tao na wala namang ginawa kung di saktan ka lang. Hindi ko alam kung anong nangyari o problema nyo ni Raphael para isipin mong magpakamatay. Akala mo ba pag nawala ka matatapos ang lahat? Hindi Lyna. Kasi maiiwan mong nagdudusa yung mga taong totoong nagmamahal sayo. Sila Tita Carol at Tito Ben mo. Si Bea. Kami.. Malulungkot din kami pag nawala ka." Mahabang payo ni Glenda. " Kung sa palagay mo hindi talaga worth ang buhay mo. Ok fine. I have sleeping pills in my car. Laklakin mo yung isang bote. But make sure mamatay ka talaga kasi pag na ospital ka pa, tatawagan ko si Raphael para sunduin ka. And I think that' s the hell for you" Dagdag pa ni Glenda. " Love tara kain na tayo... Pag pahingahin na muna natin si ma'am Leyn" Aya ni Lovela para matigil na sa kaka sermon si Glenda. Kaagad naman sumunod si Glenda at naiwan si Lyna. Masayang nagkukwentuhan sina Glenda at Lovela ng biglang lumabas sa silid si Lyna. Umupo ito sa Hapag kainan at walang imik na sumandok ng pagkain. Tahimik na nakatingin lang and dalawa kay Lyna. Nagumpisa itong sumubo ng pagkain. Tumayo si Lovela upang ikuha ito ng inumin. " Mahirap talaga mag isip kapag 2 days ka ng hindi kumakain" Palipad hangin ni Glenda. Agad naman sinipa ni Lovela ang paa ni Glenda para manahimik ito. " Ah.. ma'am Leyn eto pa ulam oh" Alok ni Lovela. Wala pa ding imik na sumandok ito sa inabot ni Lovela. Nang makalahati na nito ang kinakain ay bigla syang nagsalita. " Ma'am Glen. Tulungan nyo kong makalabas ng bansa" Saad ni Lyna Seryoso ito sa kanyang sinabi habang direchong makatingin sa mga mata ni Glenda. Uminom muna ng tubig si Glenda bago nakasagot. " Saan? May pupuntahan ka ba? Baka mahirapan ka na ikaw lang mag isa? sunod sunod na tanong ni Glenda. Habang si Lovela naman ay matama lang na nakikinig sa kanila. " Si Bea. I'm sorry ma'am Glen. Pero nag try akong mag apply sa sa company na ni reccommend ni Bea. Natanggap naman ako. Pina process na nila yung mga documents ko. I just need to check online kung na send na nila yung contract ko." " It' s not my intention na iwan yung company mo ma'am Glen. But I need to do this for my self. Tama ka naman kailangan this time mahalin ko naman yung sarili ko" Halos naiiyak na paliwanag ni Lyna. " Ok.. Kung sa palagay mo na makakatulong ng malaki sa pag move on mo ok na din kami." Sagot ni Glenda... Napagpasyahan ni Donya Ramona na bisitahin na sila Lyna at Raphael sa kanilang unit. Ilang linggo na din nyang hindi nakakausap ang mga ito. Hindi rin sumasagot sa tawag o sa text. Ang lalong pinag aalala ng matandang donya ay ng mabalitaan sa asawa na ilan linggo ng hindi pumapasok si Raphael sa opisina. Ang sabi ni Mang Berto ay tinatawagan lang sya ni Raphael kapag mag papabili ito ng alak. Pagbukas ni Donya Ramona sa pinto ng condo tumambad sa kanyang harapan ang magulo at makalat na lugar. Basag at sira ang halos lahat ng kagamitan sa loob. Nagkalat din ang iba't ibang klaseng bote ng alak. Natagpuan niya si Raphael na nasa loob ng kwarto at nakahiga. Halatang lasing na naman ito dahil kung ano ano ang mga sinasambit. " Lyna... Babe... Asan ka na please... Comeback home babe" " F*ckkkk you Elise and your family!!" " Babe... Babeeee!" Nanlumo si Donya Ramona sa kanyang naabutan..Ito pala ang dahilan ng hindi pag pasok ni Raphael sa opisina at ang hindi nito pagsagot sa mga tawag at text... " Raphael ano bang nangyari sa inyo ni Lyna. Por diyos por santo, bakit ka nagkaganito." Usal ni Donya Ramona... Oras na lamang ang hinihintay ni Lyna at makakaalis na sya ng Pilipinas. Hindi nya maiwasang maging emosyonal. Na guguilty din sya dahil hindi man lang sya nakapag paalam ng maayos kila Tita Carol & Tito Ben. Dinaanan naman nya ang puntod ng mga magulang bago inihatid nila Glenda at Lovela. Lungkot ang bumalot sa kanya ng matanaw na nya ang airport. Hindi nya maiwasang maluha. For 29 years. Pilipinas ang naging tahanan nya at sa Pampanga ang kanyang naging kanlungan. " Leyn, kung magkaroon ka ng problema doon tumawag ka agad." Wika ni Glenda habang simlnilip pa sya sa rear view mirror. " Don't worry ma'am Glen. Makakasama ko naman si Bea tsaka yung Boss nya." Pilit pinapasigla ni Lyna ang kanyang boses. " Ma'am Leyn kapag naisipan mong bumalik dito sa PF ka ulit magtrabaho ha." Humarap sa kanya si Lovela na kasalukuyang nakaupo sa harap. " Syempre naman" Sagot nya na nakangiti pa. Tinulungan pa nila Glenda at Lovela na magbaba ng gamit si Lyna. Pigil ang luha na yinakap ng mahigpit ni Glenda si Lyna. " Take care Lyna. Pag nagkaroon ng chance pupuntahan ka namin doon. You can contact me anytime." Wika ni Glenda kay Lyna. Hindi naman napigilan ni Lyna ang pagdaloy ng kanyang nga luha. Sa tagal ng pinagsamahan nila ni Glenda, bilang boss nya halos tinuring na sya nitong parang kapatid. " Salamat ma'am Glen. Lovela, thank you. Alagaan mo si ma'am Glen" Natatawang naiiyak habang wika nya. " Sige na.. pumasok ka na. Ako ng bahalang magpaliwanag kila Tita Carol and Tito Ben mo sa mga nangyari. Ok" wika ni Glenda. " Ingat ka ma'am Leyn" Paalam ni Lovela. Mabigat ang mga paang humakbang papasok ng airport si Lyna. Ayaw man nyang umalis ngunit hindi nya sigurado kung saan mag uumpisa kung alam nyang anytime ay magkikita o magkakasalubong sila dito sa Pilipinas ni Raphael. Mahal nya si Raphael pero tama si ma'am Glen dapat umpisahan na nyang mahalin ang sarili. Bitbit ang pasaporte at ibang mahahalagang gamit, susubukan ni Lyna na makipagsapalaran sa ibang bansa. At higit sa lahat susubukan nya na tuluyang kalimutan si Raphael......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD