hacienda

1064 Words
Chapter 2 Nakahinga ako ng maluwag ng umandar na ang bus paalis sa'min. Mahaba-habang biyahe din ang lalakbayin namin. Eto ang unang biyahe ko mula sa probinsya namin. Habang tulog si Theang ay naaaliw ako sa pagtingin ng tanawin sa labas. Bahay, eskwela lang at sa kanto umikot ang buhay ko sa loob ng halos labing-walong taon. Ang ganda ng mga tanawing nadadaanan namin.Naisip ko dapat pala noon pa ako lumayas sa poder ng tiyahin ko. Kain, tulog kami sa buong biyahe at hindi ko na namalayan ang oras. San Sebastian na! Naalimpungatan ako ng huminto ang bus at sumigaw ang konduktor. Theang! gising na narito na tayo. Agad siyang naghikab at nag-unat ng mga kamay. Kinuha namin ang mga gamit at bumaba. Kailangan pa naming sumakay ng tricycle upang marating ang Hacienda Monticillo kung saan namamasukan si lola Caridad ni Theang. Agad kaming naghanap ng paradahan at di naman kami nahirapan. Manong sa Hacienda Monticillo po wika ni Theang. Agad kaming sumakay. Habang binabaybay namin ang daan ay napahanga kami sa mga malawak na lupaing nadadaanan namin. May mga taniman ng tubo,pinya, saying at naglalalakihang mga puno ng niyog. Napakaraming mga baka at kabayong na nakapastol. Makikita din ang napakagandang view sa paligid isabay pa ang sariwang hangin. Ang mga nakikita at nadadaanan natin lahat yan pag-aari ng ng Hacienda. Wika ni manong driver. Talaga po manong? sobrang yaman pala ng mga magiging mga amo namin humahangang sabi ni Theang. Aba oo sa kanila nanggagaling ang mga pangunahing produkto ng mga prutas at karne sa buong bansa. Si Don Demitri ang kasalukuyang governor ng probinsya at ang panganay naman niya ang bise. Kwento pa ni manong driver. Wow! excited na akong mag trabaho.... ganito pala ang mga mayayaman.... wala sa loob na sabi ko. Mas lalo kayong hahanga pag narating ninyo ang mismong bahay nila. Pagmamalaki pa ni manong driver. Magdadagdag sila ng mga kasambahay dahil balita ko babalik ng Pilipinas ang anak ng Don na matagal nawalay sa kanila.... May gusto pa sanang sabihin si manong pero biglang nanahimik. Tumigil ang tricycle sa isang malaki at itim na gate. Hanggang dito ko na lang kayo maihahatid. Hindi na pinapayagan pang pumasok ang mga taga-labas sa bukana.Sandali at ibibilin ko kayo sa guard. Sumang-ayon kaming dalawa. Bumaba si manong at nakipag-usap sandali sa bantay. Itinuro kami ni manong at tumango ang kausap.Agad itong tumawag sa kung sino at muling tumingin sa kinaroroonan namin. O paano iiwan ko na kayo dito. Pumasok muna kayo sa loob habang hinihintay ang sundo niyo. Sige ho eto ho ang bayad at maraming salamat. Walang anuman mga ineng.Mag-iingat sana kayo ha? wag kalimutang magdasal. Tumango na lang kami. Ng makaalis ang tricycle ay pinapasok kami ng guard sa maliit na balkonahe ng modern bahay-kubo. Dito marahil tumutuloy ang mga tagabantay. O dito muna kayo at habang hinihintay ang sundo niyo wika ni manong guard. Tumango kami at umupo. Di nagtagal ay may humintong isang lumang pick up. Medyo abala kami sa kwentuhan ni Theang at hindi napansin ang bagong dating. Halos dalawampung minuto na kaming naghihintay. Gutom na rin kami at pagod sa mahabang biyahe. Lumabas si manong guard at kinausap ang matangkad na lalaki. Nakatalikod ito at hindi namin makita ang mukha. Marahil ay isa rin ito sa mga trabahador base sa itsura ng suot nito. Puro putik din na tuyo ang suot nitong bota at nakasuot ng sumbrero. Maya-maya ay may tinawagan ito sa cellphone at saka ito lumingon sa kinaroroonan namin. Napanganga kami ng mamasdan ang mukha ng lalaki. Noon lang kami nakakita ng totoong guwapo sa personal maliban sa mga artista sa tv! hindi mas guwapo pa ito! Tasia! nakikita mo ba ang nakikita ko?! namimilipit na sa kilig ang kaibigan ko. Ako din naman kasi! aba eh wala pa sa kalingkingan nito si Alvin ang MVP ng campus namin! magsasakang pogi!Lumapit ito sa kinaroroonan namin. Kurutin mo ako dali!tiki ni Theang. Aray masakit nga hi hi hi! kung ganon hindi siya panaginip anghel na bumaba sa lupa...tila wala na sarili ang bruha. Hi.....? bati niya sa'min at ngumiti. Halos malaglag ang mga panga namin ng ngumiti siya at sus! ang puti ng mga ngipin pwedeng pang commercial ng toothpaste! aba e kung ganito karami ang guwalong trabahador ang Hacienda siguradong mawiwili kami! Teka nga Tasia! kumalma ka nandito ka para magtrabho hindi para lumandi! kaloka!Dalagang Filipina hmmmm! Siniko ko ang kaibigan ko.Umayos ka bruha! saway ko sa kanya. Kumusta by the way I'm Zheta.... inilahad niya ang kamay niya. Medyo nahihiya pa kaming makipagkamay. Ah....hehe..... ako nga pala si Althea... theang for short....nakipagkamay ang bruha sa bagong dating. Ang lambot! Eto naman siya si Anastasia friend ko.... Tumango na lang ako at ngumiti. Whooa!nice name! sabi niya. Ang kamay bitiw na nakakahiya bulong ko kay Thea. Ay! pasensya na Zheta.... Muling ngumiti ang lalaki at inilahad ang kamay sa'kin kaya napilitan akong tanggapin. Nice meeting you Thea and Anastasia. Same here... sagot ko. Isa ka rin bang trabahador ng hacienda?tanong ko sa nagpakilalang Zheta. Magsasalita sana si manong guard pero pinigilan siya ng lalaki. Ahhhh oo naman.... O pano tara na? yaya nito. Binuhat niya ang mga gamit namin at sinakay sa pick-up. Nagpaalam kami sa guard at sumakay sa harap. May pinindot na remote control ang lalaki at bumukas ang mataas na bakod. Muli na naman kaming humanga sa ganda ng paligid. So kumusta ang biyahe? tanong ni Zheta. Ay ayos naman medyo pagod lang sagot ni Thea. Okay in a few minutes andon na tayo wika ni Zheta. M-matagal ka ng naninilbihan dito? tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at halatang naaaliw ng hindi ko maintindihan. Actually bakasyon kasi kaya narito ako. Babalik ako ng lungsod sa susunod na pasukan. Sagot niya. Tumango naman ako. Kayo? nag-aaral pa ba kayo? tanong niya sa'min. Ahhh t-tumigil na kami. Kailangan namin ng trabaho kaya kami narito.... Ahhh ganon ba? tila napaisip ito. Teka ilang taon na ba kayo? tanong niya ulit. Eighteen pareho kami. Sabad ni Theang. Your still young at that age you need to earn for yourselves.... seryosong sabi nito habang nakatutok ang mga mata sa daan. Sa loob ay puro mga luntian at berdeng mga puno at damo lang ang makikita. Nagkwetuhan pa rin kami hanggang sa tumigil ang pick up sa isa nanamang gate at tulad ng dati automatic itong nagbukas at talaga namang namangha kami sa bumungad samin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD