Rocket

2476 Words
" Mommy Ellaaaaaaa" Sigaw ng batang si Rocket habang tumatakbo papalapit sa kanya. " Hey Rocket... How's your day?" Salubong nya dito tsaka payakap na kinarga. Kasalukuyan syang nagpapahinga sa garden sa likod ng kanilang bahay. Hinalikan naman sya nito sa pisngi. " Someway good... someway bad" Naka simangot na sagot nito sa kanya. " Hmmmm..... someway good someway bad? Kunot noong tanong nya sa bata. " I got 4 stars look" Pagmamayabang nito na itinaas pa ang kanang kamay na may tatak na mga stars. " But Calvin my fat classmate told me that I don't have dad" Malungkot na wika nito. " Hmmm he said that??" Kunwari ay galit nyang tanong " Yes" Mabilis naman na sagot nito. " Don't believed him, it's not true" Sagot naman nya sabay kinurot pa ang pisngi. Kasunod naman nito ay ang nakangiti nyang ina na si Lyna. " I told you Rocket it's not true." nakangiting wika ni Lyna. "Lyna, bumili ako ng ice cream nasa fridge. Kuhanin mo at ng makapag merienda tayo. Kapag dumating si Bea hindi na naman tayo makakatikim" Utos nya kay Lyna. " Sige Ate Ella. Natatawa naman na sumunod ito." Muli syang bumalik sa kanyang kinakaupuan at masayang pinagmasdan si Rocket na abala sa paglalaro. Tatlong Taon na ang nakalipas ng makilala nya ang ina nito na si Lyna; ELLA'S POV " Lyna, this is Ma'am Ella Smith. Sya yung magiging boss mo, bale boss natin" Pakilala sa kanya ni Bea. Sinipat nya ang babaeng kaharap nya. Kadarating lang nito mula sa Pilipinas. Matamis na ngiti ang salubong sa kanya ng babae ngunit taliwas ito sa sinasabi ng kanyang mga mata. Napaka lungkot ng mga mata nito. Parang anytime babagsak ang mga luha. " Hi Lyna. nice to meet you in person. I am so very impressed with your resume. Hope in your actual ability in your job also." Bati nya dito " Thank you ma'am. I will do my best to this opportunity that you gave to me" Sagot naman nito sa kanya. " O sya sige magpahinga ka na muna. Bukas maaga tayong pupunta sa showroom para i train kita sa magiging trabaho mo. Bea, Ituro mo nalang sa kanya yung magiging silid nya." Wika nya sa mga ito. " Sya nga pala Lyna. Libre hanggang 1 year ang pagtira mo dito sa bahay ko. After that, pwede kong ibawas nalang sa salary mo yung share mo. Pero kung ayaw mo ng tumira dito, pwede ka naman maghanap ka ng ibang apartment" Dagdag pa niya. Simula kasi ng mawala ang partner nyang si Neil sya na ang mag isang nagpatakbo ng mga naiwan nitong Negosyo. Isa na nga dito ang tindahan nya ng furniture at accessories. Galing sya sa kilalang Angkan ng mga Andrade sa Pilipinas. Ang kanyang ama at kakambal na lalaki ay kilalang mga matitinik na abogado. Samantala ang kaniyang ina naman ay may ari ng iba't ibang building at hotel sa Pilipinas. Miyembro sya ng LGBT community. Sa Bihis at itsura ay isa syang ganap na babae. Madami na din syang pinaretoke sa kanyang katawan at kung ano-anong mga gamot pang pa enhance na din ang kanyang iniinom. Ito na din ang dahilan kaya mas pinili nya ang karera dito sa ibang bansa. Tanggap naman sya ng kanyang pamilya, ngunit hindi ng mga mapang husgang mga tao sa Pilipinas. Dahil may background na din sa Furniture Business si Lyna, mabilis nitong natutunan ang kanyang mga tinuro. May napansin lang sya dito. Tuwing umaga, madalas nyang naririnig ang pagduwal nito sa loob ng banyo. Kapag wala namang pasok, madalas lang itong nakakulong sa kaniyang kwarto at maghapong natutulog. Madalas na din ang pag crave nito sa mga weird na pagkain. Isang araw, hindi sinasasya na narinig nya ang pag uusap ni Lyna at Bea. Bea: Bes.. hindi kaya nagbunga yung sa inyo nung kupal na abogado na yun? Lyna: Hindi ko matandaan kung kailan ang huling menstruation ko bes. Natatakot ako Bea. Papaano ko palalakihin mag isa itong bata na to pag nakataon. Bea: Mag pa check up ka na kaya para sure. gusto mo ibili kita mamaya ng PT? Lyna: Papaano kung malaman ni ma'am Ella? Baka bigla nya akong pabalikin ng Pilipinas. Ayoko ng guluhin ang buhay nila doon. At lalong ayokong mamalimos ng pagmamahal ang magiging anak ko sa lalaki na yun. Bea: So papano? Kahit ba sa mga magulang nung kupal na yun hindi mo ipapakilala yung bata kung sakali? Lyna: Sa ngayon hindi ko pa alam. Kapag bumalik ako ng Pilipinas ng de oras hindi ko alam kung anong magiging kapalaran namin. Nabubuo na ang kanyang hinala. Maaaring buntis nga si Lyna. Kinabukasan, sinadya nyang isabay ito sa kanyang sasakyan papasok ng opisina. " Lyna hindi naman sa pakikielam, narinig ko ang usapan nyo ni Bea. So bago ka nagpunta dito meron kang boyfriend sa Pilipinas? " O...opo" Mahinang sagot nito sa kanya. Napabuntung hingina na lamang sya. "Dadlhin kita sa kaibigan kong doctor para makasigurado tayo....." " Congratulations Ms. Dizon, you're 12 weeks pregnant" Bati ng kaibigan nyang doctor kay Lyna. Pagkaalis nila sa clinic, hindi na dinerecho ni Ella sa opisina si Lyna. Bagkus direcho silang umuwi sa bahay. Once and for all gusto nyang malaman ang nakaraan ng babae na ito at kung papaano nya matutulungan. " Ma'am Ella. Hindi ko po kayo mapipilit kung paniniwalaan nyo ako. Lalo na po at kakakilala nyo lang sa akin. Bago po ako nagpunta dito meron po akong fiance sa Pilipinas. " Nagsimula ng lumandas ang luha nito sa pisngi. "Pero mas pinili po nya ang ibang babae kaysa sa akin. Tinaggap ko po ang trabaho dito para kalimutan ang masasakit na nagyari sa akin. Kung alam ko lang po noon pa na buntis ako, ipaglalaban ko po sya. Kaya lang huli na. Hindi ko ipipilit ang sarili ko at anak ko sa kaniya" Buong pusong kwento ni Lyna sa kanya. " Ma'am Ella.. tatanawin ko pong malaking utang na loob kung pababayan nyo po ako na mag stay. Dodoblehin ko po ang sipag sa trabaho. Basta wag nyo lang po akong pabalikin ng Pilipinas" Pagmamakaawa nito sa kanya. Lungkot ang nararamdaman ya para kay Lyna.Lalo na ng malaman nito kay Bea na disiotso pa lang ay ulila na itong lubos at mag isang hinarap ang hamon ng buhay. " Lyna tutulungan kitang makabangon. Basta ipangako mo na itutuloy at aalagaan mo yang bata sa tyan mo. Alam ko na bago pa lang kitang kakilala, pero nararamdaman ko na mabuti kang tao. Tutulungan kita kasama ng kaibigan mong si Bea. Mapapalaki mo ng maayos yang anak mo kahit walang tulong galing sa gago mong boyfriend." Pahayag nya kay Lyna. Hindi nya maintindihan ngunit, napaka gaan ng loob nya sa babae na ito. Lumipas ang mga buwan na unti unti ng nahahalata ang tyan ni Lyna. Kapatid na ang itinuring nya kila Lyna at Bea dahil sa ipinapakita nitong kabaitan ang talagang napagkakatiwaan nila sa trabaho. Kapag sa opisina ma'am ang tawag ng nga ito sa kanya. Peeo pag magkakasama sila sa bahay ate nalang dahil mas matanda sya ng sampung tao sa mga ito. Minsan pa nga napagkakamalan silang magkakapatid kapag sama sama silang namamasyal o nag gogrocery. Dumating ang araw na pinaka hihintay nilang lahat. Ang panganganak ni Lyna. Ilang oras na silang naghihintay ni Bea sa labas ng delivery room. At sa wakas lumabas na ang kaibigan niya na doctor na syang nagpaanak kay Lyna. " Ella... Lyna is fine and the beautiful baby boy as well. Congratulations!!" Nakangiting bati ng doctor. Ilang oras pa ang lumipas ng inilapat na sa sariling kwarto sa ospital si Lyna kasama ang anak nito. Marahan nyang kinuha ang baby na karga ni Lyna. " My God Lyna. He's so cute. Ang cute ng ilong nya pati ng bibig nya." Wika nya dito habang hinahaplos ng kanyang daliri ang pisngi ng baby. Sinilip naman ni Bea ang baby na kasalukuyan nyang karga. " Grabe naman Lyna, pwede mo naman paglihian si Captain Ri, o kaya si Jung Kook bakit naman kamukha kamukha sya ng kupal nyang tatay" Saad ni Bea. "Ssshhh Bea yung bibig mo loka." Saway pa nya dito habang napatawa naman sa kanila si Lyna. " Lyna anong ipapangalan natin sa kanya?" Tanong nya. " Rocket" Walang gatol na sagot ni Lyna. " Wow.. Hello Baby Rocket!" " Hala ma'am Ella.. nag smile sya... Gusto nya yung pangalan nya" Wika naman ni Bea. Napansin naman nya na lumuluha si Lyna. " O bakit ka umiiyak? Ang gwapo geapo ng anak mo oh" Wika nya dito. " Wala lang ate... nagpapasalamat lang ako sa inyong dalawa ni Bea. Kung hindi dahil sa inyo hindi ko malalampasan ang lahat ng ito. " Hmmm tssseee nag drama ka pa dyan bes." Biro naman ni Bea. " Lyna alam mo ba ang ksabihan kapag ang baby daw kamukhanh kamukha ng tatay?" Tanong nya dito. " Hindi po ate. Bakit? Tanong nito sa kanya. " Oo ate anong kasabihan ba yun. Tanong din ni Bea. " Ibig sabihin daw. Mahal na mahal ng nanay yung tatay kaya kamukha nya yung anak." Sagot naman nya sa nga ito. Kung magaan ang pakiramdam nya kay Lyna. Mas lalo na sa anak nito. Hindi nya maintindihan ngunit pakiramdam nya ay meron silang koneksyon ng bata na ito. Marahil dahil noon pa ay gusto din nyang magkaroon ng anak. Saksi sya mula sa unang salita, unang gupit, unang hakbang ni Rocket. Isa din sya sa mga kinuhang ninang nito ng nagpasya silang pabinyagan ito. Pati 1st birthday at 2nd birthday ay talagang pinaghandaan niya. At ngayon nalalapit na ang ikatlong kaarawan nito sa susunod na buwan. Naputol ang kanyang pagbabalik tanaw ng lapitan sya ni Rocket. " Mommy Ella!! Hello??? Are you with us??" Tanong nito habang kumakaway kaway pa sa harapan nya. " Ay... yes.. sorry Rocket. What is it again?" " I said I hate mama. I told her I don't wanna go to kindergarten. But she's still insist to enrolled me." Wika ni Raphael na nakahalukipkip pa ang mga kamay. Natatawa naman si Lyna na papalapit sa kanila habang dala ang tray na may nakalagay na ice cream, malukong at mga kutsara. " Kasi ate, gusto nya mag lawyer na sya kaagad. Parati syang nakikipag away sa akin tuwing gabi" Sagot ni Lyna. " E kasi po kasi po si mama po nag aaway sya" Sagot naman ni Rocket. " Hay naku Rocket ayaw mong mag patalo para kang papa..." Hindi na tinuloy ni Lyna ang sasabihin.. " Hello mga besties...!!" Sigaw ni Bea kaya sabay sabay silang napalingon sa lugar nito. " Yeheyyyy Tita Bea" Salubong ni Rocket dito. " Rocket... I missed you so much" Bati nito habang hinalik halikan pa. " Tita. Nag eat pa tayo kaninang breakfast tapos missed mo na ako?" Sagot naman ni Rocket Sabay nagtawanan sila Ella at Lyna sa sagot ng bata... " O yan kasi, apaka OA mo hahahah" Pambubuska pa ni Ella kay Bea. " Rocket halika na dito. Eto na yung ice cream mo" Aya ni Ella sa bata. " Wow ice cream!!! Thank you mommy Ella thank you mama" Excited na wika ni Rocket. Nagagalak ang puso ni Lyna sa tuwing magkakasama sila. Kahit papaano ay naiibsan ang kanyang lungkot. Mag ta tatlong taon na si Rocket ngunit hindi pa nito nakikilala ang kanyang ama. Nakikita ni Lyna si Raphael sa kanilang anak. Ang hugis ng mukha nito ay hindi maitatanging anak ni Raphael ang bata. Pati na ang mannerism nito na pagsabunot sa sariling buhok kapag nakikipag argue. Parati din tinatanong ng bata ang tungkol dito.Hindi alam ni Lyna kung hanggang kailan nya kayang itago sa bata ang tungkol sa ama nito.... Pinatulog muna ni Lyna si Rocket bago muling lumabas sa sala upang gawin ang ibang paper works. " Lyna.. Magpahinga ka din.. Wala naman pasok bukas bakit hindi mo nalang gawin bukas yan?" Si Ella habang may hawak na tasa ng tsaa. " Ate, alam mo naman na ayaw kong matatambakan ng trabaho. mamaya matutulog na din ako." Sagot nya habang patuloy ang pagtipa sa laptop. Lumakad palapit sa kanya si Ella at naupo ito sa katapat nyang silya. " Lyna hindi mo naman kailangan gawin yan. Hindi ko naman kayo sinusingil sa pagpapatira ko sa inyo dito diba. Alam mo naman na pamilya na tayo. Kayo na ang pamilya ko dito." Nakangiting pahayag ni Ella sa kanya " Kaya nga lalo kong sinisipagan ate. Yun na lang yung kaya namin isukli sayo sa pagpapatira mo sa amin ng libre. Napakalaking menos sa amin lalo na ang mahal mahal ng mga apartment dito sa Singapore. Kaya wag ka ng kumontra ok?" Nakangiti din si Lyna. " Maiba pala ako Lyna. Anong balak natin sa birthday ni Rocket?" Tanong ni Ella. " Actually ate simple lang naman ang gusto nya pero mahirap ibigay" Wika ni Lyna. " Ano bang gusto nya?" Tanong naman ni Ella. " Mag celebrate ng birthday nya sa Universal Studio." Sagot ni Lyna " Gaga mahirap ba yun? Isang oras lang layo natin doon eh" Si Ella. " Mag celebrate ng birthday nya with his papa ate" Naiiling na dugtong ni Lyna. " Ay patay.. mahirap nga." Halos masamid pa si Ella sa iniinom na tsaa. " Hindi mo pa ba ipapakilala si Rocket sa papa nya? Baka ito na yung right time Lyna. Nagiging mausisa na si Rocket" Pahayag ni Ella. " Sino ba namang ina ang ayaw maging buo ang pamilya di ba ate? Pero gustuhin ko man ayoko naman na may masirang ibang pamilya ng dahil sa amin ni Rocket. Sigurado ko masaya na yung papa nya sa pamilya nila." Pilit ang ngiti ni Lyna. " Okay. Ikaw pa din ang ina Lyna. Alam mo kung ano ang ikakabuti ni Rocket. Pero hwag mong ipag kait sa bata na makilala nya yung papa nya. Nasa kaniya nandin kung kikilalanin nya si Rocket or hindi. Isa pa, ano man ang maging reaksyon ng papa nya pag nakilala sya eh... siguradong maintidihan ni Rocket. Matalinong bata yung anak mo Lyna. " Pahayag ni Ella. " Pag isipan mo. O sige matutulog na ako. Magpahinga ka na din" Paalam na ni Ella tsaka lumakad papasok sa silid nito. " Sige ate. Good night" wika pa nya. Saglit na napahinto si Lyna sa kanyang ginagawa at pasaldak na sumandal. Napaisip sya sa sinabi ni Ella sa kanya. " Kung dumating man ang pagkakataon na biglang magkita si Rocket at Raphael irerespeto ko ang magiging desisyon nya kung kilalanin man nya o hindi ang anak namin. Tulad ng pag respeto ko sa desisyon nya ng pinili nya si Elise. Kahit alam kong may karapatan si Rocket, sa ilang taon na din na nakaraan hindi ko alam kung meron na ding sariling anak si Raphael sa kanya. " Wika sa sarili ni Lyna....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD