Chapter 17
Lahat ay takot at walang gustong magsalita ng masama sa kung sino mang may ari ng baril na yon.
Sina Rochelle at Sheila biglang tumakbo sa kung saan.
Medyo malabo na ang paningin ko pero pinilit kong inaaninag ang mga bagong dating.
Leave us...... tinig ng pamilyar na boses at sigurado akong hindi kay Ethan yon.
Walang nagawa ang donya at si Czarina kundi umalis ay iwan ako.
Naramdaman ko ang pagkalag ng tali sa mga kamay ko.
At sa matigas na bisig niya ako bumagsak. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanya. Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko. Alam kong binuhat niya ako. At sa mga mata ko unti-unti kong nakita ang guwapong mukha niya.
Napakaseryoso at misteryoso pa rin tulad ng una siyang dumating sa Rancho.
Nagtataka ako paano kung may makakita sa kanya na nakakapaglakad? sekreto niya ito pero bakit wala siyang pakialam ngayon?
Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko pa ring tinutulak ang wheelchair niya at hindi ako pwedeng magkamali may nakaupo doon.At sino naman kaya ang naroon at itinutulak ng tauhan niya?
Narinig ko ang pagbukas ng seradura ng pinto.
Pumasok kami sa isang silid kasama pa ang dalawang lalaki. Tumayo yong nasa wheelchair at nagpaalam kasama yong isa pa.
Napangiti ako ang galing naman ng diskarte nila....
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala siya sa akin. Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata naming dalawa.
Napalunok ako ng mapagmasdan ang mapupula niyang labi.
Araaay.....! nagulat ako ng bigla niya akong bitiwan at mahulog sa malambot na kama.
Your enjoying hanging in my body saad niya habang nakahalukipkip at nakatingin ng diretso sa'kin.
Nakahawak pa rin ako sa likod kong nanakit.
B-bakit mo ako dinala dito? a-alis na ako senyorito... sabi ko ng makabawi ako sa pagkabigla.
Nagulat na lang ako at nakadagan na ang buong bigat niya sa katawan ko.
You are not leaving without my permission... matigas niyang sabi.
Dinig ko ang malakas na t***k ng puso ko. Maging ang sa kanya o baka nagkakamali lang ako.
Remove your clothes..... bulong niya habang seryosong nakatingin sa akin.
S-senyorito...!
Do you want to sleep with these wound...?Tonight your classes will start right?
Tumango ako. Tama ang sinabi niya.
Can you just obey me..... or your not afraid anymore with death? pananakot niya.
Ahhmm.... huhubarin ko na huhubarin na.... basta tumalikod muna kayo....
Napabuntong-hininga siya at tumayo sa pagkakadagan sa akin.
Agad ko tinanggal ang butones ng uniporme ko.
Masakit ang buo kong katawan sa pamamalo ni senyorita Czarina. Grabe talaga ang babaeng yon.
Nakagat ko ang ibabang labi ko ng makita ang mantsa ng dugo mula sa damit ko.
Tanging ang panloob ko lang ang natira.
Lumayo siya sandali at naghanap sa mga cabinet ng kuwarto niya.
Hinarap niya ako ng makita ang mga gamot sa sugat.
At tama ba ang nakikita ko? napalunok siya at pinagpapawisan samantalang napakalamig naman ng silid niya.
Dapa..... napakunot-noo ako ng marinig ulit ang boses niya.
Kahit nahihiya ako sa kanya ay sumunod na lang ako. Malakas pa naman ang topak ng isang ito.
Medyo napapangiwi ako dahil sa hapdi ng sugat ko.
Hindi ko maiwasang maluha hindi dahil sa mga sugat sa katawan ko kundi sa matinding sugat ng puso ko.
Hindi ko akalaing may mabuting puso pala ang lalaking to. Akala ko ay magaling lang siyang pumatay at may malamig na puso. Pagkatatapos niyang gamutin ang mga sugat ko ay saka niya ako hinarap.
You are wasting your youth for a good for nothing....
A-anong ibig mong sabihin senyorito? mukhang alam na rin niya ang totoo.
Forget it... I saved your life so keep my secret safe do you understand? sabi niya.
Naiintindihan ko senyorito wala po akong pinagsabihan na nakakalakad ka at hindi naman totoong.... I mean safe ang sikreto mo... gusto ko pang mabuhay ng matagal dahil alam kong papatayin mo ako pag kumalat ang..... yon na yon... pero salamat pa rin senyorito... utang ko sa'yo ang araw na to....
Good.... now you can leave..... I won't allow them to hurt you again...
Tumango ako at lumabas ng silid niya.
Sa banyo ng silid namin ko ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko.
Hihintayin ko si Ethan na magsabi sa akin ng totoo.
Pinanghahawakan ko pa rin ang mga pangako niya.
Ayos ka lang Tasia? may sakit ka nanaman ba? bakit namumutla ka? tanong ni Theang habang papunta kami sa klase namin.
Umiling lang ako at pilit ngumiti. Ito ang unang araw ng klase namin at ayokong isipin at dalhin ang problema sa klase.
Simple lang ang umpisa ng klase. Nagpakilala kami isa-isa at nagsimula na ang klase.
Pinilit kong magpokus sa mga aralin.
Alalahanin mo babae iiwasan mo na ang kapatid ko kung ayaw mong palayasin at sipain ka palabas ng bahay na to.... pa alala ni senyorita Czarina.
Lumipas ang mga araw at walang Ethan na nagpakita sa'kin. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya.
Kaya tuwang-tuwa isang araw matapos ko siyang makita sa mansiyon.
Nagawa ko pa ring ngumiti at bumati sa kanya sa kabila ng mga nalaman ko.
Hi Tasia how are you....? bati ni senyorito Mavy.
Magandang umaga senyorito....
Hey I have a new composition.... I want to try this one later with you.... seryosong sabi ni senyorito Axel.
Naging hobby na namin ang kumanta habang nagtitipa siya ng gitara.
Hindi naman sa pagmamayabang maganda din naman ang boses ko at may alam sa pagkanta.Talagang marunong sa sining ang senyorito Axel.
S-sige po senyorito....
Tasia.... be strong.... we're always here for you.... tinapik niya ang balikat ko bago sinundan si Ethan.
Pero ni hindi niya ako tinapunan ng pansin at tingin na lalong nakadagdag sa sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko isa akong estranghero sa kanya.
Ibang-iba na siya malayo sa malambing at mapagmahal na Ethan na puno ng mga pangarap at pagmamahal.
Ang nakikita ko ngayon ay Ethan na malamig at walang emosyon.
Hindi napigilang maiyak sa sakit.
Iyan ang napapala ng mga ambisyosang tulad mo... nakangising wika ni Rochelle.
Gumising ka na sa panaginip mo.... kahit kelan hindi ka magiging parte ng pamilyang ito. Pasalamat ka pa nga at hindi ka pinalayas dahil kay senyorito Delta...
Ano naman ang kinalaman niya sa nangyari..? tanong ko sa isip ko.
Pasalamat nga ako sa kanya kung sakali dahil narito pa rin ako.