escape
Chapter 1
Ms. Santos!
O.... ano ba natutulog pa ang tao eh!
Are you serious?!
Anastasia! kinakausap ka ni Mr. Morales!
Bulong ni Ciena na katabi ko.
Ahhhh.....? tila lumilipad pa rin ang utak ko sa alapaap.
Ms. Santos.... kung ayaw mo sa klase ko pwede ka nang lumayas!
S-ser?! bigla akong nagising sa panaginip ko.
Get your things, punasan mo ang laway mo at pati na rin ang desk at lumayas ka sa klase ko!Lagi ka na lang ganyan! Hindi tulugan ang klase ko!
Aba ser kayo rin naman yong laway niyo tumatalsik sa mukha ko.
Lalong nainis ang baklitang to.Totoo namang tumatalsik na yong laway niya sa mukha ko.Wala kasing preno ang dila ng dean na to.
Wala sa loob na hinaplos ko ang gilid ng pisngi ko, napapikit ako ng mariin!
Nakakahiya....! pati ang upuan ko ay basa!
Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.
Luminga ako sa paligid at nakita ko si Alvin! Patay! ang sikat na basketball player ng campus at crush na crush ko pa naman!
Pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan pwede lang na sabunutan ko ang sarili ko!
Ser naman bakit po hindi niyo ako ginising?
Aba't! guro ang trabaho ko at hindi utusan?! now labas sa klase ko!lagi ka na lang ganyan!
Eto nanaman siya at daig pa yong pinakamaarte kong kaklase as in literal na nakapamewang.
Ang totoo niyan pagod at puyat kasi ako sa pagbebenta maghapon at gabi.
Ako yong pinakamahirap na estudyante sa klase namin kaya kailangan kong magbanat ng buto ng walang emi.
Hiya?Wala ako nun basta kumita ako sa marangal na paraan.Wala akong pakialam kung pagtawanan ako at maliitin ng iba isa pa wala naman silang ambag sa buhay ko no?!
Ms.Santos bring your parents tomorrow!pinandilatan niya ako ng mga mata!
Napakamot na lang ako ng ulo sigurado namang hindi pupunta ang tiyahin ko.
Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.
Hehe alis na po ako ser.
Sir not ser!nakatikwas ang kilay ni Mr.Morales sabay-irap.
Tawanan ulit ang mga kaklase ko.
Sumaludo pa ako sa kanila bago lumabas ng silid.
Pauwi na ako galing ng paralan at binabaybay ang eskinita papasok sa bahay ng mga tiyahin ko ng makasalubong ko ang kaibigan kong si Theang
O bakit nagmamadali ka pawis na pawis ka na inday.Biro ko sa kanya. Subalit nanatili lang siyang seryoso at mukhang di mapakali.
Tasia... ! niyugyog niya ang mga balikat ko. Galing ako sa inyo at narinig ko ang usapan ng tiya at tiyu mo!
A-anong usapan? naguguluhang tanong ko.
I-ibenenta ka na kay Mr.Ling! at narinig kong mamayang gabi ka ibibigay ka na sa kanya!Sa katunayan nga nakahanda na ang mga gamit mo!
Ang taong yon ay nagmamay-ari ng mga bahay-aliwan sa bayan.
A-ano? Hindi ako makapaniwala sa narinig. Batid kong hindi maganda ang pakikitungo nila sa akin. Alam ko yon Kaya nagsisikap akong magbanat ng buto.Araw-araw di ako nahihiyang magtinda ng kung ano-anong pagkain sa loob ng klase.
Sa hapon naman pagkatapos ko silang ipagluto ng hapunan ay paparoon na ako kay aling Sonya para mag-angkat ng balot at penoy na ibibinta ko sa gabi.
Kahit papano ay nakakapag-abot ako sa kanila ng konti.
Nagtatabi naman ako ng pantustos ko para sa pag- aaral ko.
Hindi rin lingid sa kaalaman ko ang bisyo nila. Lulong sila sa sugal at baon sa utang.
Sila ang kumupkop sa akin ng mamatay ang mga magulang ko.Malayo namin silang kamag-anak.Ang tatay ko ay namatay sa aksidente. Nasagasaan siya ng isang kotse habang pauwi galing ng trabaho.
Ang nanay ko naman ay namatay sa leukemia noong walong taong- gulang pa lamang ako.
Tacia! huwag ka ng uuwi sa inyo! Baka kung ano pang mangyaring masama sayo!
Randam ko ang pag-aalala sa tinig ni Thea.
Sino namang nagsabi na uuwi pa ako? aba ayokong maging pulutan ng mga lalaking manyak!
W-wala akong kahit anong gamit?
Buti at nasa pitaka ko lang ang perang naiipon ko.Ang pag-aaral ko Theang.
Huwag mo ng alalahanin yon!makakapag-aral ka ulit. Sa ngayon ang kaligtasan mo ang importante.
Pahihiramin na lang kita ng mga gamit sumama ka sa akin sa San Sebastian sa lola ko. Mamasukan akong kasambahay doon at tamang-tama dalawa ang kailangan nila.
T-talaga?! nabuhayan ako ng loob at nagkaroon ng pag-asa.
Halika na dali baka may makakita sa'tin!
Hinila niya ang braso ko at nagmadaling pumunta sa kanila.
Nadatnan namin si nanay Cora na kakatapos lang mag-impake ng mga gamit ni Thea.
Mano po nay.....
Kawaan ka ng Diyos anak.
Theang bakit kasama mo si Tacia?alam mo namang paalis ka na. Tanong niya sa anak.
Sinabi agad ni Theang ang balak ng mga tiya at tiyo ko pati na rin ang pagsama niya sa akin sa San Sebastian.
Napakasalbahe talaga ng mag-aasawang yan! palatak ni nanay Cora.
Mabuti pa ngang sumama ka na kay Theang para makawala ka na sa pamilyang yon kahit kelan naman hindi naging kamag-anak ang turing sa'yo!
Hala sigi magmadali na kayong magbihis at baka makahalata pa sila na wala ka pa sa bahay niyo. Thea magbihis na kayo at ihahatid ko kayo sa terminal.
Kaagad kaming tumalima ni Thea. Mabuti at magkasing size kami ng katawan ni Thea at kasya ang pantalon at T-shirt na pinahiram niya sa akin.
Pinabaonan kami ni nanay Cora ng makakain sa daan dahil mahaba-habang biyahe ang papunta ng San Sebastian.
Pinasuot ako ng sombrero ni nanay Cora upang walang makakilala sa-kin.
Agad siyang pumara ng tricycle papuntang terminal.
Medyo nawala ang kaba ko ng makarating kami. Agad kaming bumili ng ticket para makasakay na kami ng bus.
O paano mag-iingat kayo? at tawagan niyo ako pag nakarating na kayo. Bilin ni aling Cora.
Opo inay kayo na po ang bahala kina boy at Sarah.... tukoy nito sa mga kapatid.
Oo naman anak....
Niyakap niya kaming pareho at binilin.
Saka lamang umuwi si nanay Cora ng makasakay na kami.
Kailangan pa naming maghintay hanggang sa mapuno ang bus.
Tumunog ang ringtone ng lumang cellphone ko. Namutla ako ng makita ang numero ni tiya Lita.Panigurado hinahanap na ako ng mga ito.
O bakit ka namumutla? tanong ni Theang.
A-ang tiyang! ipinakita ko ang tawag sa cellphone ko. Pano kung abutan tayo dito?! medyo kinakabahan na rin ako.
Nagpadala siya ng menssage at binuksan ko.
Tascia nasaan ka na bang bata ka?! baka nagbulakbol ka na sa labas! magmadali kang umuwi at may naghihintay na bisita sa yo! Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Ayokong maging isang bayarang babae.
Seen ko lang pero halos mangatog na ang mga tuhod ko.
Mabuti pa patayin mo yang cellphone mo at baka mabulilyaso pa tayo suhestiyon ni Theang.
Buti pa nga! ayoko ng bumalik sa bruhang tiyahin ko at sa asawa niyang batugan!This is pansit!