Chapter 3
We're here.... welcome to Hacienda Monticillo.
Agad kaming nagpasalamat kay Zheta at bumaba dala ang ilang gamit.
Biglang lumapit ang isang lalaki kay Zheta at ibinaba ang sombrerong suot nito.
Hindi ko na naririnig ang usapan nilang dalawa. Inilibot ko ang tingin sa paligid.
Mas lalo kaming namangha sa laki at lawak ng bahay.Sigurado akong maliligaw ako sa sobrang lawak ng kanilang bakuran.
Napapalubutan ito ng mga estatwa at sa gilid ay may mga fountains.Malinis at maaliwalas ang paligid.
Sa gitna ay may malaki at maluwang na swimming pool na halos limang tao ang tulong-tulong na naglilinis.
Ang mga halaman at mga bulaklak sa paligid ay nakadagdag sa ganda ng bakuran.
Natuon ang pansin namin sa malaking pinto ng bumukas ito. Lumabas ang isang matandang babae na nasa sixthties ang edad.
Ito siguro ang lola ni Theang dahil sinalubong ito ng kaibigan ko at nagmano.
Sumunod ako at nagmano din sa matanda.
Kawaan kayo ng Diyos.... wika ng matanda.
Ah lola siya po si Anastasia kaibigan ko po.... siya po yong malimit Kong ikwento sa inyo.Ani Theang.Tasia siya si lola Caridad ko. Pagpapakilala sa akin ni Theang.
Nagagalak po akong makilala kayo lola.
Pasensiya na kayo mga apo dahil nasira ang sasakyan na susundo sa inyo sa katunayan nga inaayos pa hanggang ngayon sa likod. Paliwanag ni lola Caridad.
Ayos na po lola importante may tumulong sa'min at isinabay kami sa pagpunta dito. Wika ni Theang.
Ganon ba? teka sino bang naghatid sa inyo papunta dito?
Ahhh yong binata pong trabahador din dito si Zheta ayon po siya o....
Sinundan ni lola Isay ang itinuturo ko at nangunot ang noo.
Biglang lumaki ang mga mata ng matanda.
S-s.... naudlot sa pagsasalita ang matanda ng lumapit si Zheta.
Nanay Isay ako na ho ang naghatid sa kanila. Putol nito sa sasabihin ng matanda.
S-senyo....
Nay Cari....! mabuti pa ho papasukin niyo na sila sa loob I'm sure they are both tired. Give them some foods and let them rest for a while. Kumindat pa ito sa matanda.
Zheta.... maraming salamat sa paghahatid.... pahabol kong sabi.
Ngumiti siya sa amin.
Walang anuman para sa mga naggagandahang binibini. Tukoy niya sa amin na ikinapula ng mga pisngi namin.
Pano ba naman eh sa sobrang guwapo ng lalaking to.
I'll go head I need to check some horses. Pa alam nito.
Susmaryosep! Hala pumasok na kayo sa loob at ng makakain. Aya ni Lola Caridad.
Sa likod kami dumaan at doon may isa pang gusali.
Pumasok kami sa dirty kitchen ng bahay.
Doon palang ay makikita na ang karangyaan lalo na sa mga gamit.
Mas maluwag pa ito sa buong bahay ng tiyahin ko.
O maupo na kayo at ikukuha ko kayo ng makakain.
Sige po lola gutom na po kasi kami. Wika ni Theang.
O siya... iniwan niya kami sandali at pagbalik ay may dala na itong kanin at ulam.
Agad kaming tumayo at tinulungan si lola. Pagkatapos ay kumuha siya ng juice sa loob ng ref.
Sa sobrang gutom namin ay agad naming sinunggaban ang pagkain.
Maiwan ko muna kayo at mag-aayos lang ako sa kusina.
Sige po la wika ni Theang.
Naparami kami ng kain. Biglang may pumasok na nakauniporme tulad ng kay lola Caridad.
Siguro ay mas matanda ng konti ang mga ito sa'min ng konti.
Tumingin sila samin. Mukhang nagulat din sila.
Hello kumusta kayo? mga bago pala kaming maninilbihan dito.
Ngumiti kami sa kanila.
Ni hindi man lang sila ngumiti as in dead ma. Kumuha sila ng juice at cake sa refrigerator.
Hmmmp!akala mo naman kung sino daig pa ang mga amo bulong ni Theang.
Ssshhh.... wag ka ng maingay mamaya marinig ka pa. Saway ko sa kanya.
Kebago-bago pa lang lumalandi na at feeling close sa amo.
Dinig kong sabi nong isa.
Oo nga di na nahiya sumakay pa sa tabi ng amo natin.Sabad pa nong isa.
Hindi namin alam ang tinutumbok nilang dalawa.
Tatayo na sana si Theang at handa ng makipag-away kung hindi ko lang pinigilan.
Hayaan mo na tandaan mo kailangan nating makisama. Alam mo namang kararating lang natin kalma okay?
Huminga ng malalim si Theang.
Mabuti pa hugasan na natin ang mga pinagkainan natin bago pa dumating ang lola mo.
Okay sige naku pasalamat sila ay may kaibigan akong pasensiyosa kung hindi kanina ko pa kinaladkad ang dalawang yan!
Habang naghuhugas kami ay lumapit ang dalawa at inilapag ang mga pinagkainan.
Paki na rin to.... isipin niyo na lang training to. Nakataas ang kilay nong isa.
A-ah.... s-sige....
Anastasia! pinandilatan ako ni Theang.
Ngumisi ang kaibigan ko sa dalawa. Yong klase ng ngisi na di mo gugustuhin.
Hoy kayong dalawa... Hindi namin kayo mga amo para utusan kami! kayo ang maghugas ng mga ginamit niyo. Ano kayo lucky?! nakamapamewang na si Theang.
Aba't matapang ang baguhan na to ha?!
Akmang sasampalin na nong isa si Theang.
Rochelle! Lumingon kami sa pinanggalingan ng tinig.
Nanlaki ang mga mata ng dalawang babae.
S-senyorito.....! agad ibinaba nong tinawag na Rochelle ang kamay at agad yumuko.
S-senyorito? nagtatanong at nagpalipat-lipat ang mga mata namin.
Si Zheta tinawag na senyorito? ! Ang madungis na inakala naming trabahador amo pala namin!
What is the meaning of this? seryosong tanong nito sa dalawa.
Care to explain?
K-kasi po..t-tinuturuan lang namin s-sila ng mga gagawin kaso tumanggi sila di ba Sheila? tanong nito sa kasama.
Hindi totoo yan.... s-senyorito gusto po nilang ipahugas sa amin ang pinagkainan nila. Matapang na sagot ni Theang.
You two knows that is task is for elders why did you do that? and you know the punishment for your actions.
S-senyorito..nanginginig na ang dalawa sa takot.
S-senyorito! bigla akong sumabat sa usapan.
Nilingon niya ako.
P-pwede bang palampasin na lang po natim ito? h-hindi naman po nila s-sinasadya.... pakiusap ko.
Biglang lumambot ang mukha niya.
Fine! I will let this pass for now but you two needs to apologize to them. Utos nito.
Agad lumapit ang dalawa sa amin at humingi ng sorry.Pero ang dalawang to ay hindi bukal sa loob ang paghingi ng tawad kundi napilitan lang.
Sa tabas ng mga tingin nila parang sinasabi nilang hindi pa kami tapos.
Hinugasan nila ang mga pinagkainan at nakayukong lumabas.
Naiwan kaming tahimik at hindi makatingin sa mga mata ni Zheta.
S-senyorito.... p-patawad po.... a-akala namin......
That I am a laborer? nakangising putol niya sa sasabihin ko.
You don't need to say sorry it's not your fault you didn't know who I am and you don't give me a chance..... nakakalokong ngiti niya.
Hiyang-hiya tuloy kami sa kanya.
Let me introduce myself properly I am Zheta Miller Monticillo....