Chapter 4
Pagpasensyahan niyo na ang dalawang yon.Talagang ganon ang mga pag-uugali nila.Huwag niyo silang intindihin at gawin niyo ang mga dapat gawin dito sa bahay.Paliwanag ni lola Caridad.
Kasalukuyan kaming nag-aayos ng kwarto namin.
Inilibot kami kanina ni lola Caridad upang maging pamilyar kami.
Ang kwarto ng mga katulong ay kuwarto,anim na sala,ang pinakamalawak ay yong nasa baba,mukhang dito nagdaraos ng party ang pamilya dahil sa sobrang laki.
Ang mga larawan ng mga anak ni Don Demitri na nasalo na ata lahat ng kagandahang lalaki siyempre kasama na doon si Zheta.Sa larawan ay kasama din ang isang magandang babae na ayon kay lola Caridad ay nag-iisang anak na babae ng don.
Hindi na sinabi pa ni lola Caridad ang mga pangalan nila o baka nakalimutan lang.
Sa panganay natuon ang pansin ko.Kakaiba ang pintig ng puso unang tingin ko pa lang sa larawan niya.
Napakaamo at napakagaan ng awra niya .Basta hindi ko maipaliwanag.
Di ko pa siya nakikita ng personal pero pakiramdam ko ang lapit-lapit lang niya.
May mga kanya-kanya palang mga tinatahak na buhay ang bawat isa sa kanila.
Lola akala ko ba puro lalaki ang anak ng amo niyo?tanong ni Theang.
Oo puro mga lalaki,limang lalaki....
Si senorita Czarina ay ampon ng don.Pero wag na kayong magkwekwento ng tungkol dito lalo na kung nandito si senorita Czarina.Hindi ninyo alam ang kaya niyang gawin.
Iiwasan niyo siya kapag narito siya lalo ka na Tasia.Napakaganda mo pa naman.
A-ano pong ibig niyong sabihin? naguguluhan ako sa mga sinasabi ni lola.
Self-centered si Czarina palibhasa nag-iisang babae kaya spoil ng kanyang ama at mga kapatid.Gusto niya nasa kanya lagi ang entablado.Ayoko sa batang yon.
Di ko ba alam sa batang yon sa dami ng nanliligaw sa kanya hanggang ngayon ayaw pa ring mag-asawa.
Eh lola nasaan yong isang anak ng don?di ba po lima sila?tanong ni Theang?
Huwag na nating pag-usapang ang pang-apat na anak ng don.Walang sinuman ang gustong pag-usapan siya rito.
Bakit naman po?sige na lola curious lang po kami di ba Tasia?pangungulit ni Thea.
Hay pasalamat kayo at wala sina Freda at Ferlin ngayon.
Kasama namin sila dito sa kwarto namin.
Umuwi sandali sa probinsya nila ayon pa rin kay lola.
Ito lang ang masasabi ko.Hindi lumaki dito ang batang yon.At kung ano siya ngayon ay dahil sa mga nagpalaki sa kanya.Matagal na panahon na rin mula ng huli ko siyang makita.
Huwag ninyong pansinin ang mga maririnig ninyong mga tsismis at kwento.Tandaan niyo narito kayo para magtrabaho at hindi para pag-usapan ang buhay ng mga amo natin.
Yan ang sikreto ko kaya tumagal ako sa kanila.
May tama nga naman si lola.Trabaho ang kailangan namin hindi ano pa man.
Sa mga unang araw ng trabaho namin unti-unti kong nagamay ang mga gawain.
Ang amo naming si don Demitri ay hindi ko pa nakikita.
Si Rochell at Anita ayon mga bitter pa rin.
Tulad ng bilin ni lola Caridad inabala namin ang sarili sa mga gawain.
Ang bunsong Monticillo naman ay nakagaanan namin ng loob ni Theang.
Sobrang bait niya at mga ngiti niya nakakagaan ng lahat ng dalahin.
Minsan dinadala niya kami ni Theang sa taniman ng tubuhan at pinya.
Madalas kaming maghatid ng pagkain sa mga trabahador.
Mas lalo pang lumala ang asal ng dalawang buwetri. Alam niyo na kung sino ang tinitukoy ko.
Ilang taon na ako dito pero kahit kailan hindi ako kinausap ng ganon ng mga anak ng Monticillo pero ang babaeng yon bakit napakadali sa kanyang kunin ang loob ni Zheta?!
Natigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang usang ng dalawa sa kusina.
Ang sabihin mo nilalandi niya ang busong anak. Sigurado akong palalayasin yan kung malalaman ito ni senyorita Czarina alam mo naman yon ayaw malamangan.
Gigil na hinampas nitong si Rochell ang mesa.
Isa pa ang babaeng yon! pagod na akong maging aso niya!
Kapag naakit ko at napasa'kin kahit isa sa mga anak na lalaki balewala na ang babaing yon sakin.
Rochell hinaan mo ang boses mo baka may makarinig satin.... awat ni Anita.
Ang Tasia na yan sino ba siya? makikita ng babaeng yon!
Ang alin? ano ha? akala niyo ba hindi ko narinig lahat ng usapan niyo?
Ngumisi ako at pinarinig ang narekord kong usapan nila sa cellphone ko.
Namutla tuloy ang pagmumukha ng dalawang to.
Ano ha? sinong tinitukoy mong malandi ha? baka gusto niyong kayo ang ilaglag ko!
Tinatakot mo ba kami? mukhang umurong ang tapang ng Rochell na to.
Kapag hindi niyo tinigilan ang paggawa ng kwento sakin malalagot kayong dalawa.
Tinangka akong sugurin ni Rochell pinigilan lang siya ni Anita.
Sige saktan mo ako at pareho tayong matatanggal sa trabaho.
Una sa lahat hindi ako malandi. Pinakimisamahan ko ang senyorito dahil sa trabaho.
Tumalikod ako at paalis. Naalala ko nanaman ang bilin ni lola Caridad sa'min.
Ayokong mawalan ng trabaho tapang-tapangan lang ako kanina hehe... nakakapikon lang kasi ang dalawang yon.
Kasalukuyan kamin nagtutupi ng mga nilabhan ng tawagin kami ni lola Caridad.
Parating na raw ang amo naming si don Demitri galing sa isang business trip.
Agad kaming natungo sa malawak na sala upang salubungin ang don.
Medyo tensiyonado ang lahat.
Siniko ko si Theang medyo nahihiwagaan ako ganito ba talaga pahalagahan ang mga mayayaman?
Hoy kailangan ba tayong nandito? di pa ako tapos sa mga tupihin.
Sssshhhh.... Tasia tahimik ka lang baka may makarinig sa yo.... bulong ni Ferlin.
Nagkibit-balikat na lang ako.
Bumukas ang malaking pinto at pumasok ang amo namin.
Sa palagay ko nasa late sixties na siya. Puti na ang mga buhok at nakasuot ng itim na sombrero. At sa bibig ay may malaking tabako na umuusok at hawak ang kanyang baston.
Makikita ang awtoridad at pagiging superior niya.
Hindi na rin ako magtataka kung kanino namana ng mga anak niya ang magandang lahi.
Sa likod niya kung di ako nagkakamali ay mga bodyguards niya.
Grabe ang tindi at ang lakas ng dating ng
amo namin.
Lahat kami ay yumuko at nagbigay-galang sa pagdating niya.
Welcome home don Demitri. Sabay-sabay naming pagbati.
Naglakad siya ng taas-noo dala ang kompiyansa sa sarili at bilang kagalang-galang na tao na nabibilang sa mundo ng mga mayayaman.